Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay ang isang guro sa matalong late matapos barilin ng kanyang sariling mister.
00:16Cecil, ang motibo sa krimen?
00:20Rafi, problema raw sa pamilya ang tinitingnan ng pulisyan na motibo sa krimen.
00:25Batay sa ilistigasyon, nagpanggap na delivery rider ang sospek na pumasok sa paaralan.
00:31Pinuntahan niya ang biktima at base sa pahayag ng ilang guro, nagtalong ang dalawa.
00:36Tumakbo ang biktima sa isang classroom at humingi ng tulong.
00:40Doon na siya binaril ng mister.
00:42Walang ibang nasugatan sa insidente.
00:44Napagalaman din ng mga otoridad na walang gwardya ang nasabing paaralan.
00:49Ayon sa pulisya, nagsampah ng reklamo noon ang biktima laban sa sospek
00:53dahil umano sa pang-aabuso nito ilang buwan bago ang krimen.
00:57Ang sospek, tumakas matapos ang pamamaril at natagpuang wala ng buhay sa banyo ng kanilang bahay.
01:04Isang armas din ang narecover sa lugar.
01:07Dahil sa insidente nitong umaga ng Merkules,
01:09kansilado hanggang kahapon ang klase sa paaralan.
01:12Nananawagan naman ang pulisya sa DepEd na higpitan ang siguridad sa paaralan.
01:17Batay sa inilabas na pahayag ng DepEd Schools Division of Leyte,
01:20ipapatupad ang enhanced security measures sa nasabing paaralan
01:24sa pag-asang maiwasang maulit ang insidente.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended