Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/16/2025
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Isang Pilipinong engineer na naglalayong maabot ang tuktok ng Mount Everest ang nasawit.
00:06Nangyari yan sa Camp 4 na tinaguri ang death zone dahil sa mababang oxygen level,
00:11habang naghahanda na siya para sa huling bahagi ng pag-akyat sa pinakamataas na bundok sa buong mundo.
00:17May report si Rafi Tima.
00:21Pasok marahil sa ultimate bucket list ng maraming hiker at mountaineer na maakyat ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, ang Mount Everest.
00:28Ang taas nitong 29,000 feet, katumbas ng halos dalawang Mount Apo.
00:33Pero ang pangarap na maabot ang tuktok o summit ng Mount Everest,
00:37hindi na matutupad ng Pinoy engineer na si Philip P.J. Santiago na binawian ang buhay sa gitna ng kanyang pag-akyat doon.
00:44Kabilang siya sa Mountaineering Association of Krishnanagar Snowy Everest Expedition 2025 na nakaabot sa Camp 4.
00:52Nitong nakaraang linggo, tinamaan ang avalanche ang kanyang grupo.
00:55Nawalan siya ng malay at nasugatan sa pisngi.
00:58Matapos ang 6 na araw na pahinga, binigyan siya ng ghost signal sa summit push ng kanilang doktor.
01:04Pero habang naghahanda para sa huling bahagi ng pag-akyat, binawian ang buhay si Philip sa Camp 4.
01:10Ang Camp 4 ay nasa tinaguriang death zone na may taas na halos 8,000 meters above sea level.
01:15Sa altitude na ito, mas mababa na ang level ng oxygen.
01:18Kaya karaniwan ang nagsusuot dito ng supplemental oxygen ng mga climber.
01:21Dagdag sa hirap ng pag-akyat ang nag-iyelong temperatura at extreme weather.
01:26Sa ngayon, hindi pa malino ang dahilan ng pagkamatay ni Philip dahil hindi pa rin na ibababa ang kanyang labi.
01:32Mula sa Camp 4, susubukan sana niya makarating sa tok-tok ng Mount Everest.
01:36Bit-bit niya ang kanyang advokasya para sa Clean Water Philippines at paglaban sa children's cancer na nasambit pa niya bago ang kanyang Mount Everest hike.
01:44Pure children's cancer. Climbing Mount Everest is very little compared to the battles these little warriors are facing every day.
01:55We aim to give attention and awareness to their plight and for their cause.
02:03Family, friends, supporters and sponsors. We thank you. Together, let's do this.
02:11Kasama niya ang pinsang si Carl Santiago bilang base camp support staff.
02:15Base sa mga ulat, si Philip ang unang dayuang hiker na nasawi sa Mount Everest sa climbing season ngayong taon.
02:21Dahil sa overcrowding at pagkamatay ng ilang hiker doon, kamakailan inanunsyo ng Nepal na mag-i-issue lang sila ng Everest permit sa mga climber
02:28na nakaakyat sa isa sa mga 7,000-meter mountain sa Nepal, bagay na tinutulan ng ilang grupo ng mountaineer.
02:34Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:38Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended