Skip to playerSkip to main content
Bukod sa Bagyong #SalomePH na humina na bilang low pressurea area, nagdulot din ng masamang panahon ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ. Nagpabaha ‘yan sa ilang lugar sa Mindanao kaya maraming inilikas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa Bagyong Salome na humina na bilang low pressure area,
00:04nagdulot din ng masamang panahon ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
00:10Nagpabahayan sa ilang lugar sa Mindanao kaya maraming inilikas.
00:14At nakatutok si Tina Panginiban Perez.
00:19Ramdam ang malakas na hangin na sinabayan ng pagulan sa probinsya ng Batanes ngayong araw.
00:26Malakas din ang hampas na mga alon.
00:30Bago humina at maging low pressure area,
00:33kabilang ang lalawigan sa isinailalim ng pag-asal sa Signal No. 1 dahil sa Bagyong Salome.
00:39Mahigit isanda ang pasahero naman ang apektado matapos makansela ang ilang flights.
00:50May at maya ang sigaw at paghingi ng tulong ng isang residente ng Alamada, Cotabato
00:56nang makitang halos tangayin ang rumaragasan tubig ang isang motorista habang tumatawid sa overflow bridge.
01:04Mabuti na lang at may nakaresponde agad para tulungan ang lalaki.
01:08Pero sa lakas ng ragasa, tila nakabitaw ang rider.
01:16Agad din naman siyang nasagip.
01:19Ilang sandali lang.
01:21Isa pang motor ang tila hindi na rin makadaan.
01:24Pero tinulungan din ang ilang residente.
01:26Ligtas ang parehong rider.
01:30Umapaw rin ang ilog sa barangay Upper Bulanan sa bayan ng Midsayap.
01:36Ayon sa pag-asa, ang masamang panahon sa Mindanao ay dulot ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
01:45Nararasan din yan sa Coronadal City kung saan bumuhos ang malakas na ulan.
01:51Nagmistulang ilog tuloy ang ilang kalsada.
01:56Sa barangay Kakub, umapaw sa tulay ang tubig mula sa sapa at rumagasa sa kalsada.
02:03Pinasok din ang tubig ang ilang bahay.
02:06Ayon sa CDRRM o Coronadal, tinatayang aabot sa mahigit isandaang individual ang inilikas.
02:13Wala namang naitalang nasaktan.
02:15Actually, yun ang mga apektadong mga pamilya.
02:19Yun yung mga tumitira malapit sa riverside, creek side ng major waterways natin dito sa City of Coronadal.
02:29Tumaas din ang level at lumakas ang agos ng dam sa boundary ng barangay Topland at barangay Magsaysay.
02:36Sinubukan pa rin tawiri ng ilang motorista ang binahang kalsadang yan sa Malabagan, Lanao del Sur.
02:45Pero ang ibang bahagi ng bayan, tuluyan ang hindi nadaanan ang mga sasakyan dahil sa pagtaas ng tubig.
02:52Sa Sultan Kudarat naman, tuluyan ang nalubog sa baha ang mga kalsada sa Takurong City, kasunod ng malakas na buhos ng ulan.
03:02Umasok talaga yung tubig sa mga establishments.
03:06Sa lawak ng baha, inabot at pinasok din ang tubig ang ilang gusaling malapit sa kalsada.
03:14Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok 24 Horas.
03:22Outro
Be the first to comment
Add your comment

Recommended