00:00Bukas ang Malacanang, napatawan ng buwis ang online na sugal sa bansa.
00:05Maglalabas naman ng isang circular ang Banko Sentral ng Pilipinas para protektahan
00:09ang mga gumagamit ng digital platforms mula sa panganib na dulot ng online gambling.
00:15Narito ang ulat.
00:18Mahigpit na pinatutukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang online gambling sa bansa.
00:24Ayon sa Palacio, batid daw kasi ng Pangulo ang maaaring maidulot ng pagsusugal
00:28sa isang individual na nahuhumaling dito.
00:32Kaya naman bukas daw ang Malacanang sa posibleng pagpapataw ng buwis sa mga sugal online.
00:37Para naman po ito sa ikabubuti ng pamilyang Pilipino.
00:41Batid po ng Pangulo ang maaaring mangyari sa mga gumon sa sugal
00:45at hindi niya naman po tututulan basta po mayroong sapat na pag-aaral
00:50para po ang tungkol sa buwis na ipapataw man.
00:54Pero paiigtingin pa po, maliban po dito sa mga online gaming sites na license o lihiti mo naman,
01:03paiigtingin po lalo ang paglaban sa mga illegitimate
01:07o yung mga hindi tama o hindi listradong mga online gaming sites.
01:14Matatanda ang sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto
01:17na pinag-aaralan ngayon ng ahensya ang pagpapataw ng buwis sa mga digital gambling platforms
01:22para makontrol ang akses ng publiko sa mga sugal online.
01:26May ilang panukalang batas na rin ang naihain ukol sa pagre-regulate
01:30o di kaya ay tuluyang pag-ban sa online gambling sa bansa na pag-aaralan daw ng Pangulo.
01:35Gusto natin limitahan ang itong klaseng mga pagsasugal
01:38at mabawasan ang mga gumon sa sugal.
01:41At ito po ay para sa taong bayan at ang lahat ng pwedeng suggestion at mga aaring batas
01:47para ito ay masawata, hindi na po yan tututulan ng ating Pangulo.
01:51Kaugnay niyan, inaasahan namang maglalabas ng isang circular ang Banko Sentral ng Pilipinas
01:56na layuning bigyang proteksyon ng mga gumagamit ng digital platforms
02:00mula sa panganib na dulot ng online gambling.
02:03Sa ngayon, ipinamahagi na ng BSP ang draft ng nasabing circular
02:06at kasalukuyang kinokonsulta ang mga opinion at sugestyon ng mga stakeholder.
02:11Sa ilalim ng panukala o obligahin ang mga BSP-supervised institutions
02:16tulad ng mga banko at electronic money issuers
02:18na magpatupad ng mas mahigpit na hakbang
02:21para maprotektahan ang mga gumagamit ng kanilang digital platforms
02:24laban sa online gambling.
02:26Kabilang sa mga hakbang na ito,
02:28ang paglalagay ng limitasyon sa access ng users
02:31sa mga gaming site o apps.
02:33Kenneth, pasyente.
02:35Para sa Pambansang TV
02:37sa Bago, Pilipinas.