00:00Posible yung mag-deklara ng price freeze ang Agriculture Department sa mga lugar na apektado ng Bagyong Tino.
00:07Kasunod yan ang deklarasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng State of National Calamity.
00:13Yan ang ulat ni Vel Custodio.
00:17Kasunod ang deklarasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng State of Calamity,
00:22dulot ng pinsalang iniwan ng Bagyong Tino at bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Uwan.
00:27I-anunsyo ng Department of Agriculture na posibeng magtakda ng price freeze sa mga piling lugar na lubhang apektado ng kalambidad.
00:35If we need to do a price freeze, we will do so.
00:39But unfortunately, kasi high-value crops, medyo 60 commodities yun.
00:46So we have to really identify kung ano yung masya-short depende sa tinamaan ng bagyo.
00:51If the market of a particular province is Metro Manila, then pwede sa Metro Manila mag-price.
01:00Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr., may inisyal na 255 million worth ng agricultural inputs
01:08na tulong sa mga magsasaka at mangingisdang na salanta ng Bagyong Tino.
01:12Kabilang dito ang mga pataba, feeds, pesticides at mga pang-repair sa bangka.
01:17Ang most affected sa atin dito with the fishermen and fisher folks, so we are also ready to deploy yung mga Bureau of Fisheries vessels
01:26to assist them and rebuild their vessels and yung kanilang mga bigay ng fishing gears, mga payaw, kung ano-ano pang kailangan natin bigay.
01:37Ayon sa kalihim, wala namang gaanong tinamaan sa palay sa nagdaang bagyo dahil naani na ang karamihan nito.
01:43Ngunit mas malaki ang napinsala sa high-value crops.
01:47Bilang tugon, nakaabang ang tulong mula sa Philippine Crop Insurance Corporation at Survival and Recovery Loan
01:53kung saan maaaring makakuha ang mga apektadong magsasaka at mangingisda ng 25,000 pesos cash na payable in 3 years.
02:01Upang matiyak naman na hindi mabibidin ang supply at hindi sisipa ang presyo ng mga pangunahing bilihin,
02:07nakaalalay na ang importation kung saan 1,600 metric tons na ang pumasok na carrots sa bansa as of October.
02:14Nagaangkat na rin ang sibuyas at broccoli at ihihinto lang ito kapag pumasok na ang panahon ng anihan.
02:20Nasa 55,000 metric tons naman ang inaangkat na galunggong hanggang sa Enero.
02:25At 2,000 metric tons sa iba pang uri ng seafoods, kagaya ng sardinas, pusit at iba pang isda na hindi locally produced.
02:33Tiniyak din ang DA na maraming supply sa cold storage facilities maging sa Visaya sa lubhang na sa lantan ng bagyong Tino.
02:40Hinihikayat naman ni Sen. Francis Pangilinan na makipag-ugnayan na ang mga lokal na pamahalaan sa mga magsasaka,
02:46lalo na sa mga lugar na tatamaan ng papasok na bagyong uwan.
02:50Baka pe pwede na mag-umpisa ng early harvest ang mga farmer ng kanilang mga produkto
02:56at bilihin na ng LGU dahil magagamit din naman talaga immediately para sa mga evacuation centers
03:05kung sakaling merong mga evacuos.
03:09Sa ilalim ng Executive Order 101 o pagpapalaka sa implementasyon ng Sagip Saka Act,
03:15pinapayagan na rin ang national government agencies, government-owned and controlled corporations,
03:19at local government units na bumili ng storm-damaged palay,
03:24lalo na ngayong inaasahang tatama ang bagyong uwan sa rice-producing region sa northern Luzon.
03:29Inanunsyo na sa joint press conference ng Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform
03:34ang itatakdang floor price para sa palay na bibilihin ng mga NGA, GOCC at LGU
03:40sa ilalim ng implementasyon ng Executive Order 100 at 101.
03:44Susundin muna nito ang floor price ng National Food Authority na 17-23 pesos per kilo para sa basang palay
03:52depende sa production cost ng isang lalawigan, habang 23-30 pesos per kilo naman sa tuyong palay.
03:59Sa Pebrero naman, inaasahan ang pinal na floor price sa ilalabas ng Steering Committee
04:03na binubuo ng DA, DILG, DTI, DSWD, DAR at NFA.
04:10Samantala, sinabi ni Agriculture Secretary Chu Laurel
04:14na itataas na ang taripa sa imported na bigas sa Enero
04:18pagkatapos sa importation ban sa well-milled at regular milled rice
04:21pero posibleng hindi pa ito itaas sa 35% rice tariff.
04:26As far as the tariff is concerned, I am not promoting na ibalik siya sa 35% immediately.
04:35Pag we start buying, sigurado yan, yung presyo ng international price tataas eh.
04:41So kung sinagad natin kagad ng 35% yan at we start buying,
04:48ang presyo niyan, kung 450, minimum yan, $50 more yan sa international market.
04:53And if we impose a 35% immediately ng tax,
04:58then tingin ko yung consumer natin tatamaan.
05:00One thing is for sure, it will not be 15%.
05:04Posibleng sa December 15, magkakaroon ng internal decision
05:07patungkol sa itatatag na taripa sa aangkating bigas sa Enero.
05:12Vel Custodio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.