00:00Pulli cam sa Marikina ang pagdanakaw sa isang closed van.
00:04Libo-libong pisong halaga ng cash, mga ATM card at wallet ang natangay.
00:09Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:13Sa kuha ng CCTV sa barangay Marikina Heights sa Marikina City nitong Biernes,
00:19kita ang magkaangkas na dumaan sa kalsada.
00:22Lumingon sila sa nakaparad ng closed van at dumiretso ng takbo.
00:26Makalipas lang ang ilang segundo, kitang bumalik at nasa kabilang lane na ang mga nakamotorsiklo.
00:32Maya-maya pa, isang lalaki ang naglalakad pa palapit sa nakaparad ng closed van na tila nagmamanman.
00:40Sa isa pang kuha ng CCTV, kita ang ilang lalaki nagbababa ng mga gamit mula sa closed van.
00:46Tila sinamantala ito ng isa sa mga salarin na binuksan ang pintuan ng passenger seat ng sasakyan at mabilisang tinangay ang mga bag.
00:55Tumakbo siya at umangkas sa naghihintay niyang kasamang nakamotor.
01:00Kwento ng mag-amang biktima, nagbababa sila ng kanilang lights and sounds equipment para sa nakabuk nilang event nang mangyari ang insidente.
01:08Ilang bags, wallet, ATM cards at nasa 20,000 pesos na cash ang natangay raw mula sa mga biktima.
01:15Mag-setup kami ng sound system. Habang yung staff ko, naghahakot. Kami naman, nandun din nakatingin sa likod ng gamit.
01:27At yun po, hindi namin naman layan ang bilis ng pangyayari.
01:31Kasama ko po yung papa ko. Umakit po kami ng dalawa sa venue na paggaganap pa nung event.
01:39Tapos nagpaalam mga sa kanya, kukunin ko yung bag ko.
01:43Kaya yun, nung pagbaba ko po, napansin ko doon sa harap ng truck, wala na po yung bag namin dalawa.
01:49Iniimbestigahan pa ng polisya ang nangyari. Naireport din ito sa barangay.
01:54Tinutugis pa ang mga salarin na posibling maharap sa reklamong theft.
01:57Asang ngayon po, hindi pa natutukoy ng ating mga otredad yung pagkikilanlan doon sa dalawang suspect.
02:06Naka-helmet at yung nyalagay sa muka, matalangang nakalabas.
02:14Tuloy-tuloy ang pakipagtulungan ng barangay tanod at yung kapulisan para makita at mapanagot itong mga...
02:27mga suspect na ito.
02:29EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments