- 7 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:10.
00:14.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:29.
00:30.
00:38.
00:40.
00:42.
00:45.
00:50.
00:54.
00:58.
00:59Ayon sa PHIVOX, nagbuga ang bulkan ng makapal na plume o usok na umabot sa lagpas isang kilometro ang taas.
01:06Kanina, may pagsabog muli sa main crater.
01:09Ang minor ferriatic eruption o pagbuga ng usok dahil sa kumukulong tubig sa ilalim kaninang mag-aalas 3 ng madaling araw.
01:18Nasundan ang dalawang minor ferriato magmatic eruption kaninang pasado alas 8 ng umaga.
01:23Hanggang lagpas dalawang kilometro ang taas ng plumes sa mga pagsabog kanina.
01:32Wala naman, wala nga tayong na-report na nakarating yung abo sa mga communities.
01:39Although ang nakarating sa atin ay may sulfuric smell sa may bandang laurel which is on the western side.
01:48Pero wala namang dapat ipangambaf.
01:49Permanent danger zone ang Volcano Island kaya bawal pasukin.
01:54Malaki yan. Putok nga yan.
01:58Ang mga pagsabog ng taal, ikinagulat ng mga taga-Agoncillo, Batangas.
02:02Sana wag itong masundan. Sana kang tulaang.
02:05Kahit sanay na raw sila sa pagputok ng vulkan itong mga nakarang araw,
02:08pansin nilang mas malakas ang pagsabog kanina kasabay ng maitim at makapal na usok.
02:13Parang siya pong dram na dalawang magkasunod. Dalawang magkasunod rin po yung itilaas ng ashpole.
02:20May kasamang abo ang pagulan doon kanina.
02:23Dangamoy sulfur o asupre rin.
02:25Ayon sa alkalde ng Agoncillo, normal na muli ang sitwasyon doon.
02:30Wala rin abiso ng pagpapalikas.
02:32Nagulat rin ang mga residente sa iba pang bahagi ng bayan ng Talisay.
02:38Tanaw rin ang makapal at maitim na usok sa Alitagtag,
02:41sa Malete, pati na sa Tagaytay City sa Cavite.
02:46Kung saan tila inabangan talaga ng mga namasyal ang tanawin ng vulkan.
02:49Parang paulit-ulit naman siya nangyari.
02:53Tsaka din naman ganun yata kalakas.
02:54Nabalitan namin na nagaan raw pumuputok.
02:57Sana ina naman po kami sa ganun na parang sumisingaw lang po siya.
03:00Ang iba naman nasa Tagaytay na nang malaman ng aktibidad ng vulkan.
03:04Nalami nalami.
03:06Tulong, nakita naman namin, hindi okay lang naman.
03:09Kanina ko nga lang po nalaman e, nung kumakain kami.
03:12Ayon sa FIVOX, di tulad noong 2024,
03:15mas kaunti ang mga pagbuga ng taal ngayong taon.
03:18Patuloy nilang minomonitor ang taal volcano na nasa alert level 1 pa rin.
03:23In October din last year, there were 36 events in one month.
03:28So ito, actually kung titignan natin yung number of events starting this year,
03:34until now, mas konting ngayon kaysa last year.
03:41Pia Ivan, pinapayuhan ang publiko na manatiling nakatutok nga sa public advisory ng FIVOX
03:47at sa mga official authorities na ngayon daw wala namang dapat ipangamba.
03:51At yan ang latest mula rito sa Tagaytay. Balik sa iyo, Pia Ivan.
03:54Maraming salamat, Jamie Santos.
03:58May dalawang milyong pasahero ang inaasang daragsas sa PITX para sa papalapit na undas.
04:04Malaking tulong daw ang inanunsyong wellness break ng mga estudyante
04:07para hindi magsabay-sabay ang mga pasahero.
04:11Nakatutok si Jonathan Andal.
04:13Inaasahan ng LTFRB na umpisa na ng exodus o pagbiyahe pa uwi sa kanil-kanilang mga probinsya.
04:22Wala na kasing klase. Matapos i-anunsyo ng DepEd ang wellness break sa public school sa bansa
04:27mula sa lunes hanggang webes.
04:29Special non-working day naman sa biyernes.
04:31Sa November 3 na ang balik eskwela.
04:33Nakalib po ako sa trabaho.
04:35Ito po ano, wala silang pasok eh.
04:37Kasi mula 28 hanggang 31, puno na kami.
04:41Tapos sana inagahan nila.
04:43Kasi ngayon, yung crowded ang tao ngayon dito.
04:46Tapos yung iba mga pulibok na.
04:48Makakasahe po yung mga yan.
04:50Kahit 28, 29, 30, 31, gano'n.
04:52Hindi naman niyang giyanin ng Pasko at bagong taon na marami.
04:55Itong undas hanggang tatlong araw lang halos ang pulibok na.
04:58Ayon sa pamunuan ng PITX, nakatulong ang wellness break para di magsabay-sabay ang mga pasahero.
05:04Lalo tinaasahan nila ang lagpas dalawang milyong pasahero mula October 27 hanggang November 4.
05:10Naasahan natin, Monday pa lang, dadami na yung mga pasahero dyan.
05:14Which is a good thing para at least hindi sila magkasabay-sabay on the 30 and the 31st.
05:19And hindi tayo magkaroon ng congestion at ang pagtilan ng mahaba.
05:23Sabi ng MMDA, kinausap na nila ang pamunuan ng SLEX at NLEX para makontrol ang trapiko.
05:28We do not want na magkaroon tayo ng standstill traffic dito just because na-choke yung palabas.
05:36Lagpas 2,000 traffic enforcers sa mga terminal, sementeryo at pangunahing kalsada sa Metro Manila hanggang November 3.
05:44Para hindi magkulang ang mga bus sa undas,
05:46nagbigay rin ang LTFRB ng special permit sa lagpas 800 pampasaherong bus
05:51sa 124 na ruta sa Metro Manila at Luzon papunta sa iba't ibang bahagi ng bansa.
05:56Mag-surprise inspection din daw ang LTFRB para tiyaking roadworthy o nasa maayos na kondisyon ng mga papasada.
06:03Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
06:09At kumusahin natin ang sitwasyon sa PITX kung saan inagahanan ng ilang pasaherong pagbiyahe para makaiwas sa siksikan
06:15at makameno sa pamasahe ngayong undas.
06:19Nakatutok doon live si Vol Aquino.
06:21Vol?
06:22Ivan, inang araw bago ang undas, marami na mga pasahero ang maaga ng bumiyahe mula rito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
06:37Inagahan na ni Edna ang pagbook ng tiket paalbay.
06:41Medyo mura pa po pumasahe.
06:42Si Monica, sinamantala ang maagang sem-break ng mga anak at maaga rin bumiyahe paalbay para sa undas.
06:51Sinamantala ko habang nakasem-break yung anak ko.
06:53Kaya maluwag pa yung pagpapabook namin ng tiket.
06:58Ayon sa pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange as of 2 p.m., umabot sa 89,633 ang food traffic sa terminal.
07:08Hindi pa raw fully booked ang mga biyahe.
07:10Halos walang pila sa mga ticketing booked ng mga bus company na may biyaheng Bicol, Samar, Leyte at Pohol.
07:17Sa bus terminal na ito sa Edsa, marami na rin ang mga pasahero na gihintay ng kanilang biyahe pa Tacloban, Naga, Legazpi, Catanjuanes at Sorsogon.
07:26Marami pa raw available na tiket.
07:28Para hindi po makipagsiksikan, ma'am.
07:31Ang hirap kasi pagsiksikan na yung ano na talaga, mga 31.
07:35Ang Civil Aviation Authority of the Philippines, OCAAP, nagpatupad ng heightened alert status sa lahat ng airports sa bansa.
07:42Suporta ito sa direktiba ng Pangulo at ng Department of Transportation na gawing ligtas sa mga pasahero
07:48at panatilihin ang maayos na operasyon ng mga airport para sa undas.
07:52Mayroong malasakit help desks at medical teams sa lahat ng airport.
07:56Naka-heightened alert na rin ang lahat ng security personnel.
08:00Paalala ng CAAP sa mga pasahero.
08:02Maging handa, alamin at sundin ng safety guidelines para sa ligtas na biyahe.
08:07Ivan, sa mga oras na ito ay tuloy-tuloy yung pagdagsa ng mga pasahero.
08:15And as of 5pm, mabot na sa mahigit 120,000 yung bilang ng mga or food traffic dito sa PITX.
08:23Ivan?
08:23Maraming salamat, Bon Aquino.
08:26Nilinao ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi nila pinagbabawala ng pag-access
08:32sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALEN na mga miyembro ng gabinete.
08:38Pero hindi anya ito pwedeng basta isa publiko.
08:41May mga ipormasyon daw kasi na posibleng makakompromiso sa seguridad ng mga kalihim.
08:46Available upon request anya ang mga SALEN at pagbibigyan ito kung lehitin mo ang dahilan
08:51ng paghiling ng kopya ng SALEN.
08:53Pero ayon kay Bersamin, maaaring voluntaryong maglabas ng SALEN ang mga miyembro ng gabinete.
09:00Ayon kay Akbayan Partylist Representative Percy Sandania,
09:04taliwas ito sa panawagan ng taong bayan para sa transparency at accountability.
09:08Ang sabi naman ni Kamanggagawa Partylist Representative Elie San Fernando,
09:13ang tunay na security threat ay ang pagtago sa mga SALEN ng mga opisyal.
09:21Hamo naman ni Mamamayang Liberal Partylist Representative Laila de Lima,
09:26patunayan ni Pangulong Marcos, na iba siya sa sinundan niyang anyay,
09:30galit ko nun sa korupsyon pero isinekreto lang ang SALEN.
09:34Paglilino naman ang Malacanang,
09:36susunod ang ekotibo sa inilatang na guidelines ng ombudsman patungkol sa SALEN.
09:43Nagsalitan po ang Pangulo at siya po ay handa naman pong ibigay
09:47at ipakita ang kanyang SALEN sa proper authority.
09:50Lahat ng requests for SALEN ay pagbibigyan,
09:55pero may mga certain guidelines po na ibinigay ang ombudsman.
10:01So ang ekotibo po ay tutugon dito.
10:03Inilagay sa makeshift na nicho ang mga buto sa bone chamber ng sementeryo sa Bugo City, Cebu,
10:11nakasamang nasira ng lindol noong Setiembre.
10:14Mula sa Bugo, Cebu, nakatutok live.
10:16Si Fe maring tumabok ng JMA Regional TV.
10:20Fe?
10:20Ivan, matapos ang magnitude 6.9 na lindol dito sa Northern Cebu noong September 30,
10:28bakas ang matinding pinsala na dinulot nito dito sa malaking sementeryo ng Bugo City na epicenter ng lindol.
10:35Sira-sira ang puntod at bitak sa mga nitso.
10:42Ganito ang dinatna ng mga bumisita ngayong araw sa Corazon Cemetery sa Bugo City, Cebu,
10:48para sana maglinis ng puntod bago ang undas.
10:52Hindi nakaligtas ang sementeryo sa magnitude 6.9 na lindol noong Setiembre.
10:56Mula naman ang buong araw nitong linggo pero hindi ito alintana ng ilan sa mga pamilya dito sa Bugo City.
11:02Ilan sa mga libingan ang gumuho.
11:05Dahil mag-iisang linggo na lang at gugunitain na ang araw ng mga patay,
11:09inuna muna nila ang pagsasayos nitong mga libingan.
11:12Ang ayuda na para sana sa nasirang bahay ng pamilyang balante,
11:17ginamit muna sa pagsasayos ng nasirang puntod ng yumaong padre di pamilya.
11:22Gapit ang kalakalag niya, huwag diday na tumakuan na.
11:26Doon naman pag hinabang mo na lang, magigasto.
11:29Ang hinabang mo itong aparat sa inyo ang malay?
11:31Di rin na lang.
11:33Ayon sa caretaker ng sementeryo,
11:35sinabihan na nila ang kaanak ng mga yumaong nasira ang puntod, bunson ng lindol.
11:40Pero karamihan daw sa kanila ay hindi pa dumadalaw.
11:43Nasira rin ang bone chamber sa lindol.
11:46Kaya ang mga buto, inilipat muna sa tinatawag na payag-payag.
11:49Sa Corazon Cemetery rin na kalibing ang karamihan sa mga nasawi dahil sa lindol.
12:07Kabilang ang labing isang magkakamag-anak at magkapitbahay.
12:11Nanadaganan ng mga gumuhong bato at lupa sa barangay Binabag, Bugos City.
12:16Sa Roman Catholic Cemetery sa Kalasyao, Pangasinan,
12:20nagsisimula na rin dumagsa ang mga nagpapalinis ng mga nitso.
12:24Sa Lawag City, Ilocos Norte, may mga naghilinis na rin sa sementeryo.
12:29May dumalaw na kaanak ng yumaon na dismayado dahil tinambakan ng lupa ang puntod ng kaanak.
12:36May mga musuleyo rin na balot ng damo at tinapunan ng mga basura.
12:40Sa Rizal, inaasa nga abot sa 400,000 ang bibisita sa mahigit 80 sementeryo sa buong probinsya.
12:47Sa Coronadal City, South Potabato, kaunti pa lang ang mga bumibisita at naglilinis ng puntod dahil maulan.
12:55Pahirapan din ang paghahanap sa mga puntod na natabunan ng mga putik, bato, buhangin at basura.
13:02Iban, mula pa noong nakaraang linggo, abala na ang pamunuan nitong sementeryo sa pagsasaayos bilang paghahandaan ng undas.
13:17Yan muna ang latest mula rito sa Bugo City, Cebu. Balik sa inyo, Iban.
13:22Maraming salamat, Fema rin dumabok ng GMA Regional TV.
13:27Iniutos ni Pangulong Bombo Marcos ang pagsisigurong mababa ang presyo ng bilihin.
13:31At isa po sa mahakbang sa pagtupad niyan, ang paglagda niya sa dalawang executive order,
13:37kag-unay sa pagbili ng gobyerno ng palay at pagkain.
13:41Nakatutok si Darlene Cai.
13:46Napapakamot na lang ng ulo ang rice retailer na si Javier dahil sa papago-bago at pagtaas ng presyo ng bigas na ibinabagsak sa kanila ng supplier.
13:54Mula noong nakaraang linggo, tumaas ang mahigit 7 piso kada kilo ang kuha nila sa Coco Pandan Rice mula Vietnam
14:00at 3 piso kada kilo sa lokal na bigas.
14:04Kalao nasa mati ng loob na mga mananinintay, tapos hindi mo kami nagtataas ng shelling.
14:08Gayunman, mula noong nakaraang linggo, hindi nagbago ang presyo ng local rice sa komunig market na 40 hanggang 45 pesos kada kilo.
14:16Sinasalo raw ng rice retailers ang pagtaas ng presyo.
14:19Pero wala raw silang magawa kung hindi itaas ang presyo ng ilang klase ng imported rice dahil sa sobrang taas ng buhunan.
14:27Base sa price monitoring ng Agriculture Department, sa ibang pamilihan,
14:31nasa 35 hanggang 58 pesos kada kilo ang imported rice at 33 hanggang 60 pesos ang local rice.
14:38Bago umalis para sa ASEAN Summit, nagbiliin si Pangulong Bumarco sa siguruhing mapaba ang presyo ng bilihin kasama ang bigas.
14:45We hear our people's call for government interventions to lower the price of goods, especially food.
14:52We are strictly enforcing and monitoring the implementation of the maximum suggested retail price for imported rice.
15:01We continue to make available affordable rice including the 20 peso rice program.
15:06Ang tinukoy ng Pangulo ay ang umiiral na 43 pesos na MSRP o maximum suggested retail price para sa 5% broken na imported rice.
15:15Pagpapaliwanagin daw ng DA ang makikita nilang hindi sumusunod dito.
15:19Ayon sa DA, kahit papasok na ang holiday season, sapat ang supply ng bigas dahil panahon na rin ang anihan, kaya stable dapat ang presyo ng bigas.
15:28Mura naman yung import na pumasok yung presyo.
15:33Yung bili sa lokal na merkado ng ating farm gate ng pala, mababa rin.
15:40Yung intervention hindi masyadong na worth.
15:44Sobrang mababa yung farm gate price.
15:46Nalugi talaga yung mga farmers so hinihingi natin sa ating government na ipalik yung 25% tariff na sa imported para at least mag-normalize yung presyo sana ng farm gate price.
16:00Yan ang susubukang tugunan ng mga nilagdaang executive order ng Pangulo.
16:04Ang EO-100 na nagtatakda ng floor price para sa pagbili ng gobyerno ng palay.
16:09At EO-101, kaugnay ng direktang pagbili ng pamahalaan ng pagkain mula sa mga magsasaka at mangingisda.
16:16Patuloy rin minomonitor ng DA ang supply at presyo ng ibang pangunahing bilihin ngayong papasok na ang holiday season.
16:23Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay Nakatutok, 24 Oras.
16:30Pinoy Comics Remains Alive!
16:33At ang isa sa mga sikat ngayong comics bibigyang buhay sa pinilakang tabing sa pangungunan ng GMA Pictures.
16:39May chika si Athena Imperial.
16:40Mula sa mga pahina ng comics kung saan una siyang nakilala noong 2017,
16:50tatawid sa big screen ang batang si Ella Arcangel na lumalaban sa masasamang tao't halimaw.
16:58Ang Filipino horror fantasy story na Ella Arcangel,
17:02mga awit ng Pangil at Kuko,
17:04bibigyang buhay sa pelikula ng GMA Pictures at ng 20 Manila.
17:08Inanunsyo ito sa Comic-Con Grande 2025 na dinaluhan ng GMA Executives
17:14sa pangungunan ni na GMA Network Senior Vice President
17:18at GMA Pictures President Attorney Annette Gozon Valdez
17:21at GMA Pictures Executive Vice President Nessa Valdelion.
17:26Ito ang unang animated film ng GMA Pictures.
17:29Buhay pa rin ang comics.
17:31Ang dami talagang fans ng comics
17:33and we want to really celebrate the artistry of Filipinos.
17:39Bati sa comics and exciting dahil ang galing nila,
17:44ang galing ng talent nila.
17:45And we're very honored to be a partner in this movie.
17:49Magandang pagsasama ng media ito
17:51because masasabi nating homegrown comic series ang Ella Arcangel
17:56at sa partnership na ito with GMA Pictures.
18:01Nasasabik na rin ang creators ni Ella
18:02na ibahagi ang kwento nilang sumasalamin sa lipunan.
18:07Plight ng mga mahihirap,
18:08plight ng mga walang bahay,
18:10ng mga pinapaalis sa mga bahay nila,
18:14yung mga dini-demolish ng bahay.
18:16Parang yun yung pinaka-goal ko
18:17nung ginawa ko ito,
18:19na para mabigyan ng light
18:20itong mga nangyayari na ito.
18:23Ang Ella Arcangel ay may importanteng mensahe
18:26na tingin ko dapat mas mapanood ng mas maraming Pilipino.
18:31Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings!
Be the first to comment