00:00Sa kulungan ng bagsak ng dalawang lalaking sangkot-umano sa pangu-hold-up at pagnanakaw sa Marikina at Quezon City,
00:07balita ng atin ni E.J. Gomez.
00:11Sa gilid ng kalsadang ito sa Barangay Kalumpang, Marikina City, na corner ng mga polis,
00:17ang isang lalaking sospek sa pangu-hold-up at panunutok ng baril.
00:21Isa siya sa dalawang target ng mga polis na riding in tandem na sangkot-umano
00:27sa mga insidente ng pagnanakaw sa Marikina at Quezon City.
00:31Sa follow-up operation, na-aresto sa Antipolis City ang isa pang lalaki
00:36na itinuturong nagmamaneho ng motorsiklong ginagamit ng mga sospek.
00:40Ayon sa pulisya nitong miyerkulis, nang hold-up pa ang mga sospek
00:44ng isang babaeng senior citizen sa Old JP Rizal, Barangay Kalumpang.
00:50Habang ang biktima isang 67 years old na babae,
00:53inaantay niya po ang kanyang kaibigan nang biglang may lumpong lumapit
00:57at bigla po siyang tinutukan ng baril.
01:00Dahil po sa takot, ay agad niya po binigay niya ang kanyang cellphone.
01:04So agad naman po tumakbo rin yung dalawa, yung naka-riding tandem sospek po natin.
01:09Na-aresto sila ilang oras matapos ang insidente.
01:13Nakumpis ka sa kanila ang 38-kalibre na revolver at mga bala nito.
01:18Gayun din ang ginamit nilang motorsiklo at mga helmet.
01:21Na-recover din ang ninakaw ng cellphone ng biktima.
01:25Sa records ng polisya, matagal ng sangkot sa mga insidente
01:29ng pang-hold-up ang riding in tandem.
01:31Yung first victim po nila is from Quezon City.
01:34Yung isa pong biktima nila na dito po sa Marikina Heights, malapit po dyan,
01:38last year din po yan, may malaking halaga pong involved, 800,000.
01:42Lumabas din sa investigasyon na ang dalawang na aresto
01:45ay ang mga sospek sa nahulikam na pagnanakaw sa isang nakaparadang closed van sa Marikina Heights noong October 17.
01:53Habang abalang nagbababa ng mga gamit noon ang may-ari ng closed van,
01:56sinamantala ito ng mga sospek at tinangay ang mga bag sa passenger seat na naglalaman ng cash
02:02at saka tumakas sakay ng motorsiklo.
02:05Ang suot nilang helmet at ginamit na motor, tugma sa mga na-recover ng polisya nang sila ay maaresto.
02:12Sila po ay notorious kasi nga po.
02:14Talagang yung ginagalawan nila, hindi lang po sila nakapokus dito sa Marikina
02:18dahil pumunta rin po sila ng Quezon City.
02:21Kaya nilang mag-timing na hindi sila maagad masukol ng ating kapulisan.
02:27Sa custodial facility ng Marikina Police, nakakulong ang mga sospek
02:31na naharap sa reklamong robbery with intimidation,
02:34illegal possession of firearms and ammunition,
02:37at paglabag sa Motorcycle Crime Prevention Act.
02:40Hindi muna pinayagan ang head ng custodial facility ng Marikina Police
02:44na ma-interview ang mga sospek.
02:46EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments