00:00Arestado ang apat na minorde-edad kasunod ng away sa pagitan nila at isa pang grupo ng mga lalaki sa Quezon City.
00:13Isa sa kanila na hulikam na nagpaputok ng baril. May unang balita si James Agustin.
00:21Nakunan sa CCTV na naglalakad sa bahagi ng Santa Catalina Street sa barangay Holy Spirit, Quezon City.
00:26Ang isang grupo ng mga minorde-edad maghahating gabi noong Sabado.
00:30Maya-maya pa sumulpot ang isa pang grupo ng mga lalaki na nakasakay sa apat na motorsiklo.
00:35Napatakbo ang mga minorde-edad. Ang isa sa kanila na corner. Ilang beses siyang sinuntok at sinipa.
00:42Biglang napatras ang grupo ng mga nakasakay sa motorsiklo.
00:45Ang isa kasing minorde-edad. Sumulpot na may daladalang baril at pinaputok niya ito.
00:49Kita rin sa CCTV na may isang lalaki na pinagtulungan suntokin ang ilang minorde-edad.
00:54Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen na may nagpaputok ng baril sa lugar.
00:59Pagdating daw nila roon ay wala na silang inabutan.
01:02Sa tulong ng saksiyat ko ng CCTV na tukoy ang pagkakilanlan ng ilang minorde-edad.
01:06Sa natuntun natin kung saan yung bahay at doon nga po ay naabutan natin yung ibang mga kasama nito nagpaputok ng baril.
01:15Subalit yung isang mismong nagpaputok ng baril ay wala po sa tahanan nila.
01:20Pero pinakiusapan po natin yung kamag-anak po na nagpaputok ng baril na sumuko.
01:27Base po doon sa naging investigasyon natin, mayroon na po ang previous na alitan itong magkabilang grupo.
01:34Subalit kagabi lang po nagpangabot doon nga po dito sa lugar ng pinangyarihan natin.
01:38Naaresto ng pulisya ang apat na minorde-edad na pawang high school students.
01:42Ang 17-anyos ang nagpaputok ng baril, isang 15-anyos at dalawang 14-anyos.
01:48Ang 15-anyos sa binatilyo ang nakita sa CCTV na ilang beses na sinuntok at sinipa.
01:52Nagtamu siya ng mga gazgas sa katawan, nabawi naman sa 17-anyos ang ginamit niyang baril.
01:58Maharap siya sa reklamong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
02:02May karagdagang reklamo rin, alarm and scan dalaban sa kanya at sa 15-anyos.
02:07May dalawa po doon na 14-anyos na mag-undergo naman po ng intervention
02:11at maititurnover po sa Barangay Council for the Protection of Children to be escorted with their guardians.
02:18Ito naman po ang dalawa, isang 15-anyos at isang 17-anyos, ay may ititurnover po sa Mulabay Youth Home.
02:26Inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng iba pang minorde-edad,
02:30maging ng grupo ng mga lalaki na kasakay sa motorsiklo.
02:33Ito ang unang balita. James Agustin para sa GMA Integrated News.
02:39Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:44para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
02:48Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
Comments