Skip to playerSkip to main content
Nagpulong sa sidelines ng APEC Summit sa South Korea sina U.S. President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping. Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, malaki ang magiging impluwensya nito sa takbo ng summit.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagpulong sa sidelines ng APEC Summit sa South Korea si US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.
00:08Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, malaki ang magiging impluensya nito sa takbo ng summit.
00:14At mula po sa Busan, South Korea, nakatutoklay si Bernadette Reyes.
00:19Bernadette.
00:20Ang mga leaders ng APEC o mga leaders para po sa gaganapin nga po dito na APEC Economic Leaders Meeting sa South Korea.
00:39Free trade o malayang kalakalan ang isa sa mga pangunayang pinag-uusapan sa APEC.
00:44Kaya naman malaki raw ang magiging epekto sa pag-uusap ng naging paghaharap ng dalawa sa pinakamalalaking ekonomiya sa mundo, ang China at ang Amerika.
00:59Bago umalis ng bansa si Pangulong Bongbong Marcos, malinaw na sa kanya kung anong uhubog sa magiging takbo ng pag-uusap sa APEC Summit.
01:07Sa kanyang departure speech sa William Moore Air Base, sinabi ng Pangulo na inaabangan na magiging resulta ng pag-uusap ni na US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping, leader ng pinakamalalaking ekonomiya sa mundo.
01:21The results of those meetings will color and influence everything that we will be doing in the APEC meeting.
01:29It is, the world is watching because this is the source of the largest shock that has entered into the world trade system.
01:41Nagpulong kanina si na Trump at Xi sa sidelines ng 2025 APEC Summit.
01:45Matatandaang mula ng muling maupo bilang President, nagpatupad si Trump ng malawakang tarif at iba pang hakbang na labis na ikinabahalan ng trading partners nito, kabilang ang Pilipinas.
01:56We have to see what the agreements will be coming out of these meetings between President Xi and President Trump.
02:05Those will certainly color everything that we will be talking about in this APEC.
02:12Because the agreements or the arrangements that are made between two of the largest economies in the world will certainly affect every single citizen of the world.
02:24This is what we need to understand and that is why the world is watching and waiting as we are.
02:34Ngayong hapon, pagkatapos ng kanilang pulong ni Xi, inanunsyo ni Trump na pumayag siyang iba ba ang taripang ipapataw sa Chinese product na inaangkat ng Amerika.
02:44Gagawin itong 47% mula sa 57%.
02:47Kapalit nito ang pangako ni Xi na crackdown sa iligal na kalakalan sa fentanyl, isang nakakaadik na gamot na ayon kay Trump ay pangunahing sanhinang pagkamatay sa overdose na mga Amerikano.
03:00Dumating si Pangulong Marcos ngayong hapon sa lunsod ng Busan dito sa South Korea kasama ang Philippine delegation.
03:07Una niyang aktibidad, makipagkita sa Filipino community dito.
03:10Ayon sa Department of Foreign Affairs, mahigit 70,000 Pilipino ang naniniraan sa Korea at mahigit kalahati dito ay mga OFW.
03:24Vicky kasama ng Pangulo sa pagtitipon kaharapang Filipino community si First Lady Lisa Araneta Marcos at ang Philippine delegation.
03:32Pero habang pinapakilala sila, ganito ang nangyari. Pakinggan po natin.
03:36Andito po ang ating...
03:41Sobra naman yung introduction mo, Chris.
03:51Ba't kami? Wala kaming ganyan nung inintroduced kami.
03:54Sandali lamang yan, Vicky. At sa pagpapatuloy ng talumpati ng Pangulo, ay hatid niya magandang balita na simula sa susunod na taon ay magkakaroon niya ng Philippine Consulate dito sa Busan.
04:12Sa ganitong paraan ay magiging mas madali raw para sa mga Pilipino dahil hindi na nila kailangan bumbiyahe pa ng malayo sa Seoul para sa kanila mga kinakailangang serbisyo.
04:21Live mula dito sa Busan, South Korea, Bernadette Reyes para sa GMA Integrated News. Balik sa inyo, Vicky.
04:28Maraming salamat sa iyo, Bernadette Reyes.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended