00:00Hanggang signal number three naman ang posibleng itaas sa Metro Manila dahil sa parating na bagyo,
00:06kaya inihanda na ang mga pumping station, evacuation center, pati mga billboard.
00:11Nakatutok si Maki Pulido.
00:16Sinimulan ng itupi ang ilang mga higanting tarpaulin sa Metro Manila bago dumating ang bagyong tatawaging Uwan.
00:23We have more than 40 areas na identified as flood prone.
00:27So yun po ang binabantayan. Kiniclear na po natin yung mga drainages and canals na nearby.
00:34So dapat, maga pa lang, hindi pa dumarating yung baha, ma-evacuate na sana sila.
00:40Wala ng mga karatang stand-up. Ultimately yung mga responder natin, may hihirapan ng pumasok.
00:45Pwede nang puntahan ang permanent evacuation center ng barangay Bagong Silangan, Quezon City, na malapit sa Marikina River.
00:51Naka-setup na ang partition tents at naka-standby ang lulutuin para sa mga evacuee.
00:56Handa na rin ang mga relief goods, hygiene kits at ang mga gamot kabilang ng doxycycline na pangontra sa leptospirosis.
01:03May lugar para sa mga ililikas na alagang hayop.
01:06Mabilis iti-check-in ang mga evacuation center dahil sa mga QR code sa kanilang barangay ID.
01:12Lahat ng mga residente dito sa barangay Silangan ay may ganitong ID na may QR code.
01:17Pagpasok nila ng evacuation center, ang una lang nilang gagawin ay isa-scan ang QR code na ito.
01:24Tapos, lalabas na ang lahat ng impormasyon nila dito sa laptop.
01:29Kanilang pangalan, mga kasama nila sa bahay, kung may PW, kung may buntis pa, kahit na listahan kung meron silang alagang hayop.
01:38Kaya hindi na sila kailangang ma-stress na i-interviewin pa o mag-fill out ng forms pagkatapos nilang lumikas.
01:46Yung mga naghihintay po dito ay yung comfort nila kasi para mabalik yung dignidad sa kanila na kapag kanabahaan ay maging maayos yung kanilang tutuluyan.
01:58Sa barangay Dalmonte na binabaha pag umaapaw ang San Francisco-Delmonte River,
02:03naglatag na ng mga lubid sa mga looban na pwedeng kapitan ng mga susuong kung bahana.
02:07Magmula sa dulo ng looban hanggang paglabas, kung hanggang saan po yung tubig na makakalabas po sila,
02:14kasi napakalakas po ng current dito, makakatulong po sa kanila yung para makalabas po sila in case na matrap po sila sa loob.
02:23Pag parating yung bagyo, inaagahan na namin ligpitin itong mga panindan namin nasa baba.
02:30Bago pa man bumaha, magpapalikas na sila para di na umabot sa pag-rescue.
02:34Pero nakahanda pa rin ang mga bangkang pang-rescue, pati relief good.
02:39Mula sa command center sa Pasig City ay imomonitor ng MMDA ang pusibling baha at traffic
02:44para maabisuhan ang publiko o mabilis na makaresponde.
02:48Tiniyak din ang MMDA na gumagana ang 70 pumping stations sa Metro Manila.
02:53Tamang maghanda ang Metro Manila ayon sa pag-asa,
02:55dahil maraming lugar na flood-prone at mapanganib ang bagyo.
02:59Asahan din ang landslide at storm surge sa ilang baybayin.
03:02Sabang papalapit pa ang bagyo at lalong-lalong na malapit na sa kalupaan.
03:07Of course we expect na maging more intense.
03:10The best is maging alerto, maghanda at mas more.
03:15Subay-bayan yung mga information ng mga binibigay na pag-asa.
03:19Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Comments