Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Patuloy ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan sa Hilagang Luzon
00:03sa posibleng efekto ng bagyong salome.
00:06Sa Mindanao naman, na hindi apektado ng bagyo,
00:08bumaha sa iba't ibang bayan at lungsod dahil sa malakas na ulan.
00:13Darito ang unang balita.
00:20Sa gitna ng rumaragasang baha sa barangay Paruwayan sa Alamada, Cotabato,
00:24dalawang motorcycle rider ang halos tangay na ng tubig.
00:28Tinawid ng dalawang overflow bridge sa Sityo Campo Uno
00:31pero nahirapan silang makadaan dahil sa lakas ng agos ng tubig.
00:35Maya-mayapay natumba ang motor ng isa sa kanila.
00:38Pinilit itong itayo ng lalaking rider pero pahirapan dahil sa pagragasan ng baha.
00:43Gamit ang lubid, tinulungan sila ng ilang residente at sundalo para makaahon.
00:48Umapaw naman ang isang sapa sa Coronadal City sa South Cotabato
00:51dahil sa matinding pagulan.
00:53Dahil dyan, bumaha sa ilang barangay sa lungsod.
00:56Pinasok pa ng tubig ang ilang bahay.
00:59Sa bayan ng tantangan, isinara ang ilang bahagi ng kalsada dahil sa baha.
01:03May ilang lane na pinapayagang madaanan ng mga motorista
01:05pero mabagal ang dalawin ng trapiko dahil sa tubig.
01:08Tumulong ang ilang kawarin ng Municipal Disaster Risk Redaction and Management Office
01:12at Traffic Section sa pagmamando ng trapiko.
01:16Halos ganyan din ang naranasan sa Takurong Sultan Kudarat.
01:19Lampas gater ang baha kaya mabagal ang takbo ng mga sasakyan.
01:24Hindi naman madaanan ng ilang kalsada sa Balabagan, Lanao del Sur dahil din sa baha.
01:29Ayon sa pag-asa, Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang nagpaulan sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
01:36Sa Hilagang Luzon naman ay inaasang tutubokin ang bagyong sa lumi patuloy ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan.
01:42Sa Pagudpun, Ilocos Norte, nakaalerto na ang lokal na pamahalaan para sa epekto ng bagyo.
01:47Pinayuhan ng mga residenteng huwag munang pumunta sa dagat.
01:51Pinag-iingat din ang mga nakatira sa mga coastal area sa bayan ng Burgos.
01:54Nakahanda na roon ang mga rescue equipment sakaling kailanganin.
01:58Tiniyak naman ang Department of Social Welfare and Development na may nakahanda silang
02:01halos dalawang milyong kahon ang family food packs na ipamawahagi sa maapektuhan ng bagyong sa lumi.
02:08Ito ang una balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:12Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba't ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended