24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nangangailangan na nga ng tulong, binibiktima pa umano ng nasakoting babae sa Mandaluyong City ang ilang distressed OFW.
00:08Ang kanyang modus, tunghayan sa pagtutok ni John, konsulta.
00:20Inaresto ng mga tanguhan ng NBI Human Trafficking Division at Department of Migrate Workers o DMW ang babae ito sa Mandaluyong.
00:28Na-recover sa kanya ang Mark Money na ibinayad sa kanya ng complainant na OFW.
00:45Ayon sa NBI, lumapit sa kanila ang DMW para maaksyonan ang modus ng suspect na nambibiktima sa mga nangangailangang OFW.
00:53Nilalapitan po niya yung mga taong pumupunta po sa DMW, yung mga distressed OFW na mag-a-bail sana ng cash assistance na pinaprovide ng DMW.
01:06Mahihikayatin na sa kanya na po makumuha ng Certificate of Indigency na gagamitin po para sa cash assistance ng DSWD at ng DMW.
01:17Peke ang mga Certificate of Indigency na binibigay ng suspect sa mga OFW kapalit ng 10% ng tatanggapin nilang tulong pinansyal.
01:25Sa DSWD, 1,000 ang kanilang hinihingi. Pero sa DMW, 7,500 ang kanilang hinihingi kapag nakuha na po yung cash assistance.
01:37Kinasuhan po natin siya ng estapa through falsification po ng public document.
01:42Kinukuha pa rin namin ang pahayag ng suspect na nakakulong na sa NBI Detention Facility sa Montinlupa.
01:48Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
01:54Inireklamo na ng Justice Department sa Ombudsman ang walong opisyal ng Bulacan 1st District Engineering Office at isang kontraktor dahil sa mga umano'y ghost flood control project.
02:12Pero ayon sa DOJ, may matataas pang opisyal na sangkot batay sa daloy ng pera sa mga bank account.
02:19Nakatutok si Salima Refran.
02:20Malversation through falsification, perjury at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act
02:30ang unang asuntong isinampa ng Department of Justice sa Ombudsman kaugnay ng umano'y ghost flood control projects sa Bulacan 1st Engineering District.
02:39Kabilang sa inireklamo ang dating district engineer nito na si Henry Alcantara
02:43at mga dating nilang assistant district engineers na sina Bryce Hernandez at JP Mendoza.
02:49Gayun din sina engineer RJ Domasic, project engineer Lawrence Morales, chief accountant Juanito Mendoza,
02:56Bids and Awards Committee member Floralyn Simbulan at DPWH cashier Christina May Pineda.
03:02Kasama rin sa asunto ang kontratistang si Sally Santos ng SIMS Construction.
03:07Ayon sa DOJ, ang pinakamabigat na ebedensya laban sa kanila ay ang pag-amin nila sa Senado
03:14na nagsabuatan sila para paghati-hatian at ibulsa ang pondong nakalaan para sa mga hindi na itayong flood control projects sa Bulacan.
03:23Ebedensya rin ang mga dokumentong pinike para palabasing may proyekto kahit wala.
03:29Si Sally Santos, umaming kumita rin dahil pinagamit ang lisensya niya bilang contractor sa mga taga-DPWH Bulacan engineers para sa mga kunyaring project.
03:40Sinisikap pa namin hinga ng panig ang mga inireklamo.
03:44There were witnesses in the Senate investigation. May ginawa na sila mga pag-amin.
03:49Mayroon pa ang hindi kasi tinuturo eh. Hindi pa tinuturo yung paakyat.
03:53Yan ang ating sinisikap gawin.
03:55There's really no project to speak of. So this is based basically on documentary evidence that has been gathered by the National Bureau of Investigation.
04:06No hanging fruit to. We call this the open and shut cases.
04:11Ayan ang tingin namin ha, open and shut cases kasi ghost eh.
04:15Wala talaga nangyari, lumabas talaga ang pera, mayroon nakatanggap ng pera at wala namang lumabas na projects.
04:22Hanggang sa Engineering District lang ang approval ng mga proyektong di lalagpas sa 150 million pesos gaya ng kinekwestyong mga proyekto.
04:31Kaya puro mga opisyal lang nito ang kasama sa kinasuhat.
04:34Pero sabi ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulla na siya rin nanguna sa investigasyon yung nasa DOJ pa siya.
04:41May mga matataas sa opisyal na sasabit.
04:44Batay naman yan sa mga bank document na galing mismo sa Anti-Money Laundering Council o AMLAC.
04:52May mga data na pumapasok unti-unti na talaga magpapakita na nagkabatuhan ng pera from one account to the other.
05:02Bank to bank po, ibang transaksyon kaya huling-huli.
05:06Sabi ng DOJ, patuloy ang evaluation sa mga gustong maging state witness.
05:11Remember, tayo yung arkabyado ang taong bayan.
05:16So yung mga nandihado, sila ang dapat sumunod sa panuntunan natin.
05:20Hindi sila ang nagdidikta ng kondisyon para sa atin.
05:24Ang usapin ng restitution o pagbabalik ng pera,
05:28pag-uusapan naman daw kapag nasa kurti na ang mga reklamo.
05:32Para sa GMA Integrated News, Sanima Refra, nakatutok 24 oras.
05:36Lord, please send some help.
05:49Pinangangambahang dumami at mas lalong lumalim ang 70 sinkhole na nakita sa Northern Cebu.
05:55Dahil yan, sa patuloy na nararamdamang aftershocks, naapektado rin ang mga lamang dagat.
06:01Nakatutok si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
06:0670 sinkholes na nakita sa Northern Cebu matapos yumanig ang magnitude 6.9 na lindol noong September 30.
06:16Pinakamarami sa bayan ang San Remejo, kung saan 40 ang nakita ang sinkhole.
06:2216 sinkholes naman ang nakita sa Bugo City, na epicenter ng malakas na lindol.
06:28Posible pa iyang madagdagan ayon sa Mines and Geosciences Bureau dahil sa patuloy na naranasang aftershocks.
06:35Sa pinakahuling tala nga ng Feebox, mahigit 12,000 na ang aftershocks.
06:41Kabilang dyan, ang nasa magnitude 4 na narekord pasado alas 10 kaninang umaga.
06:47Dahil sa patuloy na pagyanig, lalong lumalalim ang mga sinkhole ayon sa MGB.
06:53Hindi pa nagpalabas ang ahinsya ng bilang kung ilang barangays at residente ang apiktado ng mga nakitang sinkholes.
07:00Pero inarekomenda na nilang tuluyang lisanin ang lugar.
07:07Katulad na lang sa isang bahay sa Sityo Sansan, Barangay Manyo, San Remejo.
07:12Sa kuha ng netizen na si Honey Bintulan, kitang bumigay ang party sa gilid ng isang bahay papunta sa malaking sinkhole.
07:20Ang number one recommendation namin pag may nag-occurre na sinkhole is put a cordon off the area.
07:26Refrain from going here kasi posibleng mag-collapse po yung rim ng sinkhole.
07:32Inaantay ng Cebu Provincial LGO ang final report ng MGB na posibleng gawing batayan sa ipatutupad na land use,
07:39reclassification or rezoning sa maapiktadong lugar na nakitaan ang sinkholes at ang nasa Bugo Bay Fault.
07:48We take advice and guidance from the national agency. Whatever is safe for the people, of course safety.
07:55Hindi gusto mag-progress kung itong safety din na tunahon. So safety first.
08:00Kung bauna ilang recommendation, then we will abide by it.
08:05Bukod sa lupa, may mga nadescubre ring sinkhole sa dagat.
08:08Dangan kay mga isda, ilang mga mata.
08:10Pinangangambahan din ang pagkamatay ng mga isda dahil sa patuloy na aftershock,
08:16gaya ng nangyari sa barangay Santo Rosario sa Bugo matapos ang 5.8 aftershock kahapon.
08:23Ayon sa may eksperto posibleng magdulot ng fishkill ang malakas na lindol.
08:28Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
08:31Ahalan Domingo na Katutok, 24 Horas.
08:38On a break muna si Kailin Alcantara sa pag-acting at focus muna sa kanyang self-love era.
08:45Isa sa kanyang pinagkakaabalahan at traveling around the world, independently.
08:50Makitsika kay Aubrey Carampel.
08:51Happy, blooming, and glowing si Sparkle star Kailin Alcantara
08:59na spotted sa launch event ng fashion designer na si Rajo Laurel.
09:04In her love yourself era raw siya na binibigyang importansya ngayon ang kanyang personal growth.
09:10Masaya ang buhay ngayon.
09:13Growing, evolving every single day.
09:16Sa event, reunited pa sila ng kanyang Beauty Empire co-star na si Rufa Gutierrez.
09:21Matapos gumanak binang Shari de Jesus sa Beauty Empire,
09:25break muna sa acting si Kailin.
09:27Pero pinagkakandaan na raw niya ang mga gagawing projects for next year.
09:32Ngayon, papahinga muna because napakabigat po ng Beauty Empire.
09:37At sobrang proud ako sa ginawa namin.
09:39Actually, ngayon kasamba ko sa Ms. Rufa.
09:41And I'm just so happy that I created a family there.
09:47Sa nakalipas ng mga buwan pagta-travel for work and leisure,
09:50ang pinagkaabalahan ni Kai.
09:53Noong August, kasama si Kailin sa Sparkle World Tour sa Canada.
09:57Bago yan, pumunta rin siya ng Italy para dumalo sa kasal ng kaibigan.
10:01At nag-solo travel din sa New York.
10:04Bumalik din daw siya sa kanyang hobbies and fitness routine.
10:32Tennis, nagpa-firing din ako, nagmo-motorbike.
10:37So, ginawa ko po ulit yun ngayon na I have more free time.
10:43Lahat daw na ginagawa niya ay parte ng kanyang self-love journey.
10:48Yes, all the time.
10:50Feeling ko dapat buong buhay mahalin talaga natin ang ating mga sarili.
10:53Obri Carampel, updated sa showbiz sa Pines.
10:58Kinumpronta ni Marikina 1st District Representative Marcy Teodoro sa Justice Department
11:04ang dalawang babaeng polis na nagsampa ng reklamo laban sa kanya kabilang ang rape.
11:10Sinampakan niya rin ng reklamang perjury ang mga complainant na sa tingin niya ay ginagamit para sirain siya.
11:16Nakatutok si Jonathan Andal.
11:18Nag-hahain ng kontra sa Laisay si Marikina 1st District Representative Marcelino Teodoro
11:27sa preliminary investigation kanina ng DOJ
11:30para dumipensa sa reklamong acts of lasciviousness at rape by sexual assault
11:35na isinampas sa kanya ng dalawang babaeng polis na dati niyang close in security.
11:39Kasama ang kanyang misis na si Marikina Mayor Maan Teodoro,
11:43harapang kinumpronta ni Congressman Teodoro ang dalawang babaeng polis.
11:47Narito lahat yung mga litrato na nagpapakita kung nasaan ako.
11:52May mga programa akong dinaluhan na yung oras na sinasabi nilang naganap yung panghahalay na inaakusan nila sa akin.
12:03Makikita na walang pagkakataon para ginawa yung ganong bagay, yung panghahalay.
12:10These are sham complaints as far as we are concerned.
12:12Ang nakakapagtaka dito ay ayaw nilang sumagot, ayaw sumagot itong mga complainants
12:18at meron nakalagi girl 1, 2, 3, 4 na meron raw mga ginawa rin si Congressman Teodoro.
12:25Hindi ba napaka simple ilitanong nun? Sino itong mga ito?
12:29Bilang pangsuporta sa kanyang depensa, binitbit ni Teodoro sa DOJ ang kanyang mga testigo
12:34na aabot sa 28, kabilang dyan ang ilang mga kabaro ng dalawang nagre-reklamong polis.
12:40Siguro may mga lima-anim na polis na magpapatotoo rin na doon sa mga araw na nabanggit,
12:47wala silang nakitang kakaiba at wala silang nakikitang panghahalay dahil kasama nila yung allegedly yung biktima.
12:56Tingin ni Teodoro, ginagamit lang ang dalawang babaeng polis para siraan siya sa politika.
13:01Mukhang isang-isang malaking skriptong ginawa. Parang ang purpose nakikita namin kanina is simply to damage.
13:09Pinag-aaralan ngayon ni Teodoro na ireklamo rin ang dalawang babaeng polis sa PNPE so Internal Affairs Service na siyang nagdidisiplina sa mga polis.
13:17Kahapon, sinampahanan ni Teodoro ng reklamong perjury ang dalawang babaeng polis.
13:22Hindi pinangalanan ang DOJ ang dalawang nagre-reklamong babaeng polis pero bukas ang GMA Integrated News sa kanilang pahayag.
13:28Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok 24 Oras.
13:37Dalawang low-pressure area na po ang minomonitor ngayon ng pag-asa sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
13:46Ang nasa labas ng PAR, huling nakita sa layong 1,760 kilometers silangan ng northeastern Mindanao.
13:55Nananatili ang chance nitong maging bagyo sa mga susunod na araw.
13:59Ang isa pang LPA na nasa loob ng PAR at huling namataan 130 kilometers east-southeast ng Baler Aurora e posibleng mag-dissipate o mawala na sa mga susunod na araw.
14:13Pero sa ngayon, nagdudulot pa ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.
14:18Bukod dyan, tuloy-tuloy rin ang pag-iral ng Easter Lease.
14:21Base po sa datos ng Metro Weather, umaga bukas ay may chance ng ulan sa ilang bahagi ng Quezon, Extreme Northern Luzon, Palawan at Mindoro.
14:31Pagsapit naman ng hapon, mas marami ng uulanin sa Mimaropa at ilang bahagi ng Calabar Zone.
14:38May mga kalat-kalat na ulan din sa Northern at Central Luzon, pati na po sa Bicol Region.
14:44Sa Metro Manila, bago magtanghali ay pwede nang maging makulimlim at posibleng ang ulan sa ilang lungsod.
14:50May chance rin magka-thunderstorms sa hapon o sa gabi.
14:55Hapon at gabi rin, posibleng tumaas ang chance ng ulan sa malaking bahagi naman ng Visayas at Mindanao.
15:02Flood control na, malaking tulong pa sa irigasyon.
15:06Iyan o mano ang asakan ng mga magsasaka sa Claveria, Cagayan, dahil sa impounding dam na pinasinayaan ng Pangulo.
15:12Sinilip din niya ang isang patapos ng tulay na dapat anyay gandahan at huwag yung pumabagsak.
15:18Nakatutak si Darlene Kai.
15:24Kakulangan ng maayos na irigasyon ang isa sa mga hinaharap ng mga magsasaka sa Claveria, Cagayan, gaya ni Delio.
15:31Kakambal niya ng baha naman kung may ulan o bagyo.
15:33Ginagawa namin ng paraan na parang inakuan yung ilog para magkatubig lang kami.
15:43Pero kapag darating ng tagulan, mawawas out agad.
15:49Kaya nahihirapan po kaming magbukid.
15:52Doong nakaraang anihan nga, kalahati ang lugi ni Delio.
15:55Problema po ma'am. Kasi aapaw ng tubig, kagayan mga yan, buki rin mga yan, aapaw. Pagkatapos masisira rin yung palay.
16:05Inaasahang makatutulong ang 700 million pesos Union Water Impounding Dam sa Claveria na pinasinayaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
16:14Kung maulan, dito muna may ipo ng tubig para hindi bahain ang mga taniman.
16:18Layon itong Union Water Impounding Dam na patubigan ang taniman ng mga magsasaka rito.
16:24Pero bukod dyan, na-flood control measure din ito na layong pigilan ng pagbaha.
16:29514,000 cubic meters ang kabuang kapasidad nitong water impounding dam.
16:34Katumbas niya ng mahigit 200 Olympic-sized swimming pools.
16:39Basta't maayos ang pagpagawa, maayos ang disenyo, maayos ang implementasyon.
16:47Wala tayong makikitang problema.
16:513,600 hektaryang taniman at mahigit 1,000 magsasaka ang makikinabang sa proyekto.
16:57Nakita namin sa helicopter, yung ginagawa dito sa side ng ilog,
17:03ang mga revetment para, syempre, hindi na lalampas doon sa dinadaanan ng ilog, yung tubig.
17:12Makokontrol natin yung takbo ng tubig, hindi na magbabaha, but hindi meron pa tayong makukuhang patubig.
17:19Inaayos na rin ang sistema ng pamimili sa mga ipapagawang farm-to-market roads.
17:24Hindi lang yung kagaya ng dati na palakasan lang.
17:28Minsan kung saan-saan na pupuntang farm-to-market road na hindi naman nakakatulong sa ating mga magsasaka.
17:36Kabilang sa mga kokonsultahin ang mga lokal na pamahalaan matapos madiskubring may 105 million pesos
17:43na halaga ng mga umano'y ghost farm-to-market roads sa Mindanao.
17:47Tatlong-daang farm-to-market bridge din ang tatapusin sa loob ng apat na taon,
17:51sabay biro sa katabing si TPWH Secretary Vince Dizon.
17:55Pero ang gandahan niya yung tulay, huwag yung bumabagsak.
17:58O, at saka yung maintenance.
18:06Kakulangan niya sa maintenance ang problema sa mga bumagsak na tulay na pigatan bridge sa Alcalacagayan
18:11at Kabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela.
18:14Kaya siniguro nang sapat ang pondo para sa maintenance sa mga tulay sa susunod na taon.
18:19Ganyan din niya ang asahan sa patapos ng Kamalinyugan Bridge sa Cagayan
18:23na magdurog tong sa mga bayan ng apari at kamalinyugan.
18:26Paiikliin ang 2.34 billion pesos na tulay
18:29ang datit mahigit isang oras na biyahe sa 20 minuto na lang.
18:33Dahil sa mas pinatibay at pinagandang disenyo ng tulay,
18:37naging 45 tons ang maksimang vehicle capacity nito
18:40at may earthquake resistance na aabot sa magnitude 8.
18:45Mula rito sa Claveria, Cagayan.
18:46Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
18:50Dinesqualify ng International Criminal Court Appeals Judges
18:55si Chief Prosecutor Karim Khan sa kasong Crimes Against Humanity
18:59na kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
19:03ayon po yan sa ulat ng Reuters.
19:05Dahil umano ito sa posibleng conflict of interest,
19:09batay sa kopya ng desisyong nakuha ng Reuters.
19:12Nitong Agosto, hiniling ng kampo ni Duterte
19:15na i-disqualify si Khan dahil dati itong tumayong abogado
19:19ng mga umano'y biktima ng war on drugs.
19:22Sa kopya ng ruling na nakita ng Reuters,
19:25pinunto ng depensa na wala dapat papel si Khan sa kaso
19:29dahil dati niyang kinatawan ang Philippine Human Rights Commission o PHRC
19:33sa pagpangalang kay Duterte bilang top suspect.
19:38Kaya raw di na raw umano makapagsasagawa si Khan
19:41ng isang patas na investigation.
19:42Sinusubukan pa po ng GMA Integrated News
19:45na makuha ang panig ni Khan.
19:47Pero dati na niyang sinabi,
19:49wala siyang nakikitang dahilan
19:51para hindi payagang lumahok sa pagdinig ng kaso.
19:54Anya, wala siyang direct ang kinalaman sa investigasyon
19:58o pag-interview ng sino mang biktima o witness.
Be the first to comment