Skip to playerSkip to main content
Disgrasyang dahil sa init ng ulo? Ginitgit daw ang isang UV express sa Commonwealth Avenue, Quezon City kaya nanagasa ito ng iba pang sasakyan! Isa ang nasawi at tatlo ang sugatan. Sensitibo po ang video sa report na ito ni Sandra Aguinaldo.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

ЁЯЧЮ
News
Transcript
00:00Disgrasyang dahil sa init ng ulo,
00:03ginikit daw ang isang UV Express sa Commonwealth Avenue, Quezon City,
00:09kaya nanagasa ito ng iba pang sasakyan.
00:11Isa ang nasawi at tatlo ang naospital.
00:14Sensitivo po ang video sa report na ito ni Sandra Aguinaldo.
00:23Daig pa ang eksena sa pelikula ng nasaksiyang disgrasya sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
00:30Sinuyod ng humaharurot na UV Express ang ilang motorsiklo.
00:35Umarangkada pa rin ang UV Express.
00:38Kahit ginit-git at hinarangan pa ng truck,
00:41sige pa rin ito sa andar hanggang sa kumaliwa sa U-turn slot.
00:46Ang mga inararong motorsiklo na iwang sira-sira.
00:50Ayon sa hepe ng Traffic Enforcement Unit,
00:52isa ang napaulat na namatay at tatlo ang sugata na nasa ospital.
00:57Pusible pa raw tumaas ang bilang na yan.
01:00Na-aresto na ang driver ng UV Express.
01:02Dinala siya sa Sector 5 ng QCPD Traffic Enforcement Unit.
01:07Ayon sa suspect,
01:08uminit ang ulo niya dahil meron daw nakagit-gitan
01:11bagamat tinaraw niya matandaan.
01:13Negatibo sa alkohol ang suspect.
01:33Sunod naman siyang ida-drug test.
01:35Nasa QCPD Traffic Enforcement Unit ng Sector 5 din,
01:39ang kanyang minanehong UV Express.
01:42Sira ang harapan sa bugang gulong.
01:45Labindalawang motorsiklo at dalawang kotse ang sinagasaan.
01:48Ang ilang biktimang motorista dumagsa sa presinto.
01:52Habang nagdadrive ako sa kabaan ng Commonwealth.
01:57Yun, hindi ko napakansin.
02:00Basta may bumanggalan sa likod ko.
02:01Itong motor ko tumilapon, masama na ako doon.
02:05Nung masusukol na siya nung truck,
02:08yung mga pahinante ng truck bumaba para batuin siya.
02:11Kung matras siya, ako po yung naatrasan.
02:13Sa video na po, ayun na po yung pangalawang beses na bumalik siya.
02:16Yung nadamay na po yung mga rider.
02:17Sa Baguio City, isang minivan na aksidenteng bumangga sa pader
02:23ang nagdulot ng karambola sa Legarda Road.
02:26Tumama ito sa isang motorsiklo at isang MPV.
02:30Ang MPV, nabangga sa pick-up na tumama sa isa pang MPV.
02:35Pito ang sugata na dinala sa ospital.
02:37Kabilang ang driver ng minivan at isang pedestrian.
02:41Ayon sa pulis siya,
02:42nawala ng kontrol sa minivan ang driver nitong isang babaeng 83 taong gulang.
02:48Wala pa siyang pahayag.
02:50Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended