Skip to playerSkip to main content
Patong-patong na paglabag ang nasita ng mismong hepe ng Land Transportation Office sa driver ng SUV na gumamit ng blinker kahit bawal at wala pang plaka ang sasakyan. Nagpakilala pa umanong sundalo ang driver, pero napag-alamang may warrant of arrest pala at nahulihan ng isang replika ng baril na may mga bala.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Patong-patong na paglabag ang nasita ng mismong jepe ng Land Transportation Office
00:09sa driver ng SUV na gumamit ng blinker kahit bawal at wala pang plaka ang sasakyan.
00:16Nagpakilala paumanong sundalo ang driver pero napagalamang may warrant of arrest pala
00:22at nahulihan ng isang replica ng baril na may mga bala.
00:25Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:30Mismong si Transportation Assistant Secretary at LTO Chief Marcos Lacanilaw
00:36ang sumita sa driver ng SUV ito na gumamit ng blinker.
00:40Nakasabay ko siya sa EDSA, nagbi-blinker.
00:44Ngayon napansin namin wala din siyang plaka.
00:47Agad namin sinek yung nakakabit na temporary plate.
00:53Apparently walang record.
00:55Kaya agad nilang pinara ang sasakyan.
00:57Nagpakilala siyang sundalo, binigay niya yung ID niya at driver's license.
01:03Hindi yun ang nagbibigay ng karapatan sa kanya na gumamit ng ganyang blinker.
01:08Agad ding itinawag ng LTO sa Quezon City Police ang insidente at pinaverify ang pagkakakilala ng suspect.
01:15Noon na nalamang meron palang warrant of arrest ang suspect.
01:18Immediately yung ating mga warrant operatives na proceed sa LTO main office and doon nga po isinerve yung warrant of arrest.
01:25For violation of Section 511 ng Comprehensive Dangerous Tax of 2002.
01:31Nakuha sa sasakyan ng suspect ang isang replica ng baril na may nakasaksak umanong mga bala.
01:36May nakuha ring ID ng AFP Reserve Command.
01:39Kasulukuyang po natin biniverify, waiting for the result of our verification before the office of the Reserve Command Force ng AFP
01:47to attest kung talagang ito ay isang active member.
01:50Sa panayam namin sa suspect, hindi niya itinaging gumamit nga siya ng blinker.
01:55Bakit may labo blinker, sir?
01:58Yun po'y hindi ko naman ginagamit pag-abuso pero nagkataon lang po.
02:05Dati umano siyang reservist.
02:07Bakit po kayo mayroong replika ng 9mm at may live ammo?
02:12No comment na po ako doon, ma'am.
02:14Bukod sa kanyang mga paglabag sa LTO, sasampahan ang reklamong paglabag sa illegal possession of ammunition ang suspect.
02:21Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto 24 Horas.
Comments

Recommended