Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinahigting na kooperasyon kontra korupsyon.
00:04Isa ito sa mga napagkasundoan ng member economies
00:07ng Asia-Pacific Economic Cooperation sa pagtatapos ng APEC Summit.
00:12At mula sa South Korea, nakatutok si Bernadette Reyes.
00:19Formal nang nagtapos ang Asia-Pacific Economic Cooperation Summit ngayong araw sa Gyeongju, South Korea.
00:25It-turnover na ng South Korea ang chairmanship ng APEC Summit 2026 sa China.
00:31Sa turnover ceremony, nagkaroon ng pagkakataong magkamayan si na Pangulong Bongbong Marcos at Chinese President Xi Jinping.
00:39Ayon sa Pangulo, binati niya si Xi sa chairmanship at muling iginiit ang pangako ng Pilipinas sa isang makabuluhang pakikipagtulungan sa rehyon.
00:48Nagkaroon din ng group photo ang world leaders mula sa 21 member economies.
00:52Ang Asia-Pacific region ang bumubuo ng 46% ng global trade, katumbas yan ng 61% ng kabuuang GDP sa mundo.
01:02In-adopt ng 21 APEC member economies ang Gyeongju Declaration kung saan nangako ang mga bansa
01:08na palalalimin pa ang pagtutulungan sa larangan ekonomiya sa gitna ng nagbabagong panahon.
01:14Kinilala nila ang halaga ng kalakalan at pangmumuhunan na mapapakinabangan ng lahat.
01:18Pero kumpara sa mga nakalipas na deklarasyon, hindi nabanggit ang kanilang patuloy na pagsuporta sa multilateral trade system
01:26na pinangangasiwaan hilingbawa ng World Trade Organization na layong padaliin ang kalakalan ng mga bansa.
01:32Nabanggit din sa deklarasyon ang masamang epekto ng korupsyon na sumisira sa tiwala ng publiko.
01:38Nangako ang APEC member economies na hindi papayagan ang pagtatago ng mga corrupt offenders at pagtatago ng mga illicit assets.
01:46Samantala, positibo naman ang pananaw ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, Frederick Goh,
01:53sa posibleng pamumuhunan ng Korean companies, partikular sa sektor na electronics.
01:58Yan ay matapos makipagpulong si Goh sa mga kumpanyang Koreano, bagaman wala pang tiyak na halaga ng pamumuhunan.
02:04Sa idinaos na gala dinner kagabi, nag-CLB bilang host ang Korean singer at actor na si Chayun Woo.
02:10Habang nagpamalas naman ng talento, ang K-pop star na si G-Dragon.
02:16Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended