24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Mga kapuso, buong araw na inulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong araw.
00:07Hanggang kailan kaya yan mararanasan?
00:10Alamin natin kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
00:13Amor!
00:16Salamat, Emil. Mga kapuso, dalawang low-pressure area na nga aminomonitor ngayon sa loob ng Philippine Area of Responsibility
00:23at kasabay pa po niyan ang patuloy na pag-iral ng habagag.
00:26Ang una pong low-pressure area, nabuo po yan kagabi at huling namataan kanina sa layong 1,220 km silangan po ng Southeastern Luzon.
00:36So medyo malayo po yan dito sa ating bansa.
00:38Pero nabuo naman kaninang hapo ng isa pang LPA na nasa 405 km silangan po ng Kalayan, Cagayan.
00:45So ito po yung medyo malapit kaya po nakaka-apekto na po yung trafo extension po nito dito sa bahagi po ng Cagayan Valley.
00:52Ayon po sa pag-asa, posibleng mag-merge o mag-sanib po itong dalawang low-pressure area.
00:58At kapag naging isa na lang po yan, may tsansa po ito na mabuo bilang bagyo.
01:03Sakali pong matuloy ito, papangalanan ito na Bagyong Dante.
01:07Sa ngayon, nakikita po ng pag-asa na paakyat o paangat po yung magiging galaw niyan sa mga susunod na araw.
01:12So ito po sa ating mapa, meron tayong nakikita.
01:14Ito po yung dating Bagyong Crising na may international name na WIFA at ito naman po posibleng sama ng panahon na yan sa mga susunod na araw pa naman at masyado po yung malayo sa PAR.
01:24So ngayon, focus po natin ito pong possible na Bagyong Dante na hindi naman po inaasahang tatama dito sa Pilipinas at posili pong tumbukin na ito pong bahagi po malapit sa Taiwan.
01:34Pwede pang magkaroon ng mga pagbabago sa mga susunod na oras o araw kaya tutok lang po kayo sa updates.
01:40Sa ngayon, dahil po sa dalawang low pressure area, tuloy-tuloy rin po yung pag-ira ng hanging habagat.
01:46At yan din po yung dahilan kung bakit po nakakaranas pa rin po tayo ng maulang panahon.
01:51So dahil po nandito sa eastern portion po yung dalawang sama ng panahon, tila dito rin po medyo sumusunod ito pong habagat.
01:57Kaya talaga pong ramdam na ramdam natin yung pagdaan at yung epekto po ng habagat dito po yan sa ating bansa.
02:04Pero bakit nga ba ganito na lang kung magpaulan itong habagat kahit wala naman pumagyo ay sobra po yung hangin at pati na yung mga pagulan.
02:10Warm and moist po yung katangian itong hangin habagat.
02:14At kapag po mainit at marami pong moisture sa hangin, maraming ulap din po ang pwedeng mabuo.
02:20Kaya mataas din po ang tsansa ng mga pagulan.
02:22At inaasahan po natin ito po yung mga kaulapan na dala po ng habagat.
02:26At yan po, posibli po yung magpaulan sa ilang bahagi ng bansa.
02:30Ngayong gabi, mataas pa rin ang tsansa ng ulan.
02:32Dito po yan sa Northern at pati na rin po sa Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, dito po sa May Mindoro Provinces,
02:39pati na rin po sa Bicol Region, Panay Island at ilang bahagi po ng Eastern Visayas.
02:45Mga kapuso, yung ulang dala po ng habagat, ang katangian po yan o pattern,
02:48pwede pong halos tuloy-tuloy pero pwede rin naman na may mga break o pabugso-bugso.
02:54Bukas, umaga pa lang, may mga ulan na po dito po yan sa Luzon, lalong-lalong na po sa Western Section.
02:59So kasama po dyan, Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Calabarzon,
03:05ganon din po dito sa Metro Manila, Mindoro Provinces, at pati na rin po dito sa Bicol Region.
03:11Simula naman po, tanghali at hapon, halos buong Luzon na po ang uulanin.
03:15Ito po yan, at meron pa rin mga malalakas sa buhus ng ulan na posibleng magpabaha o di kaya naman magdulot po ng landslide.
03:22Ang Metro Manila, maaga pa lang ay posibleng na po makaranas ng mga pag-ulan.
03:26Mauulit po yan sa hapon at malawakan na po yung mga pag-ulang mararanasan natin.
03:31Pwede pong magtuloy-tuloy po yan hanggang sa gabi, kaya patuloy pong mag-monitor sa rainfall advisories ng pag-asa.
03:38Sa mga kapuso naman natin sa Visayas at Mindanao, may mga kalat-kalat na ulan.
03:42Dito po yan sa Western Visayas, pati na rin po dito sa Eastern Visayas sa umaga.
03:47Magtutuloy-tuloy po yan sa hapon, pero meron na rin po mga pag-ulan sa ilang bahagi po ng Central Visayas.
03:52So yung mga malalakas sa buhus ng ulan, dito po yan sa Panay Island, Negros, Eastern Visayas, at pati na rin sa ilang bahagi po ng Mindanao.
04:01Ang maulap at maulang panahon, posibleng pong magtagal pa o magpatuloy sa halos buong linggong ito.
04:07Kaya ingat mga kapuso.
04:09Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
04:11Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.