00:00Nadagdagan pa ngayong gabi ang mga Senado na naglabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN.
00:07Saksi si Mav Gonzalez.
00:12Batay sa inilabas niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN,
00:17mahigit 1.26 billion pesos ang idineklarang net worth ni Sen. Mark Villar.
00:22Kabilang sa kanyang assets, ang mahigit 349 million pesos ng mga bahay, condominium units at lupa.
00:28Wala siyang idineklarang liabilities.
00:31Umabot sa mahigit 656 million pesos ang yaman ni Sen. Erwin Tulfo.
00:36Kabilang ang ilang lupain, labing isang sasakyan, apat na baril at halos 200 million pesos na cash a banko.
00:43Abot naman ang halos 160 million pesos ang utang niya, kaya nasa 497 million ang kanyang net worth.
00:50Si Senate Majority Leader Meg Subirina man, abot mahigit 631 million pesos ang halaga ng yaman.
00:56Kabilang sa idineklara niya ang labing walong lupain, iba't ibang sasakyan, at shares na lampas 500 million pesos ang halaga.
01:04Mahigit 200 million pesos naman ang utang niya, kaya lampas 431 million pesos ang kanyang net worth.
01:10Si Neophyte Senator na si Camille Villar, nagdeklara naman ang assets na mahigit 362 million pesos.
01:16Pinakamalaki rito ang mahigit 214 million pesos na other personal properties, pero hindi nakasaad kung ano-ano ang mga ito.
01:25Nakasaad din sa kanyang sali and ang interes sa ilang kumpanya ng kanyang pamilya.
01:29Wala siyang idineklarang liabilities.
01:31Ang yaman naman ni Sen. Payne Laxon, aabot sa halos 257 million pesos.
01:37Kabilang dyan ang isang loteng may halagang 160,000 pesos at mga cash at investments na mahigit 256 million pesos.
01:46Halos 12 million pesos naman ang utang niya, kaya abot sa halos 245 million pesos ang kanyang net worth.
01:52Ang yaman naman ni Sen. Jingoy Estrada, abot sa 252 million pesos, na sa kalahati nito ay iba't ibang bahay at kondominium unit, habang halos 100 million pesos ang investments.
02:05Meron siyang 31 million pesos na utang, kaya 221 million pesos ang kanyang net worth.
02:11Si Sen. Lito Lapid naman, merong mahigit 294 million pesos na halaga ng yaman, pero hindi nakalista kung ano-ano ang mga ari-ariang ito.
02:19Meron siyang mahigit 92 million pesos na utang, kaya nasa mahigit 202 million pesos ang kanyang net worth.
02:27Si Sen. JV Ejercito, mahigit 179 million pesos ang idiniklarang yaman.
02:32Kabilang dyan ay mga bahay, sasakyan, at ang shares niya sa Buildworth Development Corporation.
02:38May utang siyang halos 42 million pesos, kaya mahigit 137 million pesos ang net worth.
02:44Si Sen. Pia Cayetano naman, umabot sa mahigit 151 million pesos ang assets.
02:50Wala siyang idiniklarang real property, pero may cash, stocks at iba pang investments, at incorporator siya ng labing tatlong kumpanya at tatlong foundation.
02:58Shareholder din siya ng isang country club at isang golf club.
03:02Meron siyang halos 23 million pesos na utang, kaya abot sa mahigit 128 million pesos ang net worth.
03:08Si Sen. Bam Aquino, mahigit 86 million pesos ang yaman, na karamihan ay real properties, cash at investments.
03:16Wala siyang liabilities, kaya yan din ang halaga ng kanyang net worth.
03:19Ang yaman naman ni Sen. Loren Legarda ay mahigit 100 million pesos.
03:24Pinakabalaki niyang asset ang isang condominium unit na lampas 28 million pesos ang halaga.
03:29May mahigit 21 million pesos siyang utang, kaya nasa halos 80 million pesos ang kanyang net worth.
03:35Si Sen. Rodante Marcoleta, mahigit 80 million pesos ang idiniklarang kabuo ang halaga ng ari-arian.
03:41Kabilang dito ang bayat lupa, kondo, mga sasakyan, bank deposit at investments.
03:46Mahigit 28 million pesos ang halaga ng kanyang liabilities, kaya halos 52 million pesos ang kanyang net worth.
03:52Umabot naman ang yaman ni Sen. Joel Villanueva sa mahigit 72 million pesos.
03:58Kabilang sa yaman niya ang labing siyam na real property.
04:01Isa rito ay idiniklarang donasyon, kaya walang binayaran.
04:03Ang ibang yaman ay saks niya sa ilang kumpanya.
04:07Nasa 23 million pesos naman ang kanyang liabilities, kaya halos 50 million pesos ang kanyang net worth.
04:13Si Sen. Bongo, nagdeklara ng mahigit 44 million pesos na kabuo ang halaga ng ari-arian.
04:18Bukod sa lupa, nagdeklara siya ng halos 10 million pesos na halaga ng alahas, appliances at cash.
04:24Mahigit 12 million pesos ang kanyang liabilities, kaya mahigit 32 million pesos ang kanyang net worth.
04:29Ang idiniklarang yaman naman ni Sen. Cheese Escudero ay nasa mahigit 18 million pesos.
04:35Kabilang dyan ang limang lote na minana niyang lahat, kaya walang halagang nakasaad.
04:39Wala siyang utang, kaya mahigit 18 million pesos din ang net worth.
04:43Nauno na naglabas ng kanilang salen si Sen. President Tito Soto,
04:47Sen. Rafi Tulfo, Risa Ontiveros, Wyn Gachalian, Kiko Pangilinan at Robin Padilla.
04:52Wala pang inilalabas na salen si Sen. Minority Leader Alan Peter Cayetano, Sen. Bato de la Rosa at Aimee Marcos.
04:59Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
Comments