00:00Naglabas na ng kanika nilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ang lahat ng mga Senador ng 20th Congress.
00:06May una balita si Tina Panganiban Perez.
00:12Sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth na inilabas ni Sen. Amy Marcos,
00:18nagdeklara siya ng total assets na umaabot ng halos 165 million pesos.
00:23Kabilang dito ang ilang residential, commercial at agricultural lands na nagkakahalaga ng mahigit 74 million pesos,
00:3259.5 million na cash at mga sasakyan at shares na umaabot ng 16.6 million pesos.
00:40Pero hindi pa kasama rito ang kanyang share sa mga hindi pa natatapos na proseso sa hatian ng mana mula sa kanyang amangsidating pagulong Ferdinand Marcos Sr.
00:49Wala siyang i-deklara ang liabilities o utang, kaya ang kanyang net worth ay halos 165 million pesos.
00:57Si Sen. Alan Peter Cayetano naman, nagdeklara ng total assets na umaabot ng 110.6 million pesos.
01:06Kasama rito ang halos 13 million pesos na mga condominium unit, 30.5 million pesos na cash,
01:13mahigit 4 million pesos na halaga ng mga alahas, artworks at personal na gamit at 30.7 million pesos na investments.
01:23Joint sal-end nila ito ng asawa niyang si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
01:27May liabilities o utang silang umaabot ng 1.5 million pesos.
01:33Ang deklaradong net worth, mahigit 109 million pesos.
01:37Si Sen. Bato De La Rosa naman, nagdeklara ng total assets na umaabot ng 61.3 million pesos.
01:46Malaking bahagi nito mula sa ilang residential at agricultural lots na halos 44.7 million.
01:53Nagdeklara siya ng total liabilities o kabuang utang na umaabot ng mahigit 29 million pesos.
02:00Kaya ang kanyang net worth ay umaabot ng halos 32.3 million pesos.
02:05Sa ngayon, lahat na ng mga senador ay naglabas na ng kanilang sal-end.
02:10Base sa kanilang mga deklarasyon, pinakamalaking net worth si Sen. Mark Villar,
02:16na sinunda ng kapabilyonaryong si Sen. Rapi Tulfo at kapatid niyang si Irving Tulfo.
02:22Pinakamaliit naman ang itineklarang net worth ni na Sen. Risa Ontiveros at Sen. Cheese Escudero.
02:29Ito ang unang balita. Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
02:35Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments