00:00Kabilang na rin ang Iglesia Ni Cristo sa mga nananawagan na gawing transparent o bukas ang ginagawang investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:09Sa pahayag ni Ka Eduardo Manalo, ang tagapamahalang pangkalata ng INC na binasa ni INC spokesperson Ka Edwil Zabala,
00:17dapat daw masaksihan ang sambayanan ng mga ginagawang pagdinig ng ICI.
00:21Dapat din daw magpatuloy ang ginagawang investigasyon ng Senado.
00:24Para raw magkaroon ng kapayapaan, kailangang patuloy na investigahan ang malawakang katiwalian ng walang kinikiligan o pinagtatakban.
00:33Hindi rin makatutulong ang investigasyon ng ICI sa palihim nitong pag-iimbestiga.
00:40Ano pat anuman ang maging resulta nito ay posibleng hindi maging katanggap-tanggap sa mga mamamayan
00:47at makadagdag lamang sa nagaganap na kaguluhan at kawalang katiyakan.
00:55Kailangang bukas at dapat masaksihan ng sambayanan ang mga pagdinig sa isinasagawang investigasyon.
Comments