Skip to playerSkip to main content
Bistado ang scam hub sa Maynila na nambibiktima umano sa social media platforms at dating apps gamit ang magagandang babae at artificial intelligence para mapaniwala ang kanilang target. Halos 40 ang arestado kabilang ang ilang Tsino.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bistado ang scam hub sa Maynila na nambibiktima umano sa social media platforms at dating apps.
00:06Gamit ang magagandang babae at artificial intelligence para mapaniwala ang kanilang target.
00:12Halos apat na po ang arestado, kabilang ang ilan Chino.
00:16Nakatutok si June Veneracion.
00:18Pagpasok sa target na kondominium unit sa Malati, Maynila,
00:29na-discovery ng anti-cybercrime group ng PNP ang isang online scam hub.
00:37Arestado roon ang siyam na foreigner, karamihan ay mga Chinese at tatlong pong Pinoy.
00:42Na-bisto ang scamming operation sa tulong ng isang impormante.
00:49Kung kailan sila nag-stop ng COGO operation, ito yung mga nag-splinter into different small groups
00:55at nagkaroon ng guerrilla-type operation.
01:00Mahigit 200 digital evidence, kabilang ang mga international SIM card, cell phone at computer,
01:05ang nakumpis ka sa operasyon.
01:07Sa mga social media platform at dating app daw, kumukuha ng target ang grupo.
01:11Karamihan sa kanilang mga pinipili ay mga foreigner.
01:14Kapag nakapili na sila ng target, gagamit naman sila ng mga nagagandahang babae
01:19para akitin ang kanilang bibiktimahin.
01:22Umaabot daw sa P100,000 kada buwan ang kita ng mga babaeng frontliner
01:26na ang trabaho ay paibigin ang kanilang mga biktima para mag-invest sa cryptocurrency.
01:32Pero ang ending ay scam pala.
01:35Gumagamit din sila ng AI para magmukhang tunay na babae ang kausap ng biktima.
01:39Yung mga mahilig doon sa mga dating sites and apps,
01:46mag-ingat-ingat ko tayo, hindi lahat na nakakausap natin doon ay totoong tao.
01:52Katulad nito na na-raid natin, pre-recorded yung video na pinapakita nila doon.
02:00Patong-patong na reklamo ang kakaharapin ng mga banyaga at pininasospect,
02:04kabilang ang paglabag sa Securities Regulation Code at SIM Registration Act.
02:08Na-comment na pa sa korte na lang po kami.
02:12Pero sabi ng mga babaeng sospect, biktima lang sila.
02:16At ang totoo, nasa P20,000 lang ang kanilang kita at hindi P100,000.
02:21Galing pa rin sila sa iba't ibang probinsya.
02:23Biktima po ng kahirapan. Kailangan po kasi ng pera.
02:27Pero alam niyo pong iligal yung pinasok niyo?
02:30Hindi po.
02:31Ano pong pagkakaalimitin sa pinasok niyo?
02:35Full center po.
02:37Patuloy ang pag-iimbestika ng ECG para matumbok at mabuhag ang iba pang natitirang scam hub.
02:43Dinala na sa Department of Justice ang mga arestado para ma-inquest.
02:46Para sa GMA Integrity News, June Veneration Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended