00:00Nagpatuloy po ngayon araw ang mga kilos protesta ng iba't ibang grupo at mga estudyante kontra sa katiwalian.
00:06Git po nila, hindi sila titigil hanggat walang napapanagot.
00:10Saksi, si Jamie Santos.
00:17Bit-bit ang mga rosaryo, imahe ng Birhing Maria, at mga placard na may panawagan laban sa korupsyon,
00:24nagdaos ng prayer rally.
00:26Ang mga estudyante, alumni at miyembro ng Ateneo de Manila University sa Katipunan Avenue.
00:32Panawagan nila ang transparency, pananagutan at katarungan sa gitna ng mga isyo ng umanoy malawakang korupsyon sa pamahalaan.
00:40Bahagi ito ng White Friday protests sa ilalim ng panawagan ng simbahan para sa accountability kasunod ng Trillion Peso March.
00:56Nag-walk out naman sa kanilang klase ang mga mag-aaral ng Rizal Technological University o RTU sa Mandaluyong City.
01:04Ang kanilang protesta dahil sa umanoy mabagal na tugon ng pamahalaan sa panawagang panagutin ang mga sangkot sa korupsyon.
01:12Sabra na! Sabra na! Ikulong na!
01:15Sa EDSA Shrine, nagsama-sama na namang muli ang iba't ibang grupo para iparating sa pamahalaan ang tinig ng mamamayan.
01:24Bitbit nila ang mga plakard na naglalaman ng panawagan ng makulong ang mga nagpapahirap sa taong bayan, sabay-sabay na nagsindi ng kandila at nag-ingay.
01:32Dahon may korakot!
01:36Hindi raw sapat ang imbistigasyon lang. Dapat umanong makulong ang mga magnanakaw at maibalik ang ninakaw sa taong bayan.
01:44Wala sanang mahirap kung walang nangungurakot.
01:48Na kailangan natin magkaisa this time kasi kailangan na pong mabuhay o magising ng bawat mamayan na hindi na ito inukulit-ulit.
01:54Gusto natin ng agad-agarang may makita tayong resulta. Pagpapakulong!
02:02Patikim pa lang ang mga pagkilos para sa inaabangang malaking rally sa November 30.
02:08Para sa JMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
02:14Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:17Mag-subscribe sa JMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments