Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mayroon, ngayong Oktubre ang pagdinig sa Flood Control Projects ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Acting Chairman Erwin Tulfo.
00:07Ang listahan naman ng nabistong mahigit 400 ghost flood control projects hawak na ng Independent Commission for Infrastructure.
00:15Balitang hatid ni Joseph Morong.
00:20Halos 2 buwan na nakakaraan mula ng unang mag-inspeksyon si Pangulong Bongbong Marcos sa umunig ghost flood control projects sa Bulacan.
00:28Mula noon, 8,000 proyekto na ang sinuyod ng Department of Economy Planning and Development no DepDev at mga polis at sundalo sa buong bansa hanggang nitong October 6.
00:39Ayon sa DPWH 400 at 20 isa rito ang nakumpirmang ghost o guni-guni lamang na flood control project.
00:47Karamihan sa mga ito nasa Luzon pero meron ding nasa Visayas at Mindanao.
00:52Di pa binanggit ang kabuang halaga ng mga proyekto.
00:58Nandun siga, kasama siga doon pero meron ding iba kasi madami yan eh.
01:05Isinumintinan ng DPWH ang listahan ng mga proyektong yan sa Independent Commission for Infrastructure o ICI na nag-iimbestiga sa anomalya at nagbubuo ng kaso laban sa mga posibleng sangkot sa mga maanumalyang proyekto.
01:19Kompleto na yung mga dokumento at mga ebidensya dandun. Puntaan natin yan. Validated na rin naman itong mga ito eh.
01:26Sa malaking bagay yun. But it doesn't prevent the general from going there looking personally para mas sigurado tayo.
01:33Nakaatang ang inspeksyon kay bagong ICI Special Advisor at Investigator Rodolfo Azurin Jr.
01:39Aminado si Azurin, kahit isang proyekto ang kanilang mapuntahan kada araw, aabutin pa rin sila na mahigit isang taon sa pag-iinspeksyon.
01:47Hindi naman lahat ay pupunta natin yun. Ibig sabihin is, i-divide namin yung mga mag-iinspektor at magpavalidate.
01:57Madaling i-establish yung liability and accountability kapag ghost project.
02:02Ngayong buwan, itutuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanilang investigasyon sa katiwalian sa flood control projects.
02:15Siguro po sa October 22, 23. Somewhere around there po. Nakita ko pong medyo maluwag-luwag. Around 23, 24, 26, 27. Ganoon po.
02:28Kasi po ngayon, busy po yung mga ibang kasamahan po natin sa mga budget hearing po kanya-kanya.
02:33Iimbitahan si na dating House Speaker Martin Romualdez. Gayun din, si dating Akobicol Partylist Representative Saldico na naging chairman ng House Committee on Appropriations.
02:43Si Speaker po kasi, invitation lang po dahil ikaw na meron po tayong inter-parliamentary courtesy po. So, it's just an invitation.
02:51Pero si Saldico siguro pwede na pong i-imbitahan. Pag hindi po sumagot, pwede na pong padalahan po na sa Pina.
02:57May naisip ding paraan si Tulfo para mapabilis ang investigasyon.
03:00Sabi nga ng DPWH na parang 4,000 po yata o 8,000 na flood control projects throughout the country.
03:09So, napakadami po. Siguro ang gagawin po natin, pag nahagip ka, may flood control ka, kailangan i-certify po ng DPWH ng COA na yung flood control mo talagang na-execute na hindi siya substandard at hindi siya ghost.
03:23Ang Banko Sentral ng Pilipinas naman, pinag-aaralan ang pagpapatupad ng limits sa mga fund transfer para maiwasan ang paggamit ng pera sa mga iligal na aktibidad.
03:33Pinag-aaralan din kung pwede ng tanggihan ang mga banko ang mga kadudadudang withdrawal.
03:38Bago ito, nakwestiyon sa pagdinig ng Senado ang pagpayag ng isang sangay ng land bank na mag-withdraw ang isang private contractor ng halos kalahating bilyong pisong cash sa loob lamang ng dalawang araw.
03:49Naano na sinabi ng land bank na sumunod sa proseso ang mga withdrawal.
03:54Inautoresa rin daw ito ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno.
03:57Now we have a threshold on how much cash can be withdrawn. Now there will be a threshold on transfers in general. Could be cash, could be digital.
04:09Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended