00:00Samantala, nagsimula na ang ating mga kababayan sa Talisay City, Cebu na bumangon mula sa dinanas sa pagsubok dulot ng Bagyong Tino.
00:08Batay sa tala ng mga otoridad, nasa pito na ang nasawi sa lungsod.
00:11Pagtitiyak naman ang lokal na pamahalaan, wala ng patid ang kanilang pagtulong sa mga biktima ng bagyo.
00:17Si Jesse Atienzan ng PTV Cebu sa detalye.
00:20Sa pagbuti ng panahon sa Cebu, sinamantala ng mga residente ang pagkakataon sa pagkuhan ng kagamitan na may sasalba pa at mapapakinabangan.
00:37Gamit ang mahabang lubid, iba naman ang diskarte ni Junel para lang makuha mga natitirang gamit.
00:44Bakit ganito yung style ng paghahakot nyo ng gamit mo, gamit lubid?
00:50Ano kasi sir, mahirap yung daanan namin dito sir kasi marami pa yung potik sir.
00:55So mas madali ito na parang pinapasa-pasa na lang?
00:58Oo sir, mas madali kasi ito kaya ito na lang yung ginagamit namin.
01:02Kumusta naman yung bagay nyo boss, may naiwan pa po ba?
01:05Wala na sir, wala nang naiwan sir.
01:10Ano na lang po ito?
01:11Yung naiwan namin sir, ito na lang po.
01:14Kawali, tsaka mga platots.
01:17Yan na lang po yung naiwan sir.
01:20Ang ibang mga residente, iniimbak ang mga naipong bakal mula sa kabahayan para mapagkakitaan.
01:29Andito ko ngayon sa ilalim ng Buhon Bridge.
01:33Dito yung mga residente na nakatira malapit sa Mananga River.
01:37Yung Mananga River, yun yung ilog dito sa Palisay City kung saan na umapaw at umapaw yung level ng tubig nang nanalasa yung bagyong pino.
01:49At ito yung sitwasyon ng mga residente dito.
01:51Kanya-kanyang paglilinis, dun sa mga gamit nila sa bahay na nagkaroon ng putik.
01:58Ayan, mga kitchenware.
01:59May mga pinggan, may mga baso, pati kutsara tinidor.
02:02Nagkaroon din ng putik.
02:03At itong kawalik, kita nyo naman, puro putik din.
02:08Yung mga ibang gamit nila, balot din sa putik.
02:12Lalong-lalo na yung mga damit.
02:14At ayon sa mga residente, ito daw yung unang pagkakataon na talagang ganun katakas yung level ng tubig.
02:22Kaya naman, nabigla sila noong umapaw yung tubig mula sa Mananga River.
02:27Pinasok na ng mga heavy equipments ang mga kasuluk-sulukan ng lungsod ng Talisay.
02:35Sa huling tala ng LGU, nasa pitong katao na ang nasawi at may walong katao ang patuloy na pinaghanap ng mga rescue team.
02:57You're not blaming them though?
02:59No, of course not.
03:00We have to do something about how to help Mayor Sam Sam and the people of Talisay rebuild immediately.
03:09Nakakaiyak tong nangyari dito ngayon.
03:11Dito sa end of the week.
03:14Hindi pwedeng paugit-ugit ngayon.
03:15Para sa Integrated State Media, Jesse Atienza ng PTV Sabu.