Skip to playerSkip to main content
Tinutugis ang driver ng pickup na naka-diplomatic plate matapos nitong takasan ang nasaging rider sa Pasay City. Naka-angkas pa naman sa motorsiklo ang isang batang papasok sa eskwelahan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinutugis ang driver ng pick-up na naka-diplomatic plate
00:04matapos nitong takasan ang nasaging rider sa Pasay.
00:08Nakaangkas pa naman sa motorsiklo ang isang batang papasok sa eskwelahan.
00:13Nahuli kamang hit and run sa pagtutok ni Jomer Apresto.
00:20Viral sa social media ang video na yan.
00:23Sa bahagi ng Edsa Extension patungong Ross Boulevard sa Pasay City kahapon ng umaga,
00:27makikita na hindi pa rin huminto ang puting pick-up matapos nitong masagi ang isang motorcycle rider na may angkas na batang estudyante.
00:34Hinabol pa nilang pick-up hanggang sa naabutan nila ito malapit sa service road ng Ross Boulevard
00:39matapos maipit sa mga jeep ang tumatakas na sasakyan.
00:42Ibinalandra na ng rider ang kanyang motor sa harapan ng pick-up.
00:45Pero makikita sa video na tumakas pa rin ang pick-up kung saan nasagi pa nito ang tuhod ng batang angkas.
00:51Lumapit ang rider sa driver's side ng pick-up para kumprontahin na nagbamaneho ng sasakyan.
00:55Pero nakatakas pa rin ang pick-up na lumiko ng Rojas Boulevard patungong Maynila.
01:01Ayon sa polis siya, mag-amang mag-angkas at papasok na sana sa paarala ng batang angkas.
01:06Sinubukan pa ng rider na humingi ng tulong sa mga traffic enforcer pero wala pa raw nagbabantay sa mga oras na yun.
01:12Tinanong namin kanina kung kumusta naman sila sabi nung tatay na sagi yung bandang left handle ng kanyang motor
01:21tapos nag-wiggle pero nakontrol naman daw niya.
01:24Nakipag-ugnay na raw sila sa Land Transportation Office para matunto na may-ari ng sasakyan na naka-diplomatic plate number pa.
01:31Probably parang diplomat number pero di pa kami certain doon kaya ibabalitin pa namin yung resultat ng verification namin sa LTO.
01:42Nag-conduct na rin kami ng backtracking dito sa area ng Rojas para malaman namin kung saan patungo yung Ford Ranger.
01:52Posible yung maharap sa patong-patong na reklamo ang driver ng pickup.
01:56Kabilang ng paglabag sa RA4136 o ang Land Transportation and Traffic Code of the Philippines at reckless driving.
02:02Susulat din daw umano ang polisya sa LTO para masuspindi ang lisensya ng driver ng pickup.
02:07Sinubukan ng GMA Integrated News na hinga ng pakayagang LTO pero wala pa silang tugon.
02:11Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatuto 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended