00:00Nagpulong sa sidelines ng APEC Summit sa South Korea si ni US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.
00:08Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, malaki ang magiging impluensya nito sa takbo ng summit.
00:15At mula po sa Busan, South Korea, nakatutoklay si Bernadette Reyes.
00:20Bernadette.
00:20Vicky, sa South Korean City ng Gyeongju, magpupulong ang mga leaders ng APEC o mga leaders para po sa gaganapin nga po dito na APEC Economic Leaders Meeting sa South Korea.
00:40Free trade o malayang kalakalan ang isa sa mga pangunayang pinag-uusapan sa APEC.
00:45Kaya naman malaki raw ang magiging epekto sa pag-uusap ng naging paghaharap ng dalawa sa pinakamalalaking ekonomiya sa mundo, ang China at ang Amerika.
00:59Bago umalis ng bansa si Pangulong Bongbong Marcos, malinaw na sa kanya kung anong uhubog sa magiging takbo ng pag-uusap sa APEC Summit.
01:08Sa kanyang departure speech sa William Moore Air Base, sinabi ng Pangulo na inaabangan na magiging resulta ng pag-uusap ni na U.S. President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping, leader ng pinakamalalaking ekonomiya sa mundo.
01:21The results of those meetings will color and influence everything that we will be doing in the APEC meeting.
01:30It is, the world is watching because this is the source of the largest shock that has entered into the world trade system.
01:41Nagpulong kanina si na Trump at Xi sa sidelines ng 2025 APEC Summit.
01:46Matatandaang mula ng muling maupo bilang President, nagpatupad si Trump ng malawakang tarif at iba pang hakbang na labis na ikinabahalan ng trading partners nito, kabilang ang Pilipinas.
01:57We have to see what the agreements will be coming out of these meetings between President Xi and President Trump.
02:06Those will certainly color everything that we will be talking about in this APEC.
02:13Because the agreements or the arrangements that are made between two of the largest economies in the world will certainly affect every single citizen of the world.
02:25This is what we need to understand and that is why the world is watching and waiting as we are.
02:34Ngayong hapon, pagkatapos ng kanilang pulong ni Xi, inanunsyo ni Trump na pumayag siyang iba ba ang taripang ipapataw sa Chinese product na inaangkat ng Amerika.
02:45Gagawin itong 47% mula sa 57%.
02:48Kapalit nito ang pangako ni Xi na crackdown sa iligal na kalakalan sa fentanyl, isang nakakaadik na gamot na ayon kay Trump ay pangunahing sanhinang pagkamatay sa overdose na mga Amerikano.
03:00Dumating si Pangulong Marcos ngayong hapon sa lunsod ng Busan dito sa South Korea kasama ang Philippine delegation.
03:07Una niyang aktibidad, makipagkita sa Filipino community dito.
03:10Ayon sa Department of Foreign Affairs, mahigit 70,000 Pilipino ang naniniraan sa Korea at mahigit kalahati dito ay mga OFW.
03:25Vicky kasama ng Pangulo sa pagtitipon kaharapang Filipino community si First Lady Lisa Araneta Marcos at ang Philippine delegation.
03:33Pero habang pinapakilala sila, ganito ang nangyari. Pakinggan po natin.
03:37Andito po ang ating...
03:42Sobra naman yung introduction mo, Chris.
03:51Ba't kami? Wala kaming ganyan. Noong inintroduced kami.
03:54Sandali lamang yan, Vicky. At sa pagpapatuloy ng talumpati ng Pangulo, ay hatid niya magandang balita na simula sa susunod na taon ay magkakaroon niya ng Philippine Consulate dito sa Busan.
04:12Sa ganitong paraan ay magiging mas madali raw para sa mga Pilipino dahil hindi na nila kailangan bumiyahe pa ng malayo sa Seoul para sa kanila mga kinakailangang serbisyo.
04:21Live mula dito sa Busan, South Korea, Bernadette Reyes para sa GMA Integrated News. Balik sa inyo, Vicky.
04:28Maraming salamat sa iyo, Bernadette Reyes.