00:00Inatasada ng Department of the Interior and Local Government ang ibat-ibang LZU na magpatupad ng pre-emptive evacuation dahil sa inaasahang lawak ng bagyong uwan.
00:11Yan ang ulat ni Ryan Lesigues.
00:16Magpatupad ng agarang pagpapalikas.
00:18Ito ang pakiusap ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa mga LGU na nasa high-risk ang komunidad kasabay sa inaasahang pagtama ng bagyong fungwong uuan.
00:30Giit ng DILG na hindi dapat antayin na mga LGU na lumala ang panahon bago magpalikas.
00:36Paalala pa ng kagawaran na maagang ihanda ang mga evacuation center, relief goods at power sources.
00:42Pinasisiguro din ang patuloy na koordinasyon ng LGUs at RDRRMC para sa real-time information.
00:50Ipinagutos na rin ng DILG ang no-sailing policy at ang pagsuspende ng tourism at outdoor activities.
00:57Ang Philippine Coast Guard naman nakalerto na kasunod na inaasahang pagtama ng bagyong uuan.
01:02Ito'y kahit patuloy pa ang kanilang isinasagawang search and rescue operations at clearing operations sa mga lugar na pinadapa naman ng bagyong tino.
01:11Sa pagpasok po ng bagyong uuan, we are in constant reminder po sa ating mga kababayan,
01:17lalo na po sa mga coastal areas, yung may mga maliliitang sasakyang pandaga,
01:21ito talagang iwasan po muna ang umalis sa kanilang mga tahanan.
01:25Sa ngayon ay naka-full alert pa rin ng PCJ bilang paghanda sa panibagong bagyo,
01:30lalo pat ayon sa pag-asa, inaasahang aabot sa super typhoon ang sama ng panahon.
01:35Yung ating mga tauhan, particularly sa area po ng Northwestern Luzon, Northeastern Luzon, and Central Luzon,
01:42ay naka-preposition na po ang ating mga deployable response loop kasama po yung ating floating assets.
01:47Ang lokal na pamahalaan naman ng kagayaan, ipinag-utos na na paigtingin ang kahandaan para sa paparating na bagyo.
01:54Sa isinagawang pre-disaster risk assessment o PIDRA meeting,
01:57kanilang tiniyak na nakalatag na ang pangunahing direksyon ng kahandaan,
02:01kabilang na ang preventive measure, pre-positioning of assets,
02:05at preparation upang maiwasan ang malawakang pinsala sa mga tagakagayan.
02:10Dapat din umano na maaga ang pre-positioning of assets,
02:14umaagang paglalagay ng mga kinakailangang kagamitan at supply gaya ng pagkain,
02:19gamit at relief operations sa mga lugar na maaring tamaan ng bagyo.
02:23Samantala, ang Office of Civil Defense o OCD naman,
02:27tiniyak na all hands on deck sa pagtaman ng bagyong uwan.
02:30Kasabay nito, ang ginagawang pag-alalay naman sa mga sinaranta ng bagyong tino.
02:35Let's be on alert, pero kalmado lang po tayo.
02:39Let's just prepare for this incoming typhoon.
02:44So makihinig po tayo sa ating mga authorities,
02:47kumuha po tayo ng mga tamang informasyon,
02:50and let's continue to monitor and samahan na rin natin ng dasal.
02:56Sa lawak ng bagyo na abot sa mahigit 1,000 km radius,
03:01inaasahang sasakupin nito ang buong luzon.
03:04Ryan Lisigues, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.