00:00Naramdaman hanggang Baguio City ang magnitude 4.4 na lindol sa Pugo, La Union.
00:06May ilang estudyante na nagpanik at hinimatay. May report si Jamie Santos.
00:14Nagbagsakan ang mga gamit sa bahay na ito sa Baguio City sa gitna ng magnitude 4.4 na lindol ngayong umaga.
00:21Ang mga estudyante ng Baguio City National High School naglabasan kasunod ng pagyanig.
00:26May ilang mag-aaral na nahilo o kaya nawala ng malay.
00:30Ang dami pong mga bata dito ang mga inimatay. Ang bilang ko kanina ay umabot na ng mga 20.
00:36Kasunod ng pagyanig, nagkaroon ng malaking bitak ang entrance ng paaralan.
00:41Sa Luwakan Elementary and High School, isinakay sa stretcher ang estudyante ng nagka-panic attack.
00:47Agad ding pinalabas ang mga mag-aaral, guro at staff ng iba pang paaralan at establishmento sa lungsod.
00:54Nagtungo naman sa open spaces ang mga nasa City Hall.
00:57Nag-ikot na sa lungsod ang mga taungan ng Office of the Civil Defense para sa assessment.
01:02Nakikipag-ugnayan na rin ang LJU sa building administrator ng mga paaralan at mga establishmento.
01:09Naitala ng PBOX ang sentro ng lindol, tatlong kilometrong hilaga silangan ng Pugo, La Union.
01:14Walang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.
01:17Inland po ito, na nasa may La Union, meron po tayong active fault na nag-generate po dyan.
01:24So wala pong damage yung ganong klaseng kalakas na lindol.
01:28Since nasa lupa po yung epesentro ng lindol at medyo may kababaan yung magnitude, wala po tayong ina-expect na tsunami.
01:39Sabi ng ahensya, wala itong kinalaman sa magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.
01:45Jamie Santos nagbabalita para sa GMA Integrated News.