00:00Sa batala, kabilang din sa mga dapat pagandaan ng ating mga kababayan tuwing may bagyo ay supply ng ating kuryente.
00:08Kaya naman, ang Energy Department may mga paalala para sa sariling kaligtasan mula sa disgrasya na dulot ng kuryente tuwing may sakuna.
00:17Si Ryan Lesigue sa Sentro ng Balita.
00:23Sumisipul na hangin.
00:25Baha na halos lagpas bubong.
00:27Mga ari-ari ang dahang-dahang nilalamunang galit ng kalikasan at higit sa lahat, mga buhay na nawala.
00:41Ilan lamang ito sa mga epekto ng matinding bagyo na tumatama sa bansa.
00:47Madalas namaan ang bagyo ang Pilipinas dahil sa lokasyon nito sa mapa at ilang natural na katangian ng bansa.
00:53Kabilang na dito ang lokasyon ng Pilipinas na nasa Typhoon Belt o Pacific Ring of Fire.
01:00Tuwing panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, kailangan maging maingat sa paggamit ng kuryente upang maiwasan ng sakuna.
01:08Kaya naman, ang Department of Energy may safety tips na maaring gamitin gabay ng bawat isa sa panahon ng bagyo.
01:14Kung may anunsyo na ng Tropical Cycle Mean Signal, mag-charge na ng mga cellphone, emergency light at iba pang device na maaring mawala ng kuryente.
01:24Sa pakikinig ng balita, mas mainam ang paggamit ng debateriyang radio.
01:30Kung may nakaambang pagbaha sa inyong lugar, mainam na i-off agad ang main switch at circuit breaker para maiwasan ng diskrasya at pagkasira ng mga ito.
01:40At i-report agad sa inyong distribution utility o barangay ang mga sumasayad na sanga ng puno at iba pang bagay na maaring makasira sa power lines upang maputol o matanggal agad at maiwasan ang sakuna.
01:54Sa banta naman ng pagbaha, ingatang hindi mabasa o malublob sa tubig ang appliances upang maiwasan ang pagkasira ng mga ito.
02:02Kung mawala ng kuryente, i-unplug ang refrigerator at iwasan ang pagbukasara upang mapanatili ang lamig nito.
02:10Hawakan ang plug at hindi ang cord. Kung bubulutin sa saksakan ang inyong appliance, panatilihing tuyo ang katawan at paligid bago hawakan ang kahit anong electrical appliance o gamit upang maiwasang makuryente.
02:25Nakalulungkot isipin na sa tuwing ahagupit ang kalamidad o tatama ang sakuna sa ating bansa, iisang larawan lang ang tumatambad pagkatapos ng bagyo.
02:35Wasak na mga bahay, nagtumbahang mga puno, sirasirang kalsada, gumuhong lupa o di kaya yung mga lugar na lubog sa baha.
02:48Walang bagyong nililipas pero habang narito pa, piliin nating maging handa at responsable.
02:55Sa bawat unos, huwag mawala ng pag-asa. Ang pagiging handa ang tunay na sandata.
03:04Ryan Lisigues
03:07Para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas