00:00Nasawi sa pagsabog sa pagawa ng baril sa Marikina City, umabot na sa dalawa.
00:07Ayon sa Marikina Police, base sa napanood nilang CCTV footage,
00:11sumabog ang isang container ng primer mixture nang ilipat ito ng isa sa mga empleyado
00:15mula sa katabing mesa papunta sa kanilang work table.
00:19Nasawi ang may hawak ng container, pati ang katabi niyang napuruhan sa dibdib.
00:23Nakaligtas ang kasamahan nila dahil may shield sa gitna ng work table.
00:27Nakalabas na siya sa ospital.
00:29Ang sabi ng EOD, possible mishandling of mixture due to high sensitivity due to impact.
00:39Doon sa paglapag niya, napalakas yun kasi yung impact and sensitive yun.
00:44Base sa inisyal na investigasyon, sumunod sa safety protocols ang ARMS Corps.
00:49Ayon sa ARMS Corps, mahigpit ang kanilang ipinatutupad na safety standards
00:53dahil alam nilang delikado at sensitivo ang proseso.
00:56Dinesenyo raw ang maliit na kwarto para makontain ang pagsabog.
01:00Tutulungan daw nila mga biktima na regular employees ng kumpanya.
01:04If one of them had children, I will make sure the children are taken care of to their grown-ups.
01:10At least, minimum.
01:12Chinese Ambassador Huang Siliani, pinatawag ng Department of Foreign Affairs,
01:17kaugnay sa pagbabawal kay dating Sen. Francis Tolentino na makapasok sa mainland China, Hong Kong at Macau.
01:23Ayon sa DFA, bagamat legal na karapatan ng China ang magpataw ng mga sanksyon,
01:28ang pagpaparusa sa isang inihalal na opisyalda sa paggampan ng kanyang trabaho
01:33ay inconsistent o hindi naayon sa pamantayan ng mutual respect at dialogo.
01:39Pinahahalagahanan nila ng Pilipinas ang freedom of expression at tungkulin ng mga senador
01:44at iba pang opisyal na kwestyonin ang mga isyo kaugnay sa national at public interest.
01:50Suportado naman ni Tolentino ang hakbang ng DFA.
01:53Iginiit naman ang Chinese Embassy na meron talagang pagbabayaran sa pananakit sa interes ng China
01:58at pinatawa ng parusa si Tolentino dahil sa inasal nito kaugnay ng mga isyo na may kinalaman sa China.
02:05Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
02:11Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:14Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
02:19Mga kapuso, maging una sa saksi.
Comments