00:00Ikinagulat nga ng marami ang pag-angat at magpasok pa nga ng ilang senatorial candidate na hirap makapasok sa Magic 12 sa mga survey noon.
00:08Ang paliwanag ng mga eksperto sa pagtutok ni Ivan Mayrila.
00:15Kung titignan ang top 12 sa partial unofficial results sa karera para sa pagkasenador,
00:21may mga pangalang malaki ang itinaas o ibinaba sa mga ipinakita ng mga nagdaang survey.
00:26Mismo mga survey firm nagulat sa talon ng ranking halimbawa ni dating Sen. Bam Aquino na pangalawa ngayon sa partial unofficial count
00:34pero wala o halos pasok lang sa Magic 12 batay sa pinakahuling survey ng SWS, Pulse Asia at Octa Research.
00:42Gayun din si dating Sen. Kiko Pangilinan na panglima sa ngayon kumpara sa ranking sa mga survey na sinagawa ngayong Mayo lang
00:48o dulong bahagi ng Abril na minsan ay hindi pa pasok sa top 12.
00:52Sa bawat survey na isinasagawa ng social weather stations at Octa Research,
00:57laging naryan ang mga katagang kung ngayon gaganapin ang eleksyon.
01:01Ang mga sagot kasi ng mga sinasurvey, maaring magbago sa mismong mutohan.
01:06Marami rin ang hindi pa desidido noong araw ng survey.
01:08We have data to show that 20% of our voting population will only decide on the day of election.
01:15Mismo election.
01:16And then another 20%, close to 20%, 18% will decide the week before the election.
01:23Meron din namang mataas sa survey pero bumulusok palabas ng Magic 12.
01:27Tulad din na Pentulfo, Sen. Bong Revilla at Makati Mayor Abibinay
01:31na noong pasimula ang kampanya ay pirming na sa top 5 pero hanggang kanina ay nasa labas ng Magic 12.
01:37Base yan sa pinakahuling resulta mula sa mahigit 80% ng mga votong lumalabas sa Comelec Media Server
01:43sa oras na isinulat ang report na ito.
01:45There were some surprises no?
01:48For example, we didn't expect Abibinay or Bong Revilla to be where they are now in terms of the numbers.
01:56May margin of error lagi ang survey.
01:58Hindi siya perfecto, hindi rin siya crystal ball.
02:01So dun sa margin of error, makakita nyo, dikit-dikit talaga eh.
02:04Maaari din naka-apekto ang mga nangyari mula ng huli silang mag-survey.
02:08Si Congressman Rodante Marcoleta, malaki ang iniangat sa ikaanin na pwesto.
02:13Kabilang sa mga maaaring nakatulong sa kanya,
02:15ang suporta ng mga Duterte at gayon din ang Iglesia Ni Cristo na kinabibilangan niya.
02:20Ang paglalabas sa endorsement ng INC, hindi rin pasok sa survey period.
02:24From experience, yung Iglesia Ni Cristo, talagang solid yun.
02:29By solid, I mean 80%.
02:31Not 100, not 80%.
02:34My feeling always has been doon, but kukunti lang sila.
02:40Mga 5% lang ang mga Iglesia Ni Cristo voters.
02:43So I haven't seen yet that that could change the standing so much.
02:48Let's see.
02:49Anyway, hindi pwedeng Iglesia lang.
02:52Lumabas din kama kailanang endorsement kay Marcoleta ni Vice President Sara Duterte.
02:57In-endorse rin ang vice si na Camille Villar at Aimee Marcos
03:00at inampon ang PDP laban ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
03:04Si Pangilina nakakuha rin ng endorsement sa ilang local politician
03:07mula Cebu at Cavite, dalawang vote-rich provinces.
03:11Ang resulta ng eleksyon ngayon, marahil isang importanteng paalala sa lahat
03:15na walang kasiguraduhan ang pagkapanalo
03:18kung ibabatay lamang sa survey results
03:20dahil magpapanalo sa kandidato ay ang mga butante
03:23at kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat na maupo sa pwesto.
03:28Ivan Mayrina nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.
Comments