Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update po tayo sa ilang pulong na dinaluhan ni Pangulong Bongbong Marcos sa 2025 ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
00:08May ulat on the spot si Mariz Umali.
00:11Mariz?
00:15Connie, katatapos nga lamang ng 26th ASEAN Republic of Korea Summit,
00:22na unang pagpupulong sa ikalawang araw ng 47th ASEAN Unrelated Summits
00:27at sa kanyang intervention speech ay binigyang diin ni Pangulong Bongbong Marcos
00:32ang mas tumitindiraw at mas gumagandang ugnayan at kooperasyon ng ASEAN at ng Korea
00:39pagdating sa siguridad, kalakalan at kalikasan.
00:46Ipinunto ng Pangulo ang suporta ng South Korea sa cybersecurity ng rehyon
00:50sa pamamagitan ng ASEAN Cyber Shield Project na layong magpalakas
00:54sa kakayahan ng mga eksperto sa cybersecurity sa Timog Silangang, Asia.
00:57Kinikilala rin niya ang mahalagang papel ng Korea sa kooperasyong Pandagat
01:01na aniay nakabatay sa Rules-Based International Order at sa Ong Clause.
01:06Inihayag din ng Pangulo ang pag-asa ng Pilipinas na makasama ang Korea at Estados Unidos
01:11sa pagko-co-share ng ASEAN Regional Forum Workshop
01:14laban sa iligal at unreported, pati na rin ang unregulated o IUU phishing.
01:19Bilang bansang madalas tamaan ang kalamidad,
01:21pinuri ng Pangulong ASEAN Standards and Certification for Experts in Disaster Management
01:25o ASCEND na pinunduhan ang ASEAN-Korea Cooperation Fund
01:29na layong pataasin ang antas ng hakayahan sa disaster management sa buong rehyon.
01:33Sa usaping pang ekonomiya, tinanggap ng Pilipinas ang negosasyon
01:36para sa pag-upgrade na ASEAN-Korea Free Trade Area
01:39bilang hakbang sa pagpapalakas ng ugnayang pangkalakalan
01:44at sa paglabang sa lumalaganap na proteksyonismo sa pandaigdigang ekonomiya.
01:47Pinuri rin ni Marcos Jr. ang ASEAN-Korea Center sa pagkapatuloy ng mga programa
01:53para sa MSMEs at Startups gaya ng ASEAN-Korea Startup Week.
01:58Sa aspeto naman ng socio-cultural, pinasalamatan ng Pangulo
02:01ang mga programa ng Korea na nagtataguyod ng pagpapalitan ng kultura
02:05tulad ng ASEAN ROC o Republic of Korea Film Community Program,
02:10ASEAN-Korea Music Festival at Connect ASEAN.
02:13Binigyan pansin din ni Marcos Jr. ang ambag ng Korea sa mga inisyatibong pangkalikasan
02:17kabilang ang Clean Air for Sustainable ASEAN o CASA at ASEAN-Korea Cooperation
02:22for Methane Mitigation na nagtataguyod ng malinis na hangin at pangmatagalang kaunlaran.
02:29Koning sa ASEAN-US Summit naman na nangyari kahapon,
02:32bigyan ko lang din kayo ng highlights kasi ibinigay na o ipinalabas na ito sa media.
02:36Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Estados Unidos
02:40sa matatag nitong suporta sa pagtataguyod ng payapang mga karagatan sa rehyon.
02:45Binanggit ng Pangulo ang ASEAN Regional Forum Training Series at Best Practice Manual
02:49on International Ship and Port Facility Security Code
02:52na co-shared ng U.S. bilang isang mahalagang inisyatiba
02:55upang palakasin ang kakayahan ng industriya ng pagpapadala at maritime sa ASEAN.
03:00Ipinahiyag din ni Marcos ang pag-asang makasama ang Estados Unidos at South Korea
03:04gaya na nabanggit ko kanina sa workshop.
03:06Gayunpaman, muling binigyan din ng Pangulo ang kanyang matinding pagkabahala
03:10sa mga mas mapanganib daw naman ni Obra at sa pilitang aksyon
03:14na humahadlang sa mga lehitimong aktibidad ng Pilipinas sa West Philippine Sea
03:18na aniya ay labag sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS
03:22at sa 2016 Arbitral Award.
03:24So, Connie, ito mismo ay sinabi ni Pangulong Bombo Marcos sa harap
03:28ni U.S. President Donald Trump.
03:30Aniya, patuloy raw na may mga insidente na naglalagay sa panganib
03:34at of course, naglalagay sa panganib sa ating mga mangingisda.
03:43At sinabi rin niya na sa kabina nito ay tiniyak ni Marcos
03:47na mananatiling matatag, kalmado at determinado ang Pilipinas
03:50sa pagpapatupad ng declaration on the conduct of parties in the South China Sea
03:54at sa pagtatamo ng isang makabuluhang code of conduct.
03:58So, Connie, kasalukuyan ang nagaganap itong 28th ASEAN Plus 3 Summit naman
04:04kasama ang China, Japan at Korea
04:07at bukas magtatapos na ang 47th ASEAN and Related Summits
04:12sa pamamagitan ng isang closing ceremony
04:14at handover of the ASEAN chairmanship sa ating bansa.
04:19Na tayo na kasi ang susunod na mag-share ng ASEAN Summit sa susunod na taon.
04:24At yan ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
04:28Balik sa'yo, Connie.
04:28Maraming salamat, Mariz Omali.
Comments

Recommended