Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, Oct. 26, 2025:
-Taal ilang beses sumabog ngayong weekend; ilang bayan, apektado ng abo at amoy-asupre
-Wellness break na inanunsyo ng DepEd, malaking tulong para 'di magsabay-sabay ang pag-uwi ng mga pasahero sa Undas
- Ilang pasahero, maagang bumiyahe para makaiwas sa siksikan at makamura sa pamasahe
-SALN ng Cabinet members, “available upon request”—Exec. Sec. Bersamin
-Mga buto mula sa mga napinsalang bone chamber sa sementeryo sa Bogo, inilagak sa makeshift na puntod
-Rice retailers, umaaray sa taas-presyo ng bigas mula sa suppliers; PBBM, pinatitiyak na mura ang mga pagkain
-Ella Arcangel sa komiks, isasapelikula sa pangunguna ng GMA Pictures
-Siklistang senior citizen, sugatan nang sumalpok sa kotse sa Rizal
-Manila North at South Cemeteries, maagang dinagsa; paglilinis ng mga puntod, last-minute na
-20 housemates, ipinakilala na sa pasabog na PBB Celebrity Collab Edition 2.0
-Timor-Leste, opisyal nang ASEAN member; PBBM nakipagpulong sa ilang lider at binigyang-diin ang ASEAN “centrality”
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Taal ilang beses sumabog ngayong weekend; ilang bayan, apektado ng abo at amoy-asupre
-Wellness break na inanunsyo ng DepEd, malaking tulong para 'di magsabay-sabay ang pag-uwi ng mga pasahero sa Undas
- Ilang pasahero, maagang bumiyahe para makaiwas sa siksikan at makamura sa pamasahe
-SALN ng Cabinet members, “available upon request”—Exec. Sec. Bersamin
-Mga buto mula sa mga napinsalang bone chamber sa sementeryo sa Bogo, inilagak sa makeshift na puntod
-Rice retailers, umaaray sa taas-presyo ng bigas mula sa suppliers; PBBM, pinatitiyak na mura ang mga pagkain
-Ella Arcangel sa komiks, isasapelikula sa pangunguna ng GMA Pictures
-Siklistang senior citizen, sugatan nang sumalpok sa kotse sa Rizal
-Manila North at South Cemeteries, maagang dinagsa; paglilinis ng mga puntod, last-minute na
-20 housemates, ipinakilala na sa pasabog na PBB Celebrity Collab Edition 2.0
-Timor-Leste, opisyal nang ASEAN member; PBBM nakipagpulong sa ilang lider at binigyang-diin ang ASEAN “centrality”
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:30Ivan Pia, tatlong beses na pagbuga ng abo ang naitala ng FIVOX nga ngayong araw sa Volkang Taal na ilang beses na nga nang hindi nagpakita ng aktibidad ng ilang linggo matapos ng Ligong Katahimikan.
00:44Ilang kababayan nga natin ang sinadyang magpunta ngayong linggo para makita ang lagay ng Taal Volcano.
00:51Kaya nang kahapon, nagkaroon ng minor feriatomagmatic eruption sa main crater ng Volkang Taal.
01:03Ito ay pagsabog dahil sa interaksyon ng magma at tubig sa ilalim ng volkan.
01:07Ayon sa FIVOX, nagbuga ang volkan ng makapal na plung o usok na umabot sa lagpas isang kilometro ang taas.
01:16Kanina, may pagsabog muli sa main crater.
01:19Ang minor feriatic eruption o pagbuga ng usok dahil sa kumukulong tubig sa ilalim kaninang mag-aalas 3 ng madaling araw.
01:27Nasundan ang dalawang minor feriatomagmatic eruption kaninang pasado alas 8 ng umaga.
01:36Hanggang lagpas dalawang kilometro ang taas ng plumes sa mga pagsabog kanina.
01:42Wala naman, wala nga tayong na-report na nakarating yung abo sa mga communities.
01:48Although, ang nakarating sa atin ay may sulfuric smell sa may bandang laurel which is on the western side.
01:58Pero wala naman dapat ipangamba.
02:00Permanent danger zone ang Volcano Island kaya bawal pasukin.
02:04Malaki yan. Putok nga yan.
02:08Ang mga pagsabog ng taal, ikinagulat ng mga taga-agon silyo Batangas.
02:12Sana wag itong masundan, sana kang tulaang.
02:14Kahit sanay na raw sila sa pagputok ng vulkan itong mga nakarang araw,
02:18pansin nilang mas malakas ang pagsabog kanina kasabay ng maitim at makapal na usok.
02:27May kasamang abo ang pagulan doon kanina.
02:33Nangamoy sulfur o asupre rin.
02:35Ayon sa alkalde ng agon silyo, normal na muli ang sitwasyon doon.
02:40Wala rin abiso ng pagpapalikas.
02:42Nagulat din ang mga residente sa iba pang bahagi ng bayan ng Talisay.
02:48Tanaw rin ang makapal at maitim na usok sa alitagtag.
02:51Sa Malete, pati na sa Tagaytay City sa Cavite.
02:55Kung saan tila inabangan talaga ng mga namasyal ang tanawi ng vulkan.
02:59Parang paulit-ulit naman siya nangyayari.
03:03Tsaka din naman ganun yata kalakas.
03:04Nabalitan namin eh kung nagaan raw pumuputok.
03:07Sanay na naman po kami sa ganun na parang sumisingaw lang po siya.
03:10Ang iba naman nasa Tagaytay na nang malaman ng aktibidad ng vulkan.
03:14Hindi nalamin nalamin eh.
03:16Ito lang nakita naman namin, hindi okay lang naman.
03:19Kanina ko nga lang po nalaman eh nung kumakain kami.
03:22Ayon sa FIVOX, di tulad noong 2024, mas kaunti ang mga pagbuga ng taal ngayong taon.
03:28Patuloy nilang minomonitor ang taal volcano na nasa alert level 1 pa rin.
03:32In October then last year, there were 36 events in one month.
03:39So ito, actually kung titignan natin yung number of events starting this year until now, mas konting ngayon kaysa last year.
03:47Pia Ivan, pinapayuhan ang publiko na manatiling nakatutok nga sa public advisory ng FIVOX at sa mga official authorities na ngayon daw wala namang dapat ipangamba.
04:01At yan ang latest mula rito sa Tagaytay. Balik sa iyo, Pia Ivan.
04:05Maraming salamat, Jamie Santos.
04:07May dalawang milyong pasahero ang inaasang daragsas sa PITX para sa papalapit na undas.
04:14Malaking tulong daw ang inanunsyong wellness break ng mga estudyante para hindi magsabay-sabay ang mga pasahero.
04:21Nakatutok si Jonathan Andal.
04:26Inaasahan ng LTFRB na umpisa na ng exodus o pagbiyahe pa uwi sa kanilang mga probinsya.
04:32Wala na kasing klase matapos i-anunsyo ng DepEd ang wellness break sa public school sa bansa.
04:37Mula sa lunes hanggang Webes. Special non-working day naman sa biyernes.
04:41Sa November 3 na ang balik eskwela.
04:43Nakalib po ako sa trabaho.
04:45Ito po ano, wala silang pasok eh.
04:47Kasi mula ano, 28 hanggang 31, puno na kami.
04:51Tapos sana inagahan nila na ano, kasi ngayon, yung crowded ang tao ngayon dito.
04:56Tapos yung iba mga pulibok na.
04:58Makakasakay po yung mga yan.
05:00Kahit 28, 29, 30, 31, ganun.
05:02Hindi naman yung giyayang yung Paskot at bagong toon na marami.
05:05Itong undas hanggang tatlong araw lang halos ang mulibok na.
05:08Ayon sa pamunuan ng PITX, nakatulong ang wellness break para di magsabay-sabay ang mga pasahero.
05:14Lalo tinaasahan nila ang lagpas 2 milyong pasahero.
05:17Mula October 27 hanggang November 4.
05:20Ang inaasahan natin, Monday pa lang, dadami na yung mga pasahero dyan, which is a good thing para at least hindi sila magkasabay-sabay on the 30 and the 31st and hindi tayo magkaroon ng congestion at ang pagtila ng mahaba.
05:33Sabi ng MMDA, kinausap na nila ang pamunuan ng SLEX at NLEX para makontrol ang trafic ko.
05:38We do not want na magkaroon tayo ng standstill traffic dito just because na-choke yung palabas.
05:46Lagpas 2,000 traffic enforcers sa mga terminal, sementeryo at pangunahing kalsada sa Metro Manila hanggang November 3.
05:54Para hindi magkulang ang mga bus sa undas, nagbigay rin ang LTFRB ng special permit sa lagpas 800 pampasaherong bus sa 124 na ruta sa Metro Manila at Luzon papunta sa iba't ibang bahagi ng bansa.
06:06Mag-surprise inspection din daw ang LTFRB para tiyaking road worthy o nasa maayos na kondisyon ang mga papasada.
06:13Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
06:19At kumustahin natin ang sitwasyon sa PITX kung saan inagahanan ng ilang pasaherong pagbiyahe para makaiwas sa siksikan at makameno sa pamasahe ngayong undas.
06:29Nakatutok doon live si Von Aquino.
06:31Von?
06:32Ivan, inang araw bago ang undas, marami na mga pasahero ang maaga ng bumiyahe mula rito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
06:47Inagahan na ni Edna ang pagbook ng tiket paalbay.
06:51Medyo mura pa po pumasahe.
06:52Si Monica, sinamantala ang maagang sem-break ng mga anak at maaga rin bumiyahe paalbay para sa undas.
07:00Sinamantala ko habang nakasem-break yung anak ko.
07:03Kaya maluwag pa yung pagpapabook namin ng tiket.
07:08Ayon sa pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange as of 2 p.m., umabot sa 89,633 ang food traffic sa terminal.
07:18Hindi pa raw fully booked ang mga biyahe.
07:20Halos walang pila sa mga tiketing booked ng mga bus company na may biyaheng Bicol, Samar, Leyte at Pohol.
07:26Sa bus terminal na ito sa Edsa, marami na rin ang mga pasahero na gihintay ng kanilang biyahe patakloban, Naga, Ligaspi, Cataduanes at Sorsogon.
07:36Marami pa raw available na tiket.
07:38Para hindi po makipagsiksikan, ma'am.
07:41Ang hirap kasi pagsiksikan na yung mga 30 buwan.
07:45Ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, nagpatupad ng heightened alert status sa lahat ng airports sa bansa.
07:52Supporta ito sa Direktiba ng Pangulo at ng Department of Transportation na gawing ligtas sa mga pasahero at panatilihin ang maayos na operasyon ng mga airport para sa undas.
08:03Mayroong malasakit help desks at medical teams sa lahat ng airport.
08:07Naka-heightened alert na rin ang lahat ng security personnel.
08:10Paalala ng CAAP sa mga pasahero.
08:13Maging handa, alamin at sundin ng safety guidelines para sa ligtas na biyahe.
08:17Ivan, sa mga oras na ito ay tuloy-tuloy yung pagdagsa ng mga pasahero.
08:25And as of 5pm, mabot na sa mahigit 120,000 yung bilang ng mga or food traffic dito sa PITX.
08:33Ivan?
08:34Maraming salamat.
08:36Bon Aquino.
08:36Nilinao ni Executive Secretary Lucas Bezamin na hindi nila pinagbabawala ng pag-access sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALEN na mga miyembro ng gabinete.
08:48Pero hindi anya ito pwedeng basta isa publiko.
08:51May mga ipormasyon daw kasi na posibleng makakompromiso sa siguridad ng mga kalihim.
08:56Available upon request anya ang mga SALEN at pagbibigyan ito kung lehitin mo ang dahilan ng paghiling ng kopya ng SALEN.
09:03Pero ayon kay Bezamin, maaaring voluntaryong maglabas ng SALEN ang mga miyembro ng gabinete.
09:10Ayon kay Akbayan Partylist Representative Percy Sandania, taliwas ito sa parawagan ng taong bayan para sa transparency at accountability.
09:18Ang sabi naman ni Kamanggagawa Partylist Representative Elie San Fernando,
09:23ang tunay na security threat ay ang pagtago sa mga SALEN ng mga opisyal.
09:30Hamo naman ni Mamamayang Liberal Partylist Representative Laila de Lima, patunayan ni Pangulong Marcos,
09:38na iba siya sa sinundan niyang anya'y galit ko nun sa korupsyon pero isinekreto lang ang SALEN.
09:44Paglilino naman ang Malacanang, susunod ang ekotibo sa inilatang na guidelines ng Ombudsman patungkol sa SALEN.
09:51Nang selitan po ang Pangulo at siya po ay handa naman pong ibigay at ipakita ang kanyang SALEN sa proper authority.
10:01Lahat ng requests for SALEN ay pagbibigyan pero may mga certain guidelines po na ibinigay ang Ombudsman.
10:11So ang ekotibo po ay tutugon dito.
10:13Inilagay sa makeshift na nicho ang mga buto sa bone chamber ng sementeryo sa Bugo City, Cebu,
10:21nakasamang nasira ng lindol noong Setiembre.
10:24Mula sa Bugo, Cebu, nakatutok live.
10:26Si Fe maring tumabok ng GMA Regional TV.
10:30Fe?
10:30Ivan, matapos ang Magnitude 6.9 na lindol dito sa Northern Cebu noong September 30,
10:38bakas ang matinding pinsala na dinulot nito dito sa malaking sementeryo ng Bugo City na epicenter ng lindol.
10:48Sira-sirang puntod at bitak sa mga nitso.
10:52Ganito ang dinatna ng mga bumisita ngayong araw sa Corazon Cemetery sa Bugo City, Cebu,
10:58para sana maglinis ng puntod bago ang undas.
11:02Hindi nakaligtas ang sementeryo sa Magnitude 6.9 na lindol noong Setiembre.
11:07Mula naman ang buong araw nitong linggo pero hindi ito alintana ng ilan sa mga pamilya dito sa Bugo City.
11:12Ilan sa mga libingan ang gumuhok.
11:15Dahil mag-iisang linggo na lang at gugunitin na ang araw ng mga patay,
11:19inuna muna nila ang pagsasayos nitong mga libingan.
11:22Ang ayuda na para sana sa nasirang bahay ng pamilyang Balante,
11:27ginamit muna sa pagsasayos ng nasirang puntod ng yumaong padre di pamilya.
11:32Dapit ng kalakalag niya.
11:34Huwag diday na tumakuan. Doon naman pwede hinabang mo na magigasto.
11:40Ang hinabang mo tangapara to sa inyo?
11:41O, di rin nalang.
11:42Ayon sa caretaker ng simenteryo,
11:45sinabihan na nila ang kaanak ng mga yumaong nasira ang puntod,
11:48bunson ng lindol.
11:50Pero karamihan daw sa kanila ay hindi pa dumadalaw.
11:53Nasira rin ang bone chamber sa lindol.
11:56Kaya ang mga buto, inilipat muna sa tinatawag na payag-payag.
11:59Wala ginibayad ang sa payag-payag.
12:02Sa tagtungod, rigid na siya nga pamaagi.
12:04Kaya di hangalong na nagibutangan sa payag,
12:07gihog na siya libre para sa katungulay kaabot sa bone chamber ba.
12:12Sa Corazon Cemetery rin na kalibing ang karamihan sa mga nasawi dahil sa lindol.
12:17Kabilang ang labing isang magkakamag-anak at magkapitbahay.
12:21Nanadaganan ang mga gumuhong bato at lupa sa barangay Binabag, Bugos City.
12:26Sa Roman Catholic Cemetery sa Kalasyao, Pangasinan,
12:30nagsisimula na rin dumagsa ang mga nagpapalinis ng mga nitso.
12:35Sa Lawag City, Ilocos Norte, may mga naghilinis na rin sa simenteryo.
12:39May dumalaw na kaanak ng yumaon na dismayado dahil tinambakan ng lupa ang punton ng kaanak.
12:46May mga musuleyo rin na balot ng damo at tinapunan ng mga basura.
12:50Sa Rizal, inaasa nga abot sa 400,000 ang bibisita sa mahigit 80 simenteryo sa buong probinsya.
12:57Sa Coronadal City, South Potobato, kaunti pa lang ang mga bumibisita at naglilinis ng punton dahil maulan.
13:05Pahirapan din ang paghahanap sa mga punton na natabunan ng mga putik, bato, buhangin at basura.
13:12Iban, mula pa noong nakaraang linggo, abala na ang pamunuan nitong simenteryo sa pagsasaayos bilang paghahandaan ng undas.
13:27Yan muna ang latest mula rito sa Bugo City, Cebu. Balik sa inyo, Iban.
13:32Maraming salamat, Fema rin dumabok ng GMA Regional TV.
13:37Iniutos ni Pangulong Bongbo Marcos ang pagsisigurong mababa ang presyo ng bilihin.
13:41At isa po sa mahakbang sa pagtupad niyan, ang paglagda niya sa dalawang executive order,
13:47kaunay sa pagbili ng gobyerno ng palay at pagkain.
13:51Nakatutok si Darlene Cai.
13:56Napapakamot na lang ng ulo ang rice retailer na si Javier dahil sa papago-bago at pagtaas ng presyo ng bigas na ibinabagsak sa kanila ng supplier.
14:04Mula noong nakaraang linggo, tumaas ang mahigit 7 piso kada kilo ang kuha nila sa Coco Pandan Rice mula Vietnam
14:10at 3 piso kada kilo sa lokal na bigas.
14:14Kalao nasa mati ng loob na may mananinday, tapos hindi mo kami nagtataas ng shelling.
14:18Gayunman, mula noong nakaraang linggo, hindi nagbago ang presyo ng local rice sa komunig market na 40 hanggang 45 pesos kada kilo.
14:26Sinasalo raw ng rice retailers ang pagtaas ng presyo.
14:29Pero wala raw silang magawa kung hindi itaas ang presyo ng ilang klase ng imported rice dahil sa sobrang taas ng buhunan.
14:37Base sa price monitoring ng Agriculture Department, sa ibang pamilihan, nasa 35 hanggang 58 pesos kada kilo ang imported rice at 33 hanggang 60 pesos ang local rice.
14:48Bago umalis para sa ASEAN Summit, nagbilin si Pangulong Buongbo Marcos na siguruhin mapaba ang presyo ng bilihin kasama ang bigas.
14:55We hear our people's call for government interventions to lower the price of goods, especially food.
15:02We are strictly enforcing and monitoring the implementation of the maximum suggested retail price for imported rice.
15:11We continue to make available affordable rice including the 20 peso rice program.
15:16Ang tinukoy ng Pangulo ay ang umiiral na 43 pesos na MSRP o maximum suggested retail price para sa 5% broken na imported rice.
15:25Pagpapaliwanagin daw ng DA ang makikita nilang hindi sumusunod dito.
15:29Ayon sa DA, kahit papasok na ang holiday season, sapat ang supply ng bigas dahil panahon na rin ang anihan, kaya stable dapat ang presyo ng bigas.
15:38Mura naman yung import na pumasok yung presyo, yung buli sa lokal na merkado ng ating farm gate nampala ay mababa rin.
15:50Yung intervention hindi masyadong not worth.
15:54Sobrang mababa yung farm gate price.
15:56Nalugi talaga yung mga farmers.
15:58So hinihingi natin sa aking government na ipalik yung 25% tarif na sa imported para at least mag-normalize yung presyo sana ng big price.
16:10Yan ang susubukang tugunan ng mga nilagdaang executive order ng Pangulo.
16:14Ang EO100 na nagtatakda ng floor price para sa pagbili ng gobyerno ng palay.
16:20At EO101 kaugnay ng direct ang pagbili ng pamahalaan ng pagkain mula sa mga magsasaka at mangingisda.
16:26Patuloy rin minomonitor ng DA ang supply at presyo ng ibang pangunahing bilihin ngayong papasok na ang holiday season.
16:33Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, Nakatutok, 24 Oras.
16:40Pinoy Comics Remains Alive!
16:43At ang isa sa mga sikat ngayong comics bibigyang buhay sa pinilakang tabing sa pangunguna ng GMA Pictures.
16:49May chika si Athena Imperial.
16:50Mula sa mga pahina ng comics kung saan una siyang nakilala noong 2017,
17:00tatawid sa big screen ang batang si Ella Arcangel na lumalaban sa masasamang tao't halimaw.
17:08Ang Filipino horror fantasy story na Ella Arcangel,
17:12mga awit ng Pangil at Kuko,
17:14bibigyang buhay sa pelikula ng GMA Pictures at ng 20 Manila.
17:18Inanunsyo ito sa Comic-Con Grande 2025 na dinaluhan ng GMA Executives
17:24sa pangunguna ni na GMA Network Senior Vice President
17:28at GMA Pictures President Attorney Annette Gozon Valdez
17:31at GMA Pictures Executive Vice President Nessa Valdelion.
17:36Ito ang unang animated film ng GMA Pictures.
17:39Buhay pa rin ang comics.
17:41Ang dami talagang fans ng comics.
17:43And we want to really celebrate the artistry of Filipinos.
17:49But it's a comics and exciting dahil ang galing nila,
17:54ang galing ng talent nila.
17:55And we're very honored to be a partner in this movie.
17:59Magandang pagsasama ng media ito
18:01because masasabi nating homegrown comic series ang Ella Arcangel.
18:07At sa partnership na ito with GMA Pictures.
18:11Nasasabik na rin ang creators ni Ella
18:12na ibahagi ang kwento nilang sumasalamin sa lipunan.
18:17Plight ng mga mahihirap,
18:18plight ng mga walang bahay,
18:20ng mga pinapaalis sa mga bahay nila,
18:24yung mga dini-demolish mga bahay.
18:25Parang yun yung pinaka-goal ko nung ginawa ko ito
18:29na parang mabigyan ng light itong mga nangyayari na ito.
18:33Ang Ella Arcangel ay may importanteng mensahe
18:36na tingin ko dapat mas mapanood ng mas maraming Pilipino.
18:41Artina Imperial updated sa Showbiz Happenings.
18:45Sugata na isang siklisang senior citizen
18:47matapos sumalpok sa kasalubong na kotse sa Rizal.
18:51Ang nahulikan na disgrasya,
18:52tinutukan ni EJ Gomez.
18:55OY! OY! OY!
18:57O!
18:58ALLAH!
19:00ALLAH!
19:02Yan ang nasa full sa video
19:04ng pagsalpok ng isang siklista
19:06sa kasalubong nitong kotse
19:07sa San Mateo Rizal
19:08alas 8 i-medya ng umaga kahapon.
19:11Nakunan din sa tankam ng kotse
19:13ang aktwal na pagsalpok.
19:16Yung part na yun sobrang tarik niya.
19:19So hindi, noong paket ako,
19:21nakita ko yung kalsade
19:22nung wala namang kasalubong.
19:24So nagulat na lang ako na biglang may bumulusok sa akin pababa.
19:29So there's no way to escape na po.
19:32Yung takbo naman ng kotse na paahon, normal lang siya.
19:36Siyempre, umaahon, hindi siya matulin.
19:38Itong bite naman, talagang matulin po.
19:41Nabasag ang salamin at nayupi at nagasgas ang pintuan ng driver's seat.
19:46Nasira rin ang side mirror ng sasakyan.
19:49Yung pinangyarihan po ay sharp cord po yun.
19:51So napaka-delikado, kinukonsider namin siya na accident prone.
19:56Binigyan ng first aid ang 63-anyos na biker na residente ng Quezon City.
20:02Ayon sa pulisya, nakalabas na ng ospital ang siklista at patuloy na nagpapagaling.
20:07Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunan ang pahayag ang siklista.
20:11Nagkaareglo rin daw ang dalawang panig.
20:14Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
20:21Bago ang undas sa Salvador, ramdam na ang dagsa ng mga dalaw sa mga pangunahing libingan ng Maynila.
20:27At mula sa Manila North Cemetery, nakatutok live, si Jonathan Anday.
20:31Jonathan.
20:32Ivan, mag-alas sa isa ng gabi, magsasara na itong Manila North Cemetery.
20:39Unti-unti na nagsisilabasan yung mga dumalo kanina.
20:41Pero kanina, dagsapo yung mga dumalo rito.
20:44Nasa 30,000 sa taya ng pamunuhan ng Manila North Cemetery.
20:49Pero ang inaasahan talaga nila, aabot ito ng 2 milyon hanggang sa November 2.
20:54Dumagsa kanina ang mga dumalaw sa Manila North Cemetery.
21:03Ang ilang ayaw maglakad, dubalaw na ngayong pwede pang pumasok ang mga sasakyan.
21:08Sakit na ito.
21:09Mga November 1, dati natrya nyo na pumunta dito?
21:12Oo, natrya na namin. Kaya lang, nang hirap pumunta.
21:15Tapos ang layo nang nilalakad namin from dun sa... malayo pa sa gate.
21:19Doon kami nagpa-park.
21:20May mga nakahanda ng wheelchair sa mga mga ngailangan nito.
21:24He, bigat din ang traffic sa loob ng sementeryo.
21:27Simula miyerkoles, bawal na munang pumasok ang mga sasakyan rito.
21:31Nagulat kami kahapon at saka ngayon.
21:33Eh, ang expect namin, mga 29 pa ang masisimula ng dati.
21:37Siguro, inisip na rin nila na mas maaga, mas maganda.
21:40Last minute na rin ang paglilinis ng mga puntod na hanggang bukas na lang pwede.
21:45Nangang ilang puntod po kayo?
21:48Siguro, mga sampu, ganyan.
21:50Sa isang araw.
21:52Sa isang araw? Tapos one five?
21:54O sa mga ganit? Sampun libo sa isang araw?
21:55Ang pulat na gano'n na isang libo eh.
21:58Kamukha na isang lit yung ganyan, babayang kalimandaan.
22:02Si Rufina, nagtirik ng mga kandila sa puntod na walang lapida.
22:06Natabu na na kasi ng mga pinagpatong-patong na puntod
22:08ang libingan ng kanyang 17-day-old baby na pumano noong 2014.
22:12May nag-alokraw na ilipat ito sa tinatawag na apartment
22:15pero tumanggi sila dahil may kontrata at bayad.
22:18Kasi lilipat din yung pag hindi namin nabayaran.
22:21Maraming pagdating ng due date, wala kami dito.
22:24Hindi na namin siya alam kung saan namin pupuntahan.
22:27May website ang Manila North Cemetery para sa paghahanap sa mga puntod.
22:31Sa isang milyong na kalibing dito, 400,000 na pangalan pa lang ang nasa website.
22:36Hanggang kanina tuloy-tuloy ang pag-i-encode ng mga impormasyon
22:39mula sa sira-sira at tinaanay ng talaan ng mga patay.
22:43Nilagyan din ang air-conditioned units ang isang gusali ng kolombaryo sa sementeryo.
22:47At dahil air-conditioned na itong kolombaryo, bawal na pong mag-tirik ng kandila dito sa loob.
22:54Ang pwede na lang dito sa labas, meron ditong candle stand kung saan pwede lang mag-tirik ng kandila yung mga tao.
23:01Kanina, sunod-sunod ang mga humahabol na maglibing, lalot hanggang sa martes na lang muna ito pwede at bawal sa mismong undas.
23:09Minakunan din kaming nagpapatugtog ng loudspeaker sa ibabaw ng puntod.
23:14Bawal yan at kukumpiskahin, sabi ng pamunuan ng sementeryo.
23:18Bawal din magdala ng alak, baraha, matatanim na bagay, pati ng mga alagang hayop.
23:22Ang mga bawal sa Manila North Cemetery, bawal din sa Manila South Cemetery.
23:28Umaga pa lang, umabot na sa 7,000 ang dumalaw doon.
23:31Ngayon ang huling araw para maglinis ng mga puntod doon.
23:34Ayon sa pamunuan ng sementeryo, sa November 1 nila inaasahan ng dagsa ng mga dadalaw.
23:39Ang inaasahan ko yan, itong auno. Siguro maaga pa lang. Pagkabukas, kakapal na ng todo yan. Lalo pag gumanda yung panahon.
23:47Abiso po sa mga motorista, sa darating na Webes hanggang umaga ng lunes ay isasara po sa daloy ng trapiko
23:59ang ilang bahagi ng Blooming Street, Dimasalang, Maceda at Southbound Lane ng Dimasalang Bridge
24:06at Aurora Boulevard sa paligid ng Manila North at Chinese Cemeteries.
24:11Magpapatupad dyan ng rerouting ang Manila Police District.
24:14Dito pa sa Manila North Cemetery, 6 a.m. hanggang 6 p.m. bukas itong sementeryo.
24:20Pero sa miyerkoles hanggang sa linggo, 5 a.m. to 9 p.m. na ang operating hours nito.
24:27Yan muna ang latest mula rito sa Maynila. Balik sa iyo, Ivan.
24:30Maraming salamat, Jonathan Andal.
24:37Ipinakilala na ang 20 housemates sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
24:41Ang show of support ng kanila mga kapwa-artista, alamin sa aking shika.
24:49Naging makulay ang muling pagbubukas ng bahay ni Kuya sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
24:55Nagbalik na rin ang dating host ng show na si Luis Manzano.
24:59Esklusibo na nating nakilala sa 24 oras ang 8 housemates.
25:05Kagabi, ipinakilala na rin ang 12 pang housemates ang mga kapusong sina Anton Vinson,
25:12Wynonna Collings, Caprice Cayetano, Liv Victor, John Clifford, at Ashley Sarmiento,
25:20at kapamilya stars na sina Eliza Borromeo, Raid Victoria, Inigo Jose, Lella Ford, Rach Alim, at Fred Mosser.
25:30Sa outside world, full support sa journey ng bagong housemates ang mga nakasama nila sa industriya.
25:37At ang ex-housemate na si Charlie Fleming tila may yearning.
25:41Kuya, kinawa mo si Lee. Kinawa mo si Joaquin. Kinawa mo si Benola. Si Marco. Si Ashley.
25:47At ang isa sa kanyang main concern.
25:49Kuya, kinawa mo sila lahat. Wala na kaming streak!
25:54Wish tuloy ni Charlie. Bekene men pwedeng pumasok siya ulit sa bahay ni Kuya.
25:59Miembro na po ng ASEAN ang Timor-Leste at sunod-sunod din ang pulong ni Pangulong Bomba Marcos sa Malaysia.
26:08Mula sa Kuala Lumpur, nakatutoklay si Marizo Man.
26:12Yes, Pia, makasaysayan nga ang pagbubukas ng 47th Summit o ASEAN Summit at Related Summits ngayong araw.
26:19Dahil matapos ang 26 na taon, ngayon lang uli, nagkaroon ng bagong miembro ang ASEAN.
26:25At ito nga ang Timor-Leste na formal nang tinanggap bilang member state.
26:30Sa kanyang mga plenary intervention speech ay pinahayag ni Pangulong Bomba Marcos ang kanyang kahandaan ng ating bansa sa pag-o-host ng ASEAN Summit sa susunod na taon.
26:43Sunod-sunod na nagdatingan ang mga ASEAN member states sa Kuala Lumpur Convention Center para sa formal na pagbubukas ng 47th ASEAN Summit at Related Summits ngayong araw.
26:56Pangunahing mensahe sa opening speech ni 47th ASEAN Summit Chairman, Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim,
27:03dapat magkaroon ang ASEAN ang tapang na bumuo ng bagong mga pakikipag-ugnayan o partnership at madaling umangkop sa mga pagbabago.
27:10Isinapurumal na rin dito ang pagtanggap sa Democratic Republic of Timor-Leste na 2011 pa nag-apply para maging ASEAN member state.
27:19Sinundan niya ng customary handshake ng ASEAN.
27:22Naging emosyonal pa si Prime Minister Shanana Guzmau.
27:25Sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Bombong Marcos na makasaysayang yugto ito para sa Southeast Asia.
27:33Ang pagpasok daw ng Timor-Leste sumasalamin sa samasamang hangarin ng rehyon tungo sa pagkakaisa, pagtutulungan at ibinahaging kaunlarang.
27:42Sa plenary intervention speech nga ni Pangulong Marcos, ipinahayag niya ang kahandaan ng Pilipinas sa pag-o-host ng ASEAN 2026.
27:49Binigyan din daw ng Pangulo ang kahalagahan ng ASEAN centrality sa pagtataguyod ng katatagan at pagtutulungan sa rehyon.
27:57Sa sidelines naman ng summit, sunod-sunod din ang pulong o bilateral meeting ng Pangulo sa mga leader ng Cambodia, Thailand, Canada, Japan, European Council at United Nations.
28:08Kabilang sa mga pinag-usapan ng ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang nakapulong nito, kabilang sa aspeto ng turismo at ekonomiya.
28:15Nilagdaan din sa summit ang pag-amienda sa second protocol ng ASEAN Trade and Goods Agreement o Atiga.
28:21At sa martes, ang isa pang mahalagang kasunduan na ASEAN-China Free Trade Area 3.0 Upgrade kung saan inaasahan makikinabang ang mga negosyong Pinoy.
28:31At yan ang pinakasariwang balita mula rito sa Kuala Lumpur, Malaysia. Balik sa iyo, Pia.
28:36Maraming salamat, Marie Zumali.
Recommended
35:42
|
Up next
28:33
18:25
35:55
42:54
21:05
49:42
20:49
59:55
39:18
20:26
36:27
40:29
39:52
40:18
8:15
1:02:37
44:11
34:16
50:27
Be the first to comment