00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay ang isang barangay kagawad sa San Nicolás, Ilocos Norte at kanyang kinakasama matapos pagbabarilin ng riding in tandem.
00:18Chris, nahuli ba yung mga suspect?
00:22Connie, naaresto ang isa sa mga suspect sa follow-up operation matapos ituro ng isang saksi.
00:28Patay sa investigasyon, kumakain sa veranda ng kanilang bahay ang mga biktima
00:32nang dumating ang mga sospek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril sila.
00:37Dead on the spot ang barangay kagawad, habang sa ospital naman binawian ang buhay ang kinakasama.
00:42Tumanggi magbigay na pahayag sa media ang nahuling sospek na isang pulis.
00:47Pero ayon sa pulisya, itinanggi niya ang paratang.
00:50Tinutugis pa ang isa pang sospek.
00:52Ayon sa magulang ng babaeng biktima, dating kasintahan ng anak nila ang nahuling sospek.
00:58Maharap sa reklamong double murder ang sospek.
Comments