Batangas 1st district Rep. Leandro Legarda Leviste turned heads and dropped jaws recently by being the lone member of the 200-plus House majority bloc to reject the third reading passage of the P6.793-trillion national budget for 2026. (Video courtesy of House of Representatives)
00:02Madam Speaker, my vote is no and I would like to reserve my right to explain my vote.
00:06That is really noted. Please proceed, Secretary General.
00:10Madam Speaker, una po sa lahat, nais kong i-recognize ang Committee on Appropriations sa paglalaan ng 255 billion pesos mula sa DPWH patungo sa mga programa ng kalusugan, edukasyon, agrikultura, at iba pang sektor.
00:27Ngunit, ang natitirang P624 billion pesos ay maaari pa rin pagmulan ng korupsyon.
00:38Dahil kung babanggitin ko ang pahayag ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
00:45almost 100% ng mga bidding sa DPWH sa buong bansa ay luto.
00:54Pagkatapos ng lahat ng mga flood control hearings in aid of legislation,
01:02hindi natin dapat aprubahan ang parehong mga presyo sa mga proyekto ng DPWH.
01:09Kaya, ininamungkahi kong ibaba ng 25% ang mga presyo ng DPWH,
01:16ubang mabawasan ang posibleng P150 billion pesos ng posibleng kickbacks.
01:23Mr. Speaker, I want to make this very clear.
01:27Ang DPWH ang nagtatakda ng mga presyo at sila rin ang nagsasagawa ng mga bidding.
01:35At kahit hindi kunin ng isang congressman ang kickback mula sa mga proyekto ng DPWH sa kanyang distrito,
01:44makukuha naman daw pa ng mga taga DPWH ang kickback mula dito.
01:50Kaya, itunatulak ko na ibaba ang presyo ng DPWH para wala nang makukuhang kickback ang DPWH.
01:59The only thing necessary for evil to triumph is for good men to do nothing, dear colleagues.
02:07I believe that our distinguished colleagues here are good men.
02:11That many of us here want to end kickbacks in DPWH, but assume this is impossible.
02:20I am making this manifestation in hopes that we can chip away at the perception of impossibility.
02:27Maaari nating wakasan ang kickbacks sa ilang distrito ng DPWH at balang araw sa buong DPWH.
02:36Distinguished colleagues, dagdag ko rin po dito na ang Region 4A ay halos 15% ng population at GDP ng buong bansa,
02:48pero nakakakuha ng mahigit kumulang 10% lamang ng budget ng DPWH.
02:54Kaya dahil nandito po ako sa seksyon ng mga kinatawan ng Batangas, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal,
03:00nakikiusap po ako na kung sa susunod na versyon nitong panukalang budget ng 2026,
03:06may savings ang mga presyo ng DPWH,
03:11sana dagdagan naman ang share ng budget ng mga distrito ng Region 4A.
03:17Pangwakas, umaasa rin ako na hindi tutol ang mayorya na patuloy kong ipahayag ang aking pagtutol sa overpricing at mga kickbacks sa DPWH.
03:29Sana'y patuloy nating pahintulutan ang mga tinig sa Kongreso na manawagan ng tunay na pagbabago at pagwawakas ng kickback sa DPWH.
03:40To give credit to the Committee on Appropriations, the GAV was an improvement on the NEP.
03:46At umaasa po ako na ang GAA ay magiging improvement sa GAV.
Be the first to comment