00:00Online muna ang mga klases sa Metro Manila at ilang lugar sa Rizal at Laguna
00:05bilang pag-iingat sa nauuso ulit na malatrang kasong sakit.
00:09Habang walang pasok, mag-iinspeksyon na rin sa mga paaralan bilang pag-iingat sa lindol.
00:15May report si Bernadette Reyes.
00:20Nauuso na naman ang mga malatrang kasong sakit o influenza-like illness.
00:24May mga nagkasakit na nga niyan sa Don Alejandro Roses Senior Science and Technology High School sa Quezon City.
00:31This past few months, medyo tumaas nga po yung number ng mga cases natin pagdating sa influenza.
00:38Yet, we always inform the students to take their vitamins at magkaroon ng sapat na pahinga.
00:49Marami pong nag-a-absence, especially sa pangalawa kong anak sa school nila.
00:54Maraming lumiliban ng klases, gawa ng may mga sipon.
00:58Sa ngayon, mas mababa pa ang bilang ng tinatamaan niyan kumpara sa parehong panahon noong 2024.
01:04Pero inaasa ng DOH na darami ito mula Nobyembre hanggang Pebrero ng susunod na taon.
01:10Yung pagbabago ng temperatura na yun ay nagiging dahilan rin para ang ating mga lalamunan ay maging makate kasi nagiging tuyo yung hangin.
01:18Ayon sa Department of Health, edad lima hanggang labing apat na taong gulang, ang karamihan ng mga kaso na influenza-like illnesses.
01:26Dahil dito, kansilado hanggang bukas, October 14, ang face-to-face classes sa mga public schools sa Metro Manila.
01:33Sa Don Alejandro Roses Senior High, naglilinis sa mga empleyado habang wala ang mga estudyante.
01:39Ganyan din ang ginawa sa ilang paaralan sa Marikina at sa isang eskwelahan sa Muntinlupa.
01:44Alinsulod na rin ito sa utos ng DepEd na mag-disinfect ang mga paaralan.
01:49Mas importante yung hygiene at ang mga estudyante na meron nararamdaman.
01:55Kapag meron pong nararamdaman, huwag na hong papasukin.
01:58Payo ng DOH para iwas sakit, magsuot ng face mask, regular na maghugas ng kamay,
02:03kumain ng mga mas sustansyang pagkain at magkaroon ng sapat na tulog.
02:07Habang walang klase, isinabahin na rin ang inspeksyon sa mga gusali kung ligtas sa lindol sa utos din ng DepEd.
02:15Sa Quezon City High School, nagpa-skill na rin ang mga dapat gawin sa kaling lumindol.
02:19Tinatanggal namin yung mga hazards sa bawat classroom at gumagawa rin kami ng mga...
02:30ginukulayan din namin yung mga nag-fade ng mga aros namin for evacuation at magdi-disinfect din po kami.
02:39Bukas hanggang Merkoles naman, mag-online class lang sa lahat ng antas sa Taytay Rizal
02:44para mag-inspeksyon at mag-sanitize ng mga gusali.
02:48Ang Antipolo City, wala na rin face-to-face classes bukas, all levels, public and private,
02:53hanggang Biernes, October 17, bilang pag-iingat din sa flu-like illness.
02:58Simula rin bukas, walang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Laguna.
03:02Tatagal yan hanggang October 31.
03:05Mas tututukan daw ang inspeksyon sa mga school building,
03:08lalo't abot ang West Valley Falls sa ilang bahagi ng Laguna.
03:11Hinikayat din ang kapitolyo ang mga residente na patibayin ang kanilang mga bahay.
03:17Nauna nang sinabi ng FIVOCs na hindi matitrigger ng malalakas na lindol sa bansa
03:21ang paggalaw ng West Valley Falls dahil malayo ito sa epicenter ng mga naunang lindol.
03:27Bernadette Reyes, nagbabalita para sa GMA Integrated News.