00:00Samantala ngayong katatapos lang ng Undas, alamin natin ang dating na mga pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
00:08Inang ulati, Bien Manalo, live. Bien.
00:14Diana, back to reality na nga ang karamihan sa ating mga kababayan matapos ang long weekend sa pagunitan ng Undas.
00:21Sa pinakahuling datos ng Paranaque Integrated Terminal Exchange o PIPX, umabot na sa maygitong 109,000 ang naitalang passenger foot traffic ngayong araw dito sa terminal simula kaninang umaga.
00:36Nakasanaya na ni Belen Binuag ang umuwi ng Bagyo taon-taon para doon gunitain ng Undas.
00:41Aniya, iyon ang kanyang paraan para mag-alay ng panalangin at magtirik ng kandila sa puntot ng kanyang anak na doon na kalibinga.
00:48Ayaw niya nang maulit ang kalbaryo ng mahabang pila sa mga terminal taon-taon dahil sa dagsa ng mga pasahero.
00:55Kaya minabuti niya ng mag-book ng tiket ng mas maaga para makaiwas sa siksikan.
01:02Nung pumunta ako dito, nagpabook na ako pa uwi kasi sabi ko ng anak ko baka ma-traffic, wala akong masakyan.
01:10Mas ma-comportable kayong mag-book ka na lang.
01:13Kisa magpila, baka kasi mabay, mabang pila, maraming pasahero.
01:19Sa datos ng PITX, umabot na sa halos 1.3 milyon na mga pasahero ang tumapak sa terminal simula October 27 hanggang kahapon November 2.
01:29Mas mataas yan kumpara sa naitalang passenger foot traffic noong nakarang taon dahil na rin sa wellness break ng mga estudyante.
01:36Mahigpit pa rin yung pinagbabawal ng pamunuan ng PITX ang pagdadala ng mga armasa, matutulis na bagay, inuming na kalalasing at flammable material sa loob ng terminal.
01:45Blockbuster pa rin, Bicol region pa rin. Marami talagang mga biyahe going there.
01:51Kasama na dyan yung mga Batangas, Laguna natin na biyahe dahil marami rin umuwi over the Undas weekend.
01:58Kumpara last year, marami tayong nakitang siksikan dahil marami nag-walk in. Ngayon, mas prepared na yung mga kababayan natin eh.
02:05Nagano na sila, book ahead of time. And then syempre, yung iba nating mga kababayan na nag-decide pa lang on that day na makapag-walk in.
02:12Nakapag-walk in peacefully. So, ayun, smooth over.
02:15Dahil naman sa severe tropical storm Tino, kansilado na ang ilang biyahe papuntang Eastern Samara.
02:21Samantala, pinag-ahandaan na rin ng PITX ang inaasang dagsa ng mga pasahero sa darating na kapaskuhan.
02:28Patuloy pa rin nakaantabay ang mga otoridad para masiguro ang siguridad at kaayusan sa paligid ng terminal.
02:34Dian, bukod sa polis at public assistance desk, ay may nakaantabay din dito sa terminal na medical teams na handang umalalay sa ating mga pasahero na mangangailangan ng atensyong medikala.
02:46Ayon naman sa mga otoridad na nanatiling generally peaceful ang sitwasyon dito sa terminal at wala pa silang naitatalang anumang untoward incidents.
02:55At yun ang update mula rito sa PITX. Balik sa'yo, Dian.
03:00Maraming salamat, BN Manalo.