00:00Mahigpit namang minomonitor ang pagpapatupad o mahigpit namang ipinapatupad ng DSWD sa Karaga
00:07ang kanilang pagmomonitor upang matiyak na mabigyan ng tulong ang lahat ng mga kababayan nating biktima ng bagyong tino sa regyon.
00:16Batay sa tala ng ahensya, higit 113,000 na pamilya sa regyon ang apektado ng pagbaha.
00:23Si May Diaz ng Radio Pilipinas, Butuan sa detalye.
00:28Isa ang DSWD sa mga ahensya ng gobyerno na unang naghatid ng tulong matapos maminsala ang bagyong tino sa Dinagat Islands.
00:37Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang paghahatid ng tulong ng DSWD Karaga sa mga residente ng Dinagat Islands.
00:45Abala ang mga tauha ng DSWD Karaga sa relief operations mula sa reparting hanggang sa paghahatid nito patungong lalawigan ng Dinagat Islands.
00:54Ang Regional Creek Response Team ng DSWD Karaga patuloy na nagmomonitor sa distribusyon at sa mga request ng bawat LGU na nangangailangan pa ng tulong.
01:06At based on the request, patuloy po ang pagbibigay namin ng aming mga family food packs.
01:12Ito po ay direktiba ng ating Presidente Bongbong Marcos Jr. na dapat po walang maiiwan sa pagbibigay servisyo at dapat po laging may makain.
01:24Lalo lalo na po yung mga communities po naapektado.
01:27Ayon sa ulat ng DSWD Karaga, higit 113,000 families sa buong rehyon ang naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng Bagyong Tino.
01:38Higit 17,000 nito ay mula sa province of Dinagat Islands.
01:42Sa kasalukuyan ay wala pa rin supply ng kuryente sa bayan ng Loreto at Gibusong Islands.
01:48Sa bayan ng Tubahon, patuloy pa ang clearing operations.
01:51Tatlumpot isang paaralan at multi-purpose building ang partially damaged habang nasa 90% ang kinsala sa agrikultura.
01:59Kahapon ay sinimula na ang clearing operations ng provincial government sa pangunguna mismo ni Governor Nilo de Merritt Jr.
02:07Mula dito sa Butuan City para sa Integrated State Media, ito si May Diaz ng Radio Pilipinas, Radio Publiko.