- 5 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Binuntutan ang helicopter ng China, ang aeroplano ng Philippine Coast Guard na nagpatrolya sa Bajo de Masinlok.
00:08May namataan ding mga warship ng China na tila nagsasagawa ng military drills.
00:13Nakatutok si Chino Gaston.
00:18Unang tumambad sa Maritime Domain Awareness Flight ng Philippine Coast Guard ang Chinese Plan Warship 552
00:23na kasama sa mga kalahok sa military drills malapit sa Bajo de Masinlok.
00:27Agad nagpalipad ito ng helicopter para buntutan ang aming aeroplano.
00:37Umabot sa 300 hanggang 500 meters ang layo ng helicopter na paikot-ikot sa baba at likuran ng sinasakyan naming TCG aircraft.
00:47Sa labas ng Bajo de Masinlok, tanaw ang mga nagkukumpulang China Coast Guard at Plan Warships pati na mga Chinese fishing militia.
00:55Isang Chinese Coast Guard vessel ang makikitang nakadikit sa military warship na tila ba naglirisupply.
01:04Taloob ng lagoon ng Bahura, isang Chinese fishing militia vessel ang nakadaong.
01:09Ilang kilometro mula sa Bajo de Masinlok, sari-saring warship ng China naman, ang nagsasagawa ng tila isang naval exercise.
01:15Matapos i-annunsyo ng China kahapon, agad nagpalipad ang Philippine Coast Guard ng isang aeroplano para tingnan ang sinasabing military drills na ginagawa ng China malapit sa baho de Masinlok.
01:28Nangyari ang Chinese drills ilang araw matapos ang sunod-sunod na pagpapalipad ng PCG ng aeroplano sa Bahura para investigahan ng mga estrukturang kalaunay na pag-alamang nilagay doon ng Philippine Navy noong dekada 90.
01:40Ayon sa Philippine Coast Guard,
01:42I don't think that this kind of illegal declaration or even illegal conduct of military exercises will be able to deter and stop the Philippine government in supporting the livelihood of the Filipino fishermen.
01:56Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
02:01Pinumusta ni Pangulong Bongbong Marcos ang kondisyon ng mga pamilyang apektado ng lindol sa San Ramiho at Bogos City sa Cebu.
02:07Nagsimula na rin ang pag-aabot ng tulong ng Department of Social Welfare and Development at Department of Human Settlements and Urban Development.
02:16Nakatutok si Fe Marie Dumabo ng GMA Regional TV.
02:19Ito ang tinaguri ang Bayanihan Village na itinayo sa San Ramiho, Cebu matapos ang Magnitude 6.9 na lindol noong September 30.
02:31Ayon sa DSWD, mayroon ditong dalawang daang tents.
02:35Mayroon ding limampung modular shelter units o smart houses na itinayo sa pangunguna ng Department of Human Settlements and Urban Development o DSUD.
02:44Bumisita dyan kanina si Pangulong Marcos, kasama ang mga kalihim ng DPWH, DSUD at DSWD, pati ang Philippine Red Cross.
02:55Dalawang daan at limampung pamilyang na apektuhan ng lindol ang nanatili roon sa ngayon.
03:00Sa loob ng mga tent at modular house, may mga kama at iba pang gamit.
03:04Sabi ng DSWD, mayroong child at women-friendly spaces para sa pag-aaral, paglalaro at pahingahan ng mga bata at kababaihan.
03:14Ang commitment po ng DSUD is only the house.
03:18Pero sa loob ng bahay po, may kuryente, may outlet na pwede mag-charge.
03:24Ang nakikita niyo gamit dyan, donations po yan.
03:28Whether you live in a family tent or a smart home that DSWD built, the important thing is yung pangako ng ating Pangulo, yung utos ng ating Pangulo nangyari.
03:36Di man, natandaan niyo, noong day one na nandito siya, sabi niya, kailangan magtayo tayo ng tent city.
03:41So we now have five tent cities.
03:42Ayon sa Presidential Communications Office, kumpleto ang village, sa amenities at pangangailangan ng mga naroon, tulad ng pagkain, water at sanitation facilities, at wellness services tulad ng mental health and psychological support.
03:59May mga lugar sa San Rimejio na itinakda ng LGU bilang no-build zone.
04:03On the no-build zone, natutupin ang palay, bitaw na tayo ng mga sinkholes, nakukay cracks tungkol sa, biya ang i-reviewed na, nakukay mga cracks, niya ang i-reviewed na mga palay.
04:16Hindi naman gilang kapwyan ng inang mga palay.
04:19Kanya, karenako, ang inang mga palay ay no-build zones.
04:23Kunti no-build zones man, it's going to take us longer to relocate and build houses for them.
04:32Nag-ikot din ang Pangulo sa Tent City sa Lungsod ng Bugo.
04:35Maayos lahat ng tao na naging biktima ay meron ng sinisilungan, meron silang kinakail,
04:41meron silang kinukuha na ng tubig, meron silang ginagamit na toilet facilities na maayos,
04:46at lahat pa ang pangangailangan going forward.
04:51Ayon sa Pangulo, nagsimula ng namigay ng cash assistance sa DSWD
04:55at ng construction materials sa DSWD sa mga pamilya na epektuhan ng lindol sa San Romeo at Bugo City.
05:02Bumisita rin si Pangulong Marco sa Cebu Provincial Hospital sa Bugo.
05:07Para sa GME Regional TV at GME Integrated News,
05:11Femarie Dumabok, nakatutok 24 oras.
05:19Makakapuso, unti-unti nang lumalapit sa kalupaan ang Bagyong Ramil.
05:23Ang latest sa bagyo, iakatid ni Amor La Rosa ng GME Integrated News Weather Center.
05:31Salamat Emil mga kapuso.
05:33Ngayong weekend, posibleng tumama at tumawid sa lupa ang Bagyong Ramil.
05:37Ngayon palang maraming lugar na po ang isinailalim ng pag-asa sa wind signal.
05:41Nakataas ang signal number 1 sa southeastern portion ng Isabela,
05:45eastern and southern portions ng Quirino,
05:47southeastern portion ng Nueva Vizcaya, Aurora,
05:49eastern portion ng Nueva Ecija at eastern portion ng Bulacana.
05:54Signal number 1 din dyan po sa northern at pati na rin po sa eastern portions ng Quezon,
05:58kasama po ang Pulillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sura,
06:02Catanduanes, Albayos, Sorsogon, Burias at pati na rin ang Tikau Islands.
06:07Visayas naman, kasama rin ang northern summer,
06:10northern portion ng eastern summer at pati na rin ang northern portion ng summer.
06:14So signal number 1 din po dyan.
06:16At mga kapuso, posible po po madigdagan yung mga lugar na nasa ilalim ng wind signals
06:20sa mga susunod na araw.
06:22Kaya tutok lang po sa updates at pwede rin po yung umakyag pa hanggang signal number 2
06:26or signal number 3 lalo na kung lumakas pa ang Bagyong Ramil hanggang sa severe tropical storm.
06:32Huling nakita ang sentro ng Bagyong Ramil, 640 kilometers,
06:36sa silangan po yan ng Huban, Sorsogon.
06:38Tagla ito ang lakas ng hangi nga abot sa 55 kilometers per hour
06:42at yung bugso naman, nasa 70 kilometers per hour.
06:45Ito po ay kumikilos pa west-southwest sa bilis naman na 25 kilometers per hour.
06:51Ayon po sa pag-asa, magtutuloy-tuloy ang pagkilos itong Bagyong Ramil
06:55yan po ay pakanluran sa mga susunod na oras.
06:58Pero unti-unti po itong aangat ng bahagya patungo dito sa may southern or central Luzon area.
07:04Pusible itong mag-landfall dito yan sa Catanduanes bukas po ng hapon
07:09at maaaring dumaan malapit o di kaya naman,
07:11ito mawed mismo dito sa mainland Bicol Region.
07:15Sunod naman itong tutumbukin, ito pong probinsya ng Quezon
07:18o kaya naman itong bahagi ng Aurora,
07:20kung saan ito po sibling magkaroon ng isa pang landfall sa linggo ng umaga.
07:25Pero sa tinatawag po natin na cone of probability,
07:28ito po yung may highlight sa ating mapa.
07:30Yung mga lugar na sako po niyan ay dapat din maghanda
07:33dahil ito yung mga lugar na pwede rin daanan ng bagyo
07:36sakaling magbago po yung paggalaw nitong Bagyong Ramil,
07:39kung yan po ay mas umangat o di kaya naman po ay mas bumaba pa yung track
07:43o yung movement.
07:44Kaya patuloy po kayong tumutok sa updates.
07:47Pagkatapos ng mga posibleng landfall,
07:49tatawin rin naman itong Bagyong Ramil.
07:50Ito pong northern or central Luzon
07:52hanggang makarating na dito sa may West Philippine Sea.
07:56Lunas ng umaga o hapon ay posibleng nasa labas na po yan
07:59ng Philippine Area of Responsibility.
08:02Buko dito sa Bagyong Ramil,
08:04posibleng magdala ng mga pag-ulan ng Easter Lease
08:06at ganun din ang localized thunderstorms
08:09sa ilang bahagi ng ating bansa ngayong weekend.
08:12Base po sa datos ng Metro Weather,
08:14umaga bukas may mga pag-ulan na
08:16dito yan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas,
08:19Bicol Region, Quezon Province,
08:20pati na rin dito sa May Cagayan at Isabela.
08:23May mga kalat-kalat na ulan din dito yan sa ilang bahagi po
08:26ng Mimaropa, Extreme Northern Luzon
08:29at ilang bahagi po ng Western Visayas at ng Mindanao.
08:32Sabado ng hapon,
08:33kitang kita po dito sa ating mapa
08:35na talaga po nagkukulay po yan.
08:37So yan po, posibleng pong ulanin
08:38ang halos buong bansa.
08:40Nakikita po natin may mga malalakas na pag-ulan
08:42dito sa Northern at pati na rin sa Central Luzon
08:45gaya na rin dito sa May Cagayan,
08:47Isabela, Quirino, Aurora, Calabarzon,
08:50Mimaropa at ganun din dito sa Bicol Region.
08:53Malaking bahagi din po ng Visayas at ng Mindanao
08:55ang makakaranas na mga pag-ulan.
08:57Meron pong heavy to intense na ulan
08:59dito yan sa Western Visayas,
09:01Summer Provinces,
09:03Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula
09:05at pati na rin sa Caraga Region.
09:07Pagsapit po ng linggo ng umaga
09:09na sa Luzon pa rin yung pinakamaraming mga pag-ulan.
09:12So dito na po concentrated
09:13yung heavy rainfall natin
09:14at may mga intense to torrential rains din
09:17kaya maging alerto po sa banta
09:19ng Baha o Landslide.
09:21Linggo ng hapon,
09:22magtutuloy-tuloy po ang maulang panahon
09:23dito po yan sa Luzon.
09:25At inaasahan po natin
09:26meron din mga kalat-kalat na ulan
09:27dito sa ilang bahagi
09:29ng Visayas at ng Mindanao.
09:31At aunti-unti naman po
09:32mababawasan yung mga pag-ulan
09:34paglalim po yan ang gabi
09:35maliban pa rin dyan po
09:37sa may Northern
09:37at pati na rin sa Central Luzon.
09:40Dito naman sa Metro Manila,
09:41bukas po ng tanghali o hapon
09:43posibleng magsimula na
09:45yung malawakang mga pag-ulan.
09:47So maraming lungsod po
09:48makakaranas niyan
09:48at posibleng magtuloy-tuloy na yan
09:51hanggang sa linggo.
09:52Kaya mga kapuso, dobling ingat.
09:54Yan muna ang latest sa ating panahon.
09:56Ako po si Amor La Rosa
09:57para sa GMA Integrated News Weather Center
10:00maasahan anuman ang panahon.
10:06Mga kapuso,
10:08may maagang pamasko sa inyo
10:09dahil nagbabalik ang
10:11proof of purchase promo ng GMA
10:13ang Kapuso Big Time Panalo Season 4.
10:16Are over 7 million pesos
10:23ang ipamimigay?
10:25Bukod sa daily at weekly cash prizes,
10:28pwede rin mapasainyo
10:29ang pangkabuhayan package
10:30worth 50,000 pesos.
10:33Sa Grand Draw,
10:34may four lucky kapuso
10:35na maaaring manalo
10:36ng tig 1 million pesos.
10:39Bumili lang ng mga produkto
10:40ng participating brands,
10:42ilagay ang proof of purchase
10:43sa sobre kasama ng inyong detalye
10:45at ihulog sa mahigit
10:47700 drop boxes nationwide.
10:50Magsisimula ang pagtanggap
10:52sa entries bukas,
10:53October 18,
10:54at magtatagal hanggang
10:55December 26.
10:57Abangan din at pakinggan
10:59ang jingle ng network promo
11:00na inawit ng The Clash
11:022025 big winner
11:04na si John Madaliday.
11:05Paalala mga kapuso,
11:07mag-ingat sa fake news,
11:09fake Facebook accounts
11:10o scam texts.
11:12Tutok lang sa GMA
11:13at official social media pages
11:15para sa announcements
11:16at Complete Mechanics.
11:18Isa ang patay
11:19sa pag-araro
11:20ng UV Express
11:21sa labing dalawang motorsiklo
11:23at dalawang kotse
11:24sa Commonwealth Avenue
11:25sa Quezon City.
11:27Hindi huminto
11:28sa pagmamaneho
11:29palayo ang driver
11:30na uminit-umano ang ulo
11:31dahil may nakagit-gitan.
11:34Iniimbestigahan na
11:35ng LTO
11:36ang disgrasya.
11:37At nakatutok
11:38si Sandra Aguinaldo.
11:39Naging bala mga motoristang ito
11:46nang makita ang pag-araro
11:48ng isang UV Express
11:49sa ilang motorcycle riders
11:51sa Commonwealth Avenue.
11:54Pero ang UV Express
11:56nagtuloy-tuloy lang
11:57at muntik pang mabangga
11:59matapos harangin
12:00ng isang truck.
12:01Pero nakaalpas pa rin ito
12:11at kumaliwa
12:12sa U-turn slot.
12:17Matapos ang insidente
12:18ang mga inararong motor
12:20makikitang nagkalat
12:22sa tabing kalsada.
12:28Ang suspect
12:29na aresto rin kalaunan
12:31at dinala sa Sector 5
12:33ng QCPD Traffic Enforcement Unit.
12:36Doon nagtipon rin
12:37ang ilang sa kanyang
12:37mga inararong rider.
12:39Pati driver
12:40ng isang kotse
12:41na malaki ang sira
12:42matapos atrasan-umano
12:43ng UV Express
12:44habang tumatakas ito.
12:46Ang UV Express
12:47ganito naman ang sinapit
12:49matapos ang pag-aararo
12:51sa iba't ibang bahagi
12:51ng Commonwealth Avenue.
12:53Base sa paon
12:54ng investigasyon,
12:55labing dalawang motor
12:57at dalawang kotse
12:58ang tinamaan
12:58ng UV Express.
12:59Ayon kay Police
13:01Lieutenant Colonel
13:02Joseph Lim,
13:03hepe ng Traffic Enforcement Unit,
13:05isa ang napaulat
13:06na namatay
13:06habang tatlo naman
13:08ang sugatan
13:08na nasa ospital.
13:09Pero posible pang
13:10tumaas ang bilang na yan
13:11habang pumapasok pa
13:13ang ibang impormasyon.
13:15Nagsidating nga
13:15ang ila sa mga kaanak
13:17ng mga biktiba
13:17at maging
13:18ang ilang sugatan
13:19sa pangyayari.
13:20Habang nagdadrive ako
13:22sa kabaan
13:24ng Commonwealth.
13:26Yun,
13:27hindi ko napakansin
13:28basta may bumanggalan
13:29sa likod ko.
13:30Yung motor ko
13:31tumilapon,
13:32masama na ako doon.
13:33Nung masusukol na siya
13:35nung truck,
13:37yung mga pahinaantay
13:38ng truck bumaba
13:38para batuin siya.
13:39Kumatras siya,
13:40ako po yung naatrasan.
13:41Sa video na po,
13:42ayon na po yung
13:43pangalawang beses
13:43na bumalik siya,
13:44yung nadamay na po
13:45yung mga rider.
13:45Ayon sa suspect,
13:47may nakagit-gitan siya
13:49sa kalsada
13:49dahilan para
13:50mag-init
13:51ang ulo niya.
14:15May nakagit-gitan kayo
14:17sino doon?
14:17Marami.
14:19Isa sa ilalim
14:20sa drug test
14:21ang suspect
14:21pero negatibo
14:22raw ito
14:23sa alkohol.
14:24Para sa GMA
14:25Integrated News,
14:26Sandra Aguinaldo
14:27nakatutok 24 oras.
14:30Bagaman sunod-sunod
14:31ang malalakas
14:31na lindola sa bansa,
14:33iginit ng FIVOX
14:33na dati nang
14:34may araw-araw
14:35na pagyanig sa Pilipinas.
14:37Bagaman,
14:37hindi kasing lakas.
14:39Nasa Pacific Ring of Fire
14:40kasi ang bansa.
14:41Kaya dapat
14:42laging alisto
14:43ang lahat.
14:44Nakatutok si Ivan
14:45Mayrila.
14:51Magnitude 6.9
14:53na lindol sa Cebu
14:53noong huling araw
14:54ng Setiembre.
14:59Higitin sa linggulang
15:00makalipas,
15:01sinundan niya
15:01ng magnitude
15:024.4 na lindol
15:03sa La Union
15:04na naramdaman
15:05hanggang sa Baguio
15:06nito October 9.
15:13Kinabukasan,
15:14pambihirang
15:15Doblet Earthquake
15:16o magkasunod
15:17na magnitude
15:177.4
15:18at magnitude
15:196.8
15:20na pagyanig
15:20naman
15:20ang tumama
15:21sa Davao Oriental
15:22na yumanig din
15:24sa iba pang bahagi
15:25ng Mindanao.
15:26At kayo araw,
15:34magnitude 6
15:35sa lindol
15:35naman
15:35sa Surigao
15:36del Norte.
15:40Simula
15:40nung lindol
15:41sa Cebu
15:41noong
15:41September 30
15:42hanggang kanina
15:43na kalas 4
15:43yung medya
15:44ng hapon.
15:45Halos
15:45130 na lindol
15:47na may magnitude
15:474 pataas
15:48ang naitala.
15:4918 naman
15:50ng lindol
15:50na may magnitude
15:515 pataas.
15:53Dahil magkakasunod
15:53ang malalakas
15:54sa lindol
15:54sa loob
15:55lamang
15:55na mahigit
15:55dalawang linggo.
15:56Tinanong namin
15:57ng FIVOX
15:58kung normal pa ba
15:59ito.
15:59Nagkataon lang talaga
16:00na may ganong
16:02mga lindol.
16:03In fact,
16:03hindi naman
16:03first time
16:04dito sa Pilipinas
16:05na ganyan yung
16:06nangyari
16:06na may sunod-sunod
16:07na mga lindol.
16:08Sabi ng FIVOX
16:09na nakakarana
16:10sa Pilipinas
16:10ang average
16:11na 30 lindol
16:12sa loob
16:12ng isang araw.
16:13Karamihan dito
16:14hindi nararamdaman
16:15liba na lang
16:16ng kanilang
16:17mga sensitibong
16:17instrumento.
16:19Ngayong araw
16:19halimbawa,
16:20mahigit
16:20170 na lindol
16:22na ang naitala
16:22ng FIVOX
16:23hanggang
16:24alas 4.30
16:24ng hapon kanina.
16:26Sa intensity 5,
16:27malakas po
16:27ang pagyanig na yan.
16:30Nararamdaman na yan
16:30halos ng lahat
16:31ng tao
16:31sa loob
16:32o labas
16:32ng gusali.
16:33Hindi na raw
16:34yung katakataka
16:34dahil natatagpuan
16:38ang mga pinakaaktibong
16:40bulkan
16:40at fault line
16:41sa buong mundo.
16:42Ang magkakasunod
16:43ng malakas na lindol
16:44naranasan na rin daw
16:45noong 2019.
16:46April 2019
16:47kung naalala natin
16:48April may isang
16:50balis earthquake tayo
16:51tapos ilang araw
16:52sumunod naman yung
16:52eastern summer
16:53ilang araw
16:54general luna rin yun
16:55tapos also
16:57in October 2019
16:58sunod-sunod yung
16:59malakas na lindol
17:00sa Cotabato
17:01at saka sa
17:01Dabao del Sur.
17:03Ang tiyak
17:03ayon sa FIVOX
17:04masusunod pa
17:05na mga aftershocks
17:06ang naging pagyanig
17:07sa General Luna
17:08kaninang umaga
17:09pero sa kung
17:10susunod na bang
17:11yayanigin
17:12ang inyong lugar
17:12wala ba kapagsasabi niyan
17:14na para bang forecast
17:15sa isang bagyo
17:16kaya ang pinakamainam
17:17laging maghanda.
17:19Sa kita ng patuloy
17:20na pagsiguro
17:21sa kaligtasan
17:22ng mga istruktura
17:22sakaling tumamang
17:23malakas na lindol
17:24na angamba
17:25ang Interior
17:26and Local Government
17:27Department
17:27para sa mga
17:28informal settler families
17:29dahil hindi dumaan
17:30sa anumang inspeksyon
17:31ng mga lokal
17:32na pamahalaan
17:33ang kanilang mga tirahan.
17:34If you do have
17:35the big one
17:36the
17:37most of the
17:39casualties
17:40will come from
17:40the ISFs
17:41because they use
17:43none of their buildings
17:44were constructed
17:45with the municipal permits
17:47and they cook
17:48with kerosene
17:50and with other
17:52non-regulated
17:54cooking
17:55implements
17:57and that
17:58is the major
17:59cause of fires
18:00and that will be
18:01the major cause
18:02of destructive
18:03damage.
18:05Para sa GMA Integrated News
18:06Ivan Mayrina
18:07nakatutok
18:0824 oras.
18:15Walang bitawan
18:16sa protesta
18:17kada biyernes
18:18ang ilang grupong
18:19nananawagan
18:20sa pagpapanagot
18:21sa mga tiwali
18:22kaugnay
18:23ng mga flood control project.
18:25May mga nag-ingay
18:26at nag-marcha
18:27meron sa Mendiola
18:29at sa EDSA
18:29at mula sa EDSA Shrine
18:31nakatutok live
18:32si JP Suryano.
18:35JP
18:35Vicky at dito nga
18:39si EDSA Shrine
18:40tuwing biyernes
18:40na raw magtitipon-tipong
18:41ang iba't ibang grupo
18:43para nga ipanawagan
18:44at kundinahin
18:45ang malawakang korupsyon
18:46sa gobyerno
18:47at ang panawagan nila
18:48Vicky
18:48hindi na lamang
18:49simpleng investigasyon
18:50dapat daw merong managot
18:51dapat makulong
18:52merong makulong
18:53at dapat din daw bukas
18:54sa publiko
18:55ang ginagawang
18:55o gagawing pagbalangkas
18:57sa budget
18:57ng Pilipinas.
18:58Nag-noise barrage
19:06ang grupong at bayan
19:08at tindig Pilipinas
19:09kaninang umaga
19:09sa isang bahagi
19:10ng EDSA at Kamyas
19:11sa Quezon City
19:12bilang pagkondena
19:14sa nadeskubring
19:15anomalya
19:15sa mga flood control
19:16projects.
19:21Hinikayat din
19:21ang mga dumaraang
19:22motoristang
19:23bumusina
19:23bilang pakikiisa
19:25sa pagkondena
19:25sa malawakang korupsyon.
19:28Habang naka-stoplight
19:29kinabita ng White Tribune
19:30ang ilang motorista
19:31na bahagi ng
19:32White Tribune protest
19:34na gagawin daw
19:35tuwing biyernes.
19:36Okay daw
19:37ang ginagawang
19:38investigasyon
19:38pero
19:39huwag nabihayahan
19:41na maging
19:43investigation lang
19:45ito
19:46ay dapat
19:47may managot.
19:49Hindi raw
19:49sapat
19:50na mga
19:50kung ilalabas
19:51lang
19:51ang mga
19:52salen
19:52ng mga
19:53politiko
19:53dapat ipasa
19:54ang Open
19:55BICAM Bill
19:56o yung
19:57pagkasapubliko
19:58ng Bicameral
19:58Conference Committee
19:59sa tuwing
20:00pinag-uusapan
20:01ang pagbuo
20:02ng budget
20:03ng Pilipinas.
20:04Dahil po
20:04madalas
20:05ang insertions
20:06at ang amendments
20:07po ay nangyayari
20:08sa BICAM.
20:09Kaya kailangan po
20:11talagang bantayan
20:12ng taong bayan
20:13ang pag-insert
20:13ng pondo
20:14ng mga
20:16kongresisto
20:17o mga public officials
20:18na ito
20:19sa pondo
20:19ng ating bayan.
20:21Ngayong hapon naman
20:22nag-walk out
20:23ang mga estudyante
20:24mula sa iba't ibang
20:25universidad
20:26sa Maynila
20:26at Quezon City
20:27at nag-marcha
20:28papuntang
20:29Mendiola.
20:30Pino na
20:37ng mga militanteng
20:38grupo
20:39ang panukalang
20:392026
20:40National Budget
20:41ng bansa
20:42na puno pa rin
20:43daw
20:43ng malang
20:44pork barrel.
20:46Bantay sarado
20:47ng mga polis
20:47ang buong
20:48Mendiola
20:48at nanatili
20:49sa Peace Arc
20:50ang mga
20:51nag-rally.
20:52Kinahapunan
20:53itinuloy
20:54ang kilos
20:54protesta
20:55ng iba't ibang
20:56grupo
20:56sa Edsa Shrine.
20:57At Vicky,
21:04bukod sa weekly
21:05Friday protest
21:06ito sa Edsa Shrine
21:06at sa iba't ibang
21:07panig na bansa
21:08sa November 16
21:09magkakaroon daw
21:10ng malawakang
21:11kilos protesta
21:11ang iba't ibang
21:12mag-aaral
21:13at sa November 30
21:14daw muli
21:14ikakasa
21:15ang isa na namang
21:16malaking kilos
21:17protesta
21:17para bantayan
21:18ang kaban ng bayan.
21:20At yan muna
21:20ang latest.
21:21Balik muna sa'yo Vicky.
21:22Maraming salamat
21:23sa'yo JP Soriano.
21:25Nagbitiw si
21:26bagong talagang
21:27Public Works
21:28Undersecretary
21:29Ari Perez
21:29matapos kwestiyonin
21:31ni Batangas
21:31First District
21:32Representative
21:33Leandro Leviste
21:34ang kanyang record
21:35sa bidding
21:35at procurement.
21:37Ito ay para
21:38hindi na raw
21:38makasagabal
21:39sa trabaho
21:40ng DPWH.
21:41Nangihinayang
21:42si Public Works
21:43Secretary Vince
21:43Dizon dahil
21:44maayos umano
21:45ang trabaho
21:46ni Perez
21:47pero
21:47iimbestigahan
21:48pa rin daw
21:49ang aligasyon
21:50ni Leviste.
21:51Nakatutok si
21:51Ian Cruz.
21:52Kanina
21:56pinangalanan
21:57ni Batangas
21:58First District
21:58Representative
21:59Leandro Leviste
22:00ang isang
22:01appointee
22:02ni Public Works
22:03Secretary
22:03Vince Dizon
22:04sa DPWH
22:05na kwestiyonabli
22:07umano.
22:07Si Undersecretary
22:10Ari Perez
22:11ay isa
22:12sa mga
22:13Undersecretaries
22:14ng DPWH
22:15na narinig ko
22:16ay
22:17may hindi magandang
22:20history
22:20sa bidding
22:21and procurement.
22:23Itinalaga si
22:24Ari Perez
22:24noong isang buwan
22:25bilang DPWH
22:26Undersecretary
22:27for Convergence
22:28Projects
22:29and Technical
22:30Services.
22:31Ang mga
22:32bagong
22:32appointments
22:33bahagi ng
22:33paglilining
22:34sa kagawaran
22:35kasunod ng
22:35pagkakadiskubre
22:36na may mga
22:37opisyal
22:38ng DPWH
22:39na sangkot
22:40sa mga
22:40anomalyang
22:41flood control
22:41projects.
22:42Pero paglilinaw
22:43ni Leviste
22:44hindi raw
22:45kasama si Perez
22:46sa naunan
22:47niyang inilahad
22:47na kontraktor
22:48o may
22:49koneksyon
22:50sa kontraktor
22:50sa loob
22:51ng DPWH.
22:53Binanggit niya raw
22:54si Perez
22:54dahil balak
22:55umano ni Dizon
22:56na ilagay siya
22:57bilang pinuno
22:58ng Vincent
22:58Awards Committee.
23:00At least
23:00sabi ni
23:01Secretary Dizon
23:02pangalanan ko
23:04ang iilan
23:05sa kanyang
23:06team
23:06at
23:07ang ibinigay
23:09kong pangalan
23:09ay si
23:10Undersecretary
23:11Ari Perez
23:11dahil kung
23:12may sampong
23:13tao
23:14na nagbigay
23:14sa akin
23:15ng impormasyon
23:16tungkol
23:16sa mga
23:17appointees
23:18ni
23:18Secretary
23:19Vince Dizon
23:19ang pinakamarami
23:21na
23:21nabanggit
23:23sa mga
23:25sampong
23:25ito
23:25ay
23:26si
23:27Undersecretary
23:28Ari Perez
23:29Matapos
23:29pangalanan
23:30ni Leviste
23:30nagbitiw sa
23:31tungkulin
23:32si Perez
23:32ayon kay
23:33Secretary
23:34Dizon
23:34Ayaw
23:35ayaw
23:35niyang
23:36makasagabal
23:37at
23:37ayaw
23:38niyang
23:38maging
23:38distraction
23:39ito
23:40dahil
23:40alam
23:40niya
23:41na
23:41napakabigat
23:41ng
23:42kailangan
23:42natin
23:43gawin
23:43at siya
23:44ay
23:44nag-tender
23:44ng
23:45irrevocable
23:46resignation
23:46at ito
23:47siyempre
23:47ay
23:48tinanggap
23:48ko
23:48na
23:48so
23:49as of
23:50today
23:50hindi
23:52na po
23:52parte
23:52si
23:53Undersecretary
23:55Perez
23:55sa
23:56DPWH
23:57Nangihinayang
23:58daw siya
23:59kay Perez
23:59na matagal
24:00na niyang
24:00nakasama
24:01at
24:02kilala
24:02niyang
24:02mahusay
24:03tapat
24:03at
24:04mabilis
24:04sa trabaho
24:05sa aking
24:06experience
24:06sa kanya
24:07maayos siya
24:08no
24:09maayos siyang
24:11magtrabaho
24:12mabilis
24:12yun ang kailangan
24:13natin
24:13yung
24:13mabilis
24:14magtrabaho
24:14at sa
24:17pagkakilaga ko
24:17sa kanya
24:18honest siya
24:19kainpaman
24:20tuloy pa rin
24:21daw ang
24:21imbistigasyon
24:22sa kanya
24:22tulad
24:23niya
24:23Yusec
24:24Cabral
24:24niya
24:24Yusec
24:25Bernardo
24:26Yusec
24:27Ayapana
24:29even
24:30Secretary
24:31Bunuan
24:31lahat yan
24:32no
24:33hindi
24:33porket
24:34na
24:34nag-resign
24:36eh
24:36hindi
24:37natin
24:37imbistigahan
24:38nilinaw
24:39rin ni
24:39Dizon
24:39na hindi
24:40naman
24:40niya
24:40binalak
24:41ilagay
24:41si Perez
24:42bilang
24:42pinuno
24:43ng
24:43Bids and
24:44Awards
24:44Committee
24:44taliwas
24:45sa
24:45alegasyon
24:46ng
24:46Kongresista
24:47Hinihinga
24:48namin
24:48ng
24:48pahayag
24:49si Perez
24:49Tungkol
24:50naman
24:51sa sinabi
24:51ni Leviste
24:52na may
24:52mga
24:52tiga
24:53DPWH
24:53umano
24:54na nakikipag-usap
24:55sa mga
24:55kontraktor
24:56at meron
24:57paumanong
24:58hinihingi
24:58sa kanila
24:59sabi ni
24:59Dizon
25:00Yung
25:01Yung
25:01pakikipag-usap
25:01sa
25:02kontraktor
25:02yun
25:03ang
25:03trabaho
25:03ng
25:04DPWH
25:04makipag-usap
25:05sa
25:05kontraktor
25:06Andaming
25:07kakontrata
25:07ng
25:07DPWH
25:08Kung
25:09opisyal
25:10yung
25:10sinasabi
25:10niya
25:10again
25:11pero
25:12ibang
25:13usapan
25:13kapag
25:13nanghihingi
25:14sa
25:14kontraktor
25:15yun
25:16ang
25:16ibang
25:16usapan
25:16Sa katapusan
25:18ng Nobyembre
25:18marami raw
25:19pagbabago
25:20ang kanilang
25:20i-anunsyo
25:21Ilulunsad na rin
25:22daw ang
25:23Transparency
25:24Portal
25:24para sa
25:25DPWH
25:26kung saan
25:26bawat proyekto
25:27makikita na
25:28ng publiko
25:29Para sa
25:30GMA
25:31Integrated News
25:32Ian Cruz
25:32Nakatutok
25:3324 oras