00:00Samantala bayan, makikita naman sa post ng ating mga kababayan sa social media
00:04ang mga pinsala na dala ng Bagyong Tino.
00:07Kasama na dito ang mga naglutangang sasakyan sa Cebu.
00:12Si Gaviriega sa detalye.
00:15Sa post ni Lori Aguirre Albay sa kanyang Facebook account,
00:19makikita ang mga malalaking kahoy na nagkalat sa kanilang komunidad
00:22matapos hagupitin ng Bagyong Tino ang kanilang lugar sa barangay RSV
00:27sa La Carlota City, Negros Occidental.
00:30Dito ay ibinahagi niya na hindi niya maisip na mararanasan niya ito sa kanyang buhay.
00:36Wala siyang nailigtas sa kanyang mga hari-arian.
00:38Nagpapasalamat pa rin siya na nananatili pa rin siyang buhay.
00:42Patuloy siyang nagkitiwala sa Diyos sa kabila nang hindi pa niya alam kung paano sila makakabangon.
00:48Ito rin ang makikita sa upload ni Stephen Maynard Cuevas
00:51kung saan makikita ang naging pinsala ng Bagyong Tino sa Nabanggitring, Parangay.
00:56Sa kanyang post, sinabi niya na ito ang unang beses na makaranas ng ganitong kabagsik na bagyo.
01:03Maasa siya na huling beses na nila itong mararanasan.
01:06Sa upload naman ni Rosana Palayon, makikitang kalmado ang paligid sa kanilang lugar sa Cuyo Palawan
01:13nangangkakawlogan na dinaanan ang kanilang bayan ng mata ng Bagyong Tino.
01:17Nakaranas naman ang malalakas na hangin at ulan ang bayan ng Bulalakaw sa Oriental Mindoro
01:22dahil sa epekto ng Bagyong Tino.
01:25Mga nagtumbahan puno at nasiram bahay naman ang nadaanan ni Anthony Cinco
01:29habang binabagtas ang palsada sa kanilang lugar sa Barangay Liberty sa Ormoc City.
01:34Ganito rin ang eksena na makikita sa Danaw City sa Cebu.
01:37Patapos hagupitin ang Bagyong Tino ang kanilang lugar.
01:41Hindi lamang mga nagtumbahan puno at nasiram bahay ang makikita
01:44dahil nananatili pa rin lubog sa baha.
01:47Ang ilang bahagi at nababalot ng putik ang kanilang mga palsada.
01:51Makikita naman sa upload ni Gerilyn Rosel
01:53na nalobog sa halos lampas taon na baha ang mall na ito sa Konsolasyon Cebu.
01:58Nahirapan naman dumaan ang vlogger na si Mawis Happy Feet
02:01dahil sa mga nagpagsakang puno sa Bacolod City
02:04matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino.
02:07Makikita naman sa kuha ng Moises Padilla Disaster Risk Reduction and Management Office
02:11ang pinsala sa mga kabahayan matapos hagupitin ng Bagyong Tino
02:16ang Moises Padilla Negros Occidental.
02:18Makikita rin ang mga nagtumbahan puno at pag-retrieve sa isang bangkay
02:22na natagpuan ng mga responders sa kanilang bayan.
02:26Sa kuha ni Richard Valiari Absin,
02:28makikita ang pagragasan ng tubig sa Mananga River sa Barangay Buo
02:31at sa Cebu City dahil sa Bagyong Tino.
02:34Matapos ang pagdaan ng bagyo,
02:36hindi na madaanan ang kalsada
02:38matapos gumuho ang lupa sa lugar
02:40dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino.
02:43Hindi rin ngayon makadaan ng mga residente
02:45dahil nasira rin ang tulay sa kanilang barangay.
02:48Para sa Integrated State Media,
02:50Gabby Llegas ng PTV.