00:00Sa gitna ng gera sa Middle East at crisis sa petrolyo, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na baka may dahilan
00:07na para sa joint oil exploration.
00:09Kasama po ang China sa West Philippine Sea. Nakatutok si JP Soriano.
00:17Di maikakailang uminit ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa mga pangyayari sa West Philippine Sea.
00:25Pero sa nangyayari ngayong gulo sa Middle East at crisis sa petrolyo, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa panayam ng
00:32American Media Agency na Bloomberg, bukas siya na i-reset ang relasyon sa China.
00:57Sa gitna ng walang prenong pagtaas ng presyo ng krudo, tinanong ang Pangulo kung bukas siya sa isang joint oil
01:03and gas exploration kasama ang China.
01:06Kahit sa pinagtatalo ng teritoryo gaya ng West Philippine Sea, sagot ng Pangulo baka raw ngayon merong dahilan para gawin
01:13na ito.
01:14Something that we've been talking about for a great deal, but the territorial disputes will get in the way of
01:20that.
01:21Maybe this will provide impetus for both sides to come to an agreement.
01:27Punto ng Pangulo, hiwalay naman daw ang kalakalan ng dalawang bansa sa away nito sa teritoryo.
01:32We've always tried to differentiate the territorial disputes from our trade arrangements.
01:42Many, many investments still of the big programs here of the government are coming from China.
01:48And they have not used this as somehow, they haven't leveraged this in any way.
01:54In quite the contrary, they have been very, very helpful.
01:57Sa datos ng Department of Energy noong 2020, ang undiscovered resources daw sa West Philippine Sea
02:03aabot sa mahigit 6 na milyong barilis ng langis at mahigit 7 bilyong cubic feet ng natural gas.
02:11Kabilang sa pinaniniwalaang mayaman sa natural gas ay ang recto bank na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
02:19Dating may joint marine seismic undertaking ang Pilipinas kasama ang China at Vietnam
02:24para sana sabay-sabay na magsaliksik sa mahigit 142,000 kilometers na bahagi ng South China Sea kasama na ang
02:32West Philippine Sea.
02:33Pero ipinawalang visa ito ng Korte Suprema noong 2023.
02:37Labag daw kasi ito sa konstitusyon dahil pinapayagan ang kasunduan na makilahok sa pag-eexplore ng likas na yaman ng
02:44Pilipinas
02:45ang mga kumpanyang 100% foreign owned.
02:48March 2023, sinabi ni dating DFA Sekretary Enrique Manalo na mag-uumpisa ng muli ang eksploratory talks ng China at
02:56Pilipinas
02:57para sa posibleng joint oil and gas exploration.
03:00Pero wala nang naging update o balita pa rito ang gobyerno, lalo pat nagkasunod-sunod na ang pangaharas ng China
03:07sa mga barakuan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
03:10Nang tanungin kanina ng media si Foreign Affairs Sekretary Teresa Lazaro,
03:13kaugnay sa posibleng joint oil exploration kasama ang China.
03:18Not at this point of time, but I think it's for it. May be forthcoming.
03:21Para sa GMA, Integrated News. Ako po si JP Soriano. Nakatutok 24 oras.
Comments