Skip to playerSkip to main content
Sinagip sa Tondo, Maynila ang dalawang menor de edad na babaeng inilalako umano online ang mga sarili para may pambaon sa eskwela.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinagip sa Tondo, Manila, ang dalawang menor de edad na babaeng inilala ko umano online ang mga sarili para may pambaon sa eskwela.
00:09Nakatutok si June Benerasyon.
00:14Sa murang edad na 14 at 15, natutunan ng mga grade 8 student na sina alias Lloyd at Hazel ang kakaibang paraan para kumita.
00:24Gamit ang kanilang mga social media account, inilala ko raw ng dalawa ang kanilang sarili.
00:29Ang nagiging modus operandi nito is nagpo-pose sila sa kanilang mga social account ng kanilang mga pictures na parang seractive photos.
00:39And then kapag may kumagat doon, nag-uusap sila.
00:42Magka-eskwela sila sa isang public school sa Manila at parehong mula sa mahirap na pamilya.
00:47Binabayaran sila ng 5,000 to 5,500 every transaction.
00:52Actually yung sinasabi nila ay pambaon daw sa eskwela.
00:54Nabisto ang gawain ng mga bata dahil sa sumbong ng isang concerned citizen.
00:59Sa Women and Children Protection Center ng PNP.
01:02Madalas daw makita ng concerned citizen sa isang motel ang isa sa mga biktima na iba-ibang kasama.
01:08Dahil dito, ni-rescue ang mga biktima sa kanilang mga barangay sa Tondo, Maynila.
01:13Nasa pangangalaga na sila ngayon ng mga social worker.
01:16Ayon sa pulisya, maaring malagot ang management ng motel dahil sa pagpapapasok ng minor de edad.
01:22Iniimbestigahan din kung sino-sino ang mga naging kliyente ng mga biktima ng trafficking in persons para sila ay mapanagot sa batas.
01:29Yung paggamit po ng minor sa mga sexual exploitation, ganon din po ang kanyang matatanggap na kaparusahan.
01:38Which is parusa na panghabang buhay at multa na pwedeng umabot ng 5 milyong piso.
01:45Para sa GMA Integrated News, June Venenasyon na Katutok, 24 Oras.
Comments

Recommended