Skip to playerSkip to main content
Nagkapikunan kaya nauwi sa suntukan ang away ng isang driver at siklista sa Marikina. Binusinahan at minura umano ng driver ang siklistang wala sa tamang linya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagkapikunan kaya naawi sa suntukan ang away ng isang driver at siklista sa Marikina.
00:06Binusinakan at minura umano ng driver ang siklistang wala sa tamang linya.
00:12Nahuli kami yan sa pagtutok ni EJ Gomez.
00:18Nagkatensyon sa bahagi ng Hill Fernando Avenue, Barangay Santo Niño, Marikina City nitong martes.
00:23Dahil sa away kalsada ng isang motorista at isang siklista, nakabaladra ang bisikleta at kotse sa gitna ng kalsada
00:31habang nagsusuntukan ang biker at driver sa loob ng sasakyan.
00:36Kwento ng isang saksi,
00:38Ang biker, napikun siya, ang ginawa niya, sinugod niya yung driver ng kotse, pinagsusuntok niya.
00:46Ngayon, yung marami na nang umaawat, pag nagkatawiran dito,
00:51tapos ano, parang gusto tumakas yung biker,
00:56hinila niya yung bike, nakakailahan silang dalawa para hindi siya makatakas.
01:00Kasi nasaktan yung driver eh, nagkamura silang dalawa.
01:04Ayon sa pulisya, nagsimula ang away kalsada.
01:07Nang binusinahan ng 41-anyos na driver ng kotse,
01:11ang 40-anyos na siklista na nasa gitna ng kalsada,
01:14imbes daw na sa bike lane.
01:16Mayroon pong iniwasan yung ating biker dahil basa po yung kalsada.
01:19At siya po'y napapunta sa gitna, hinabol niya po yung sasakyan.
01:23At hinarang niya yung kanyang bike po doon.
01:26At sinugod niya po talaga yung nasa sasakyan.
01:29Ilang mga saksi at taga-barangay ang lumapit sa dalawa para awatin sila.
01:33Tila tumindi ang away nang tumawid ang biker at driver sa kabilang kalsada.
01:38Tumagal ng halos kalahating oras ang road rage ayon sa pulisya.
01:42Wala rin naman daw naging pinsala sa kotse at bike.
01:45Sa huli, nagkaayos din ang dalawang panig.
01:47Dapat po habaan po natin yung ating PC o yung pasensya po natin
01:50at huwag pong mainit ang ating ulo.
01:52Give and take lang naman yan eh.
01:54Para sa GMA Integrated News,
01:57EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended