Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa flood control projects at farm-to-market roads, may mga posibleng anomalya rin sa mga proyekto ng DOH.
00:07Ayon sa kagawaran, halos 300 superhealth centers na pinunduhan ng gobyerno ang hindi na kumpleto at hindi mapakinabangan ngayon.
00:15Kabilang dyan ang isang superhealth center sa Marikina na natapos itayo ang fundasyon o nakaraang taon,
00:22pero naiwang nakatinga ang sagot ng LGU sa Balitang Hatid ni Maki Pulido.
00:30Tinubuan na ng mga halaman at damo ang loteng dapat may naitayong superhealth center sa barangay Concepcion 2, Marikina City.
00:3921.5 million ang pondo para sa phase 1 ng construction o ang pundasyon ng itatayong gusali na natapos unang bahagi ng 2024.
00:48Natapos naman ng Marikina LGU ang phase 1, pero nang puntahan nito ni Health Secretary Ted Herbosa, halos matakpan na ng halaman ang ginawang pundasyon.
00:57Di ba yung manananggal, hati? Yung itaas wala, yung iba ba na iiwan?
01:02So, ewan ko lumilipad siguro yung manananggal dito. Ito yung paanan.
01:07DPWH ang dapat gagawa ng phase 2 o ang mismong apat na palapag na gusali.
01:12Pero hindi umano ito masimulan dahil hindi pa na ibibigay ng unang contractor ang ilang dokumento.
01:18Hindi naman maumpisahan ng DP, nagre-reklamo yung DP sa akin kasi ayaw ibigay ng previous phase 1 contractor yung as-built plans kasi yung ano yung na-build niya sa foundation.
01:31Ang Super Health Center sa Marikina, isa lang umano sa 297 Super Health Centers na hindi kumpleto at hindi mapakinabangan.
01:38Ayon kay Herbosa, 12 to 20 million pesos ang budget kada isang proyekto na insertions daw sa 2022 General Appropriations Act o GAA.
01:48Dahil insertion, paliwanag ni Herbosa, hindi dumaan sa planning ng DOH at nagulat na lang silang may ganitong proyekto at pondo sa national budget.
01:56Ang inutos ko sa Health Facilities Enhancement Project, iprioritize ang for completion and for operations. Kasi I didn't want to do new ones. Kasi baka ganito rin ang mangyari.
02:08Noon pa raw ito gustong tapusin ng Marikina LGU. Pero hindi ibinigay ng DOH ang kanilang hinihinging 180 million pesos para maitayo ang gusali.
02:1821 million lang po yung ibinigay ng Department of Health. Saan ka naman makakakita? 21 million, 4-5 palapag na building ang mabubuo.
02:25Ang scope ng proyekto ay foundation works.
02:30Dahil wala pa rin binibigay na pondo ang DOH, sumulat na ang Marikina City LGU sa DOH na City Hall na ang magpo pondo at magtatapos ng proyekto.
02:40Ang Department of Health, tingin ko malaki ang pagkukulang dito kasi hindi nila napondohan ng tama.
02:46Kaya nga po ang City, ang gagawin po ng City, naglaan po kami ng 200 million para po makomplete lang ang proyekto nito.
02:53Ayaw magturo ni Herbosa kung sinong dapat managot sa mga hindi mapakinabangang Super Health Center.
02:59Pero sa biyernes, isusumiti niya sa Independent Commission for Infrastructure ang kanilang mga nadiskubre.
03:05Makipulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:10Sinagotama ni Health Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo ang sinabi ng Marikina LGU
03:15na hindi binibigay ng DOH ang 180 million pesos na pondo para matapos ang Super Health Center.
03:22Sa panayam sa unang balita sa unang hirit kaninang umaga, sinabi ni Asek Domingo na wala sa kapangyarihan ng kagawaran ang mamigay ng pera.
03:30Walaan niya sa kanila sa Executive Branch ang Power of the Purse, kundi nasa Kongreso.
03:35KONIEC
03:39KONIEC

Recommended