Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging sa KAKLIN!
00:12Oh my God!
00:15Nabangga ng truck ang isang taxi sa Davao City
00:18at ayon sa polisya, pakanan sana ang truck ng masapul nito ang taxi.
00:23Hindi mo na nakita ng truck driver ang sasakyan.
00:26Walang nasaktan sa dalawang driver na nagkaayos din kasunod ng insidente.
00:34Desilido magdemanda ang mga magulan ng 15-anyos na rider na inararo ng kotse sa Teresa Rizal.
00:40Muntik na raw kasing mapatay ang kanilang anak dahil sa sadyang paghabol at pagbundol dito ng driver ng kotse.
00:48Ang ugat ng insidente sa pagsaksi ni June Benreson.
00:56Nagpagulong-gulong sa kalsada ang rider na yan.
01:01Matapos banggain at halos, araruhin ng isang kotse ang kanyang butong siklo.
01:06Nakatayo naman ang rider.
01:08Doon na lumabas ang driver ng kotse.
01:10Saka kinumprunta ang rider na isa palang 15-anyos na estudyante.
01:14Nagsumpong pa ang driver sa mga naglabasang residente.
01:30Nangyari ito sa barangay poblasyon sa Teresa Rizal kahapon ng umaga.
01:45Bago ang pagbangga, makikita sa CCTV ang habulan ng dalawa.
01:50Kumaskas pa sa paderang nakamotor ng masagi ng kotse sa likuran.
01:54Pero nagtuloy ang habulan.
01:56Saka nangyari ang pagbangga.
01:57Ang mga residente roon, nabahala sa ginawa ng driver.
02:03Hindi dapat yung pabilan ka kahit kailanong kayo.
02:06Bawa lang kundi bata.
02:07Ay, bakit yung pabilan ka?
02:09Dapat hindihan ka nga lang po.
02:12Hinahabol ka nga po siya.
02:13Hinahabol ka nga rin namin.
02:14May mga bata rin dito, diba? Napatay mo.
02:17Pagbahe ka.
02:18Pagbahe ka.
02:19Pagpilis nakatakbo na kapatid mo.
02:21Ano ko nga nga mga kapasad eh.
02:23Kumiingit na nga gulo nito ng kotse mo eh.
02:26Grabe ka.
02:26Ang isa sa mga nakasaksi, nakaramdam ng awa sa rider.
02:34Napapasok daw sana noon sa eskwela.
02:37Malayo pa po ako.
02:38Kitang-kita ko na po yung pagbundol ng kotse dun sa motor na bata.
02:42Sira po yung kanyang uniform hanggang dito po.
02:45Galos.
02:46Galos.
02:47Opo, dito.
02:48Tapos dito.
02:49Tapos may konti po sa gantoa.
02:51Base sa investigasyon ng Teresa Municipal Police Station, unang nasagi ng motorsiklo ang kotse.
02:57Pero hindi ito huminto kaya nagkahabulan.
02:59Matapos ang insidente, lumagda sa kasunduan ang ama ng biktima at ang driver ng kotse.
03:04Na sasagutin ito ang lahat ng gasos sa pagpapagamot sa estudyante at sira sa motorsiklo.
03:11Pero nang mapanood ng mabuti ng mga magulang ng bata ang viral video.
03:15Nagpasya silang kasuhan ng driver.
03:17Kanina, nagpunta sila sa public attorney's office para humingi ng tulong legal.
03:21May katanggap-tanggap yung ginawa kasi papatay niyo yung baka eh.
03:32Hindi paano ko natuluyan?
03:34Pasensyaan tayo.
03:36Ikaw may kasalanan nito.
03:37Gagawin ko lang ang nararapat.
03:40Pagdusahan mo kung ano yung katarantado ang ginawa mo sa anak ko.
03:43Pagkatapos dumapit sa public attorney's office ay agad na bumalik dito sa Teresa Municipal Police Station
03:48ang mga magulang ng biktima para humingi naman ng tulong sa pagsasampal ng reklamo.
03:54At sa mga sandaling ito nga, ay hinihahanda na ng mga polis ang reklamong attempted murder laban sa sospek.
04:00Maharapin mo lahat ng konsekwensya sa pinagagawa mo.
04:04Hindi biro ang ginawa mo sa anak ko.
04:06Papatay ka ng tao dahil sa konting gasgas na yun.
04:09Napaka-demonyo niya po, sir.
04:11Nakaharap namin ang driver ng kotse, pero tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
04:15Pinaka-kansela na ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang lisensya ng driver.
04:21Pinagutos ko na po sa LTO na hanapin yung driver na yan.
04:26Kanselihin ang kanyang lisensya habang buhay.
04:29Yung driver na po yan, wala pong karapatan magmanewayan sa kalsada.
04:33Ang dapat po dyan ay talaga sampahan ng kaso at talagang makulong.
04:37Napakasalbahe po eh.
04:39Nakikipag-ugnayan na ang DOTR sa polis siya.
04:42Nakatakda rin maglabas ang show cost order ang LTO laban sa driver.
04:46Para sa GMA Integrating News, ako si June Van Arasyon, ang inyong saksi.
04:57Kahit maging state witness, ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya,
05:01iginit ng BIR na dapat pa rin silang magbayad ng buwis.
05:04Aabot sa may git-pitong milyon piso ang hindi nabayarang buwis ng mga diskaya
05:07mula 2018 hanggang 2021 pa lang yan.
05:12Saksi, si Joseph Moro.
05:14Nasa DOJ kanina, si Pasifiko Curly Diskaya II para sa pagpapatuloy ng case build-up sa mga sangkot umano
05:24sa katiwalian sa flood control projects.
05:27Nag-a-apply para maging state witness na Curly at asawang si Sara Diskaya.
05:32Kanina, naghahain ang BIR ng patong-patong na reklamong tax evasion laban sa mag-asawa.
05:38Mahigit pitong bilyong piso umano ang buwis na hindi nila binayaran mula 2018 hanggang 2021.
05:44Bukol sa hindi raw tamang halaga ng binayaran nilang income tax,
05:49hindi rin bayad ang excess tax ng siyam na luxury vehicles sa mga diskaya.
05:53Iniimbestigahan din ang BIR ang binanggit ng mga diskaya sa Senado
05:57na nag-divest na sila sa kanilang mga kumpanya.
06:00Hindi rin bayad ang buwis patungkol sa paglipat ng mga shares of stock na ito.
06:04Ang mga reklamo ay batay sa tax compliance audit at investigasyon ng BIR sa mga diskaya
06:10mula noong isang taon bago pa man pumutok ang isyo sa mga flood control project.
06:15Binibigyan din natin ng due process na ganyan.
06:21So minsan hindi nila tinatanggap yung mga notices
06:23so kinakailangan pa natin mag-resource sa mga iba't ibang paraan para ma-iserve ito.
06:27Kahit daw maging state witness pa ang mag-asawa,
06:30kailangan nilang bayaran ang buwis.
06:32No comment mo na ako dyan kasi hindi pa namin nababasa.
06:36Kami mga abogado ng spouses diskaya, hindi pa namin nababasa yung complaint ng BIR.
06:44Hawak ng Bureau of Customs ang 13 sa mga luxury vehicle ng mga diskaya
06:48dahil may problema o mano ang mga ito sa dokumento.
06:51Ito po ay nakatakdang dinggin, itong paparating na October 9, 9.
06:56At ito na po yung formal seizure proceedings.
06:59At kapag wala pa rin po itong mga dokumento,
07:02wala pa rin po silang patunay sa pagbabayad ng duties and taxes,
07:06ito na po ay mako-forfeit in favor of the government.
07:09Posibleng ipasubasta ang mga sasakyan kundi talaga mapatunay ang legalang pagkakabili.
07:14Kapag po ang halaga ng sasakyan ay 10 million pataas,
07:18kailangan pa po nito ng final approval ng ating Secretary of Finance.
07:22Kapag less naman po ng 10 million,
07:26ang desisyon po ng commissioner ang magiging final na desisyon patungkol po sa forfeiture.
07:31Sa pagpapatuloy ng investigasyon sa anomalya sa flood control projects,
07:35mayigit 30 individual ang hiniling ng Independent Commission for Infrastructure sa DOJ
07:40na isyuhan ng Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO.
07:44Kabilang dyan, si na dating House Speaker Martin Romualdez,
07:48Sen. Francis Chisa Scudero at umunay campaign donor nitong si Maynard New,
07:52Sen. Gingoy Estrada, Sen. Joel Villanueva at mga dating Sen. Bong Revilla
07:57at Nancy Binay at umunay staff niya na si Carlin Villia.
08:00Gayun din si Commission and Audit Commissioner Mario Lipana
08:03at asawang si Marilu at si Education Undersecretary Trigib Olayvar
08:08na nakalive ngayon sa DepEd.
08:10Kasama rin sina Congressman Roman Romulo,
08:13James Ang, Patrick Michael Vargas, Arjo Atayde,
08:16Nicanor Briones, Marcelino Chodoro,
08:19Eliandro Jesus Madrona, Benjamin Agaraw,
08:22Liodi Tariela, Reinante Arogancia,
08:25Chodorico Jarezco Jr., Dean Asistio, Marivic Copilar
08:28at mga dating Kongresista na si Antonieta Yudela,
08:32Marvin Rillo, Florida Robes at Gabriel Bem Noel.
08:36Gayun din ang ilang DPWH District Engineer.
08:38Sa pamamagitan ng ILBO na momonitor kung lalabas ng bansa
08:42ang mga nabanggit pero hindi silang mapipigilan na makaalis.
08:45The timely issuance of an ILBO
08:50or an Immigration Lookout Bulletin Order
08:54is of utmost necessity to enable the Commission
08:58to proceed without delay
09:00and to hold those liable accountable to the Filipino people.
09:04Yun ang pirma ng Bureau of Immigration na natanggap na nila ang ILBO.
09:08Si PASIG Representative Roman Romulo
09:10tumanggi magbigay ng panayam
09:11ng tanongin ng GMA Integrated News.
09:14Sabi naman ni Sen. Estrada,
09:15may whole departure order siya ngayon
09:17kaya tuwing aalis ng bansa ay nagpapaalam talaga siya sa Sandigan Bayan.
09:22Di raw siya nag-aalala sa ILBO request ng ICI.
09:25Si Congressman Arugansya hindi muna magkukomento.
09:28Sinusubukan naming makuha ang panig ng iba pang pinaiisuhan ng ILBO.
09:32Sunod na sa salang sa ICI
09:34si na dating House Speaker Martin Romualdez
09:36at dating House Appropriations Committee Chairman Saldi Ko.
09:40Nagpadala na ng sabpina ang ICI kay Ko
09:42pero dahil nasa labas ito ng bansa sa ngayon,
09:45idadaan ang sabpina sa House Secretary General.
09:47This is with regard to his personal knowledge
09:51from the time he joined the Committee on Appropriations
09:55of the National Budget Insertions
09:57and his involvement in DPWH flood control projects.
10:02Invitasyon naman ang ipinudala kay Romualdez at hindi sabpina.
10:05The invitation just for in a way a courtesy to an incumbent congressperson
10:12and testify among others on the National Budget Insertions
10:17and involvement in DPWH flood control projects
10:21from the time he became Speaker of the House.
10:24Parehong sa October 14, ipinatatawag ang dalawa,
10:27wala pang bagong pahayag si Ko.
10:30Sabi ni Romualdez, natanggap na niya ang imbitasyon
10:32at handa raw siyang humarap sa ICI.
10:34Pero pwede bang hindi nila siputin ang ICI?
10:37Walang contempt power o kapangyarihan na makapagparusa
10:41ang ICI sa mga hindi sisipot sa kanilang mga investigasyon
10:44pero ayon kay ICI Executive Director, Atty. Brian Osaka,
10:48sa Regional Trial Court sila pwedeng humingi ng contempt order.
10:52Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
10:57Away umano dahil sa iligal na aktividad ang nakikitang motibo ng mga polis
11:01sa pamamaril at pagpatay sa isang lalaki sa Tondo, Maynila.
11:05Ang krimen, nasaksihan pa ng mga bata.
11:08Saksi, sinikawahe.
11:09Nasa computer shop ang mga batang niya
11:15nang dumating ang dalawang lalaking na kasumbrero.
11:17Nakatakay pa muka at may dalang baril.
11:20Maya-maya,
11:21umalingaung-launang sunod-sunod na putok ng baril.
11:25Pinagbabaril na pala ang 36 anyos na lalaking kumakain lang noon.
11:29Mabilis na tumakas ang mga sospek.
11:32Nagtakbuan palabas sa mga bata.
11:34Patay ang biktima.
11:35Nagkaroon sila ng parang awayan sa teritoryo sa kanilang mga illegal activities.
11:40Sinasabi doon, illegal tampering ng tubig,
11:45kasama na rin yung kuryente at mga iba pang mga illegal activities.
11:49Pero ayon sa pamilya, walang illegal na gawain ng biktima.
11:53Hindi lang daw ito pumayag na magpatap ng kuryente sa mga sospek.
11:56Kasi po ang kapatid ko may kuryente load.
11:59Nagkasosyo po siya.
12:01So kasi po yung kuryente load may capacity po yan.
12:04Kapag po kasi sumobra overloaded,
12:07maaari pong sumabog, magkasunog.
12:09Eh gusto po yatang kumunik.
12:12Hindi po napagbigyan ng kapatid ko.
12:15Tapos po mga ilang araw po,
12:17nagsabi po yung kapatid ko sa hipad ko
12:19na may nagbabanta sa kanya.
12:22Pinagbantaan daw po siya
12:23nung gustong magkabit sa kanya.
12:26Nangyari ang krimen nung linggo sa Aroma Compound sa Tondo, Maynila.
12:30Sa pamagitan ng backtracking,
12:32natuntun at naaresto ng Manila polis
12:34ang isa sa tatlong sospek
12:35sa isang bahay sa loob pa rin ng Aroma Compound.
12:38Hindi humarap sa kamera,
12:40pero itinanggi niya ang krimen.
12:41Ayon sa polis siya,
12:42kilala na rin nila ang dalawa pa niyang kasama.
12:45Yung dalawang kasambot niya,
12:46yung isang lookout at yung isa pa
12:47na kasamahan din na pumasok doon sa
12:50presidente o bahay nitong biktima natin
12:53at large.
12:54Pero ganun pa man, na-identify ito
12:56at kasama ito dito sa naisampang kaso sa kanila.
12:59Ito nga yung murder by shooting.
13:01Para sa GMA Integrated News,
13:03ako si Niko Wahe,
13:04ang inyong saksi.
13:05Kasunod ng pagbagsak ng tulay sa Alcalacagayan,
13:08magtatayo ng detour bridge
13:10na may mas mataas na kapasidad
13:12ayon sa DPWH.
13:14Bahagi din ng ebisigasyon,
13:15ang kakulangan umano ng maintenance sa tulay
13:17na kinakalawang na.
13:18Saksi, si Jasmine Gabrielle Galban
13:21ng GMA Regional TV.
13:26Batay sa nakita ni Public Works
13:28Kriteri Vince Dizon
13:29nang inspeksyonin ang pigatan bridge
13:31sa Alcalacagayan,
13:32posibli daw na hindi lang overloading
13:34ang dahilan kung bakit bumagsak ang tulay.
13:36Kung makikita nyo,
13:38maraming mga dugtungan,
13:40medyo karawang na.
13:43At dahil dyan,
13:44talagang yung bakal na yan,
13:47pagka talagang mabigat,
13:48yan nga ang kumakapit doon sa buong bridge.
13:511980 pa'y tinayo ang pigatan bridge
13:53at mula noon,
13:55minsan lang isinailalim sa retrofitting.
13:57Ayon kay Dizon,
13:58may pagkukulang sa maintenance ng tulay
14:00at dapat daw may managot dito.
14:02Since 1980,
14:03nung natayo siya,
14:04ang unang retrofit ay 2016 nga.
14:08Sinabi sa akin ni RD.
14:10At nakita ko yung budget nung 2016,
14:1311.7 million nga.
14:15Ang liit nun.
14:16So sabi ko nga,
14:17saan napunda yun?
14:18Ako mismo,
14:19gobernador ng Cagayan,
14:21I'm a responsibilidad dito
14:23bilang tatay ng Cagayan.
14:25Responsibilidad ko,
14:26sana nakita ko yan
14:27na kailangan na ng ripe.
14:30Bumagsak ang tulay
14:31matapos sabay-sabay dumaan
14:33ang ilang kargadong truck
14:34na lagpas umano sa weight limit.
14:36Pero para sa alkalde ng Alcala,
14:38hindi raw dapat
14:39mga truck driver lang ang sisihin.
14:40Hindi lang to simple
14:42ang kaso ng overloading
14:43na we will shift all the blame
14:45doon sa dumaan na trucks
14:48and yung mga owners ng trucks.
14:50Considering na,
14:51unang-una,
14:53itong bridge na ito,
14:56ang pigatan,
14:57ay nasa
14:58Maharlika National Highway,
14:59which is the main highway.
15:02Kung hindi dito sa bridge na ito
15:04at sa kasadaanan
15:05ng Maharlika National Highway,
15:07saan dadaan?
15:08Overloaded sige.
15:10Di ba?
15:10So titignan natin lahat.
15:12No, lahat yan.
15:13Hindi kang isang may kasalanan dito.
15:16Maraming may kasalanan dito.
15:17Pero, again,
15:18puunahin natin yung solusyon.
15:21Ayon kay Dizon,
15:22sa ngayon,
15:23gagawa raw
15:24ng detour bridge
15:25sa tabi ng bumagsakatulay.
15:26Di tulad sa pigatan
15:28na hanggang 18 tons lang
15:29ang capacity.
15:30Gagawin daw hanggang 40 tons
15:32ang itatayong detour bridge.
15:34Simula bukas,
15:35ay sisimulan na
15:35ang konstruksyon ng detour
15:36dito sa barangay Pigatan
15:38sa bayan ng Alcala.
15:39At ayon sa DPWH,
15:40posibleng tumagal daw
15:41ng halos dalawang buwan
15:42bago matapos ang detour
15:43at pwede nang madaanan
15:44ng lahat ng uri
15:45ng mga sasakyan.
15:47Para maiwasang
15:48maulit ang nangyari sa Alcala,
15:50minomonitor ngayon
15:50ang apat pang lumang tulay
15:51sa Cagayan.
15:53Magpapatupad ng traffic plan
15:54upang hindi sabay-sabay
15:55ang pagdaan
15:56ng mga mabibigat
15:57ng sasakyan sa tulay.
15:58Plano rin ang DPWH
16:00na gumawa ng kaparehong
16:01detour bridge sa mga ito.
16:03Kinausap na rin ni Dizon
16:04ang sekretary ng DOTR
16:06sa posibilidad
16:06na isakay sa barge
16:08mula Port Irene
16:09ang mga produktong palay
16:10at mais
16:11na ibabiyahe sa Central Luzon.
16:13Para sa GMA Integrated News,
16:15ako si Jasmine Gabriel Galba
16:16ng GMA Regional TV.
16:18Ang inyong saksi!
16:19Mga kapuso,
16:22maging una sa saksi!
16:24Mag-subscribe sa GMA Integrated News
16:25sa YouTube
16:26para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended