Skip to playerSkip to main content
Muling pinatunayan ni double Olympic gold medalist Carlos Yulo na siya ang 'Golden Boy' ng Pilipinas matapos mag-uwi ng gold mula sa Artistic Gymnastics World Championships. Nagkuwento siya tungkol sa napakahirap na technique na nagpanalo sa kanya, gayundin sa kung bakit 'di na siya sasali sa palapit na Southeast Asian Games.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling pinatunayan ni Double Olympic Gold Medalist Carlos Yulo na siya ang golden boy ng Pilipinas matapos mag-uwi ng gold mula sa Artistic Gymnastics World Championships.
00:12Nagkwento siya tungkol sa napakahirap na teknik na nagpanalo sa kanya, gayon din sa kung bakit hindi na siya sasali sa palapit na Southeast Asian Games.
00:22Nakatutok si Mark Salazar.
00:23Pike Jagulescu, yan ang tawag sa winning move ni Pinoy two-time Olympic Gold Medalist Carlos Yulo sa vault table ng 2025 World Artistic Gymnastic Championship na ginanap sa Jakarta, Indonesia noong Sabado.
00:41Ang napakahirap na teknik ang nagbigay sa kanya at sa ating bansa ng gold sa vault.
00:46As we can see po talaga, it's really obvious yung first vault ko po talaga. Nag-clinch po talaga nun kasi high difficulty and almost perfect execution siya.
00:58So kahit ako nung pagka-landing ko, sobrang excited ako. Gusto ko si Wigao. But at the same time, may pangalawang vault pa po ako.
01:06So kinontane ko lang po talaga yung focus ko and wag ako mag-celebrate too early.
01:13Ito na ang third gold medal ni Yulo sa World Championships. Dagdag pa riyan ang bronze na nakuha naman niya sa floor exercise.
01:21Aminado si Yulo na extra challenge ang preparasyon para sa labang ito.
01:26Sa bawat laban ni Yulo, tinatapatan niya raw ng determinasyon at ensayo ang anumang pagkukulang sa kanyang athletic build.
01:34Nag-struggle po ako sa pommel horse kasi hindi ko talaga siya maabot and medyo bulky yung katawan ko and pang mapayat and matangkad talaga yung pang porte nun.
01:48And then sa high bar po, sa swing, mas matangkad, mas maganda yung galaw nila.
01:57Mas mahaba sila, mas kaya nilang i-catch yung bar kahit super layo.
02:03Unlike me, hindi ko kaya siyang gawin.
02:06Samantala, buo na raw ang desisyon ni Yulo na hindi sumali sa SEA Games.
02:11Ito'y makaraang limitahan ng Thailand ang mga gymnast sa isang aparatos lang.
02:16Wala na rin team competition.
02:17Ang mismong target ko po is magkaroon ng team competition and all-around competition, which is ayun talaga yung desire ko.
02:30Unfortunately po, hindi nila pinayagan yung ganong rules po.
02:34Sa ginawa po nilang rules, hindi na nga po siya standard and nawala po po yung spirit ng sports.
02:40So, yung ganong aspect din po, tinitignan ko.
02:45And para sa akin, wala siyang value kung hindi natin siya gagawin ng standard.
02:52Gayunman, may mensahe siya sa kanyang fans, lalo sa mga budding gymnasts.
02:56Enjoy nyo yung journey.
02:58Grabe, super ikle lang ng lifespan ng gymnastics.
03:03Alam ko, mahirap talaga ito.
03:05Mahirap talaga yung sports na ito.
03:07Pada, hanapin mo sa sarili mo kung ano yung gusto mo.
03:11Trabahuin mo siya hanggang mag-bloom ka, hanggang mag-grow ka.
03:15Bukod sa mga winnings, mahanap mo kung ano yung desire mo sa buhay mo.
03:21Discipline na matututunan mo dito.
03:24All out din ang suporta ni Yulo sa kanyang kapatid na si L. Drew,
03:28na lalaban naman sa 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships,
03:34na gaganapin ngayong Nobyembre.
03:36Super excited for him.
03:38May potensyal po talaga yung kapatid ko.
03:41And may kita niya naman po, ginagawa niya yung best niya para sa sarili niyang pangarap.
03:48And tinatrust ko yung process na kung ano yung pinagdadaanan niya ngayon.
03:54And alam ko na kakayanin niya.
03:56Gusto ko lang mag-enjoy siya.
04:00Nakauwi na ng Pilipinas si Yulo.
04:03At dito sinalubong siya ng surprise party sa kanilang bahay
04:07na umantig sa puso ng ating Golden Boy.
04:11Para sa GMA Integrated News,
04:14Mark Salazar.
04:15Nakatutok 24 oras.
04:18Nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended