Skip to playerSkip to main content
Palalawigin pa hanggang Disyembre ang import ban sa bigas, ayon sa Department of Agriculture. At para matulungan ang mga magsasaka, isinusulong din sa Kamara ang pagbalik sa 35% na taripa sa imported rice at kapangyarihan ng NFA Na bumili ng mas maraming palay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Palalawigin pa hanggang Desyembre ang import ban sa Bigas ayon sa Department of Agriculture.
00:06At para matulungan ang mga magsasaka, isinusulong din sa kamera ang pagbalik sa 35% na taripa sa imported rice
00:15at kapangyarihan ng NFA na bumili ng mas maraming palay.
00:20Nakatutok si Maki Pulido.
00:24Pangako ng gobyerno ng isa batas ang Rice Tarification Law noong 2019.
00:29Babahain tayo ng imported na bigas dahil sa mas mababang taripa at magmumura ang bigas.
00:34Pero matapos ang 6 na taon, idineklara kamakailan ni Pangulong Bongbong Marcos
00:38ang dalawang buwang ban sa pag-iimport ng bigas hanggang Oktubre.
00:42At kanina sa kamera, sinabi ni House Speaker Faustino Dina, palalawigin pa yan hanggang Desyembre.
00:48Isusulong din daw ng kamera na ibalik sa 35% ang taripa sa imported rice mula sa kasalukuyang 15%.
00:55Kailangan ipatupad ng Department of Agriculture ang maayos na sistema ng mga importer.
01:03Bago sila payagang mag-angkat,
01:06kailangan munang maglaangin sila ng pondo na galing sa private sector
01:11na katumbas ng halaga ng kanilang importasyon.
01:15Gusto rin ibalik ng kamera ang kapangyarihan ng National Food Authority o NFA
01:19na bumili ng mas maraming palay sa presyong kikita ang mga magsasaka.
01:23Hindi lang maibalik ang puhunan niya.
01:25Is it of your considered opinion that RA 11203
01:31on the absolute liberalization of importation of rice was a mistake?
01:43Tungko sa liberalization ng importation ng rice, Mr. Chair, yes, it was a mistake.
01:48Pero kahit may umiiral na import ban sa bigas, bagsak presyo ang farm gate price ng palay.
01:558 pesos per kilo lang ang bentahan ng wet palay,
01:58kalahati ng 16 pesos na presyo para makabawi ang mga magsasaka.
02:02Sabi ng PCC o Philippine Competition Commission,
02:05kailangan pag-aralan kung importer rin ang bumibili ng palay.
02:09Kung parehas na role ng importer at role ng pagbili ng palay
02:15at meron siyang kakayahang mag-dictate ng mas mababang presyo,
02:22kung nasa kanya po ang supply from imports,
02:26wala po siyang incentive na taasan ang presyo sa pagbili sa mga farmers.
02:31Bakit sa aktual, hindi pa ginagawa ang mga ganitong investigasyon ng PCC?
02:35Hindi po namin nakita kung meron silang local buying arm.
02:40Titignan pa po namin if we go deeper.
02:42Sometimes po kasi hindi naman outright nakalagay doon sa ano nila.
02:46It's like may layers po sila.
02:48Sa 2026 national budget,
02:50nangako si Dina may ilala ang 7,000 pesos na cash assistance para sa mga magsasaka.
02:56Pero sabi ng DA,
02:571 milyon lang sa nasa 4 milyong magsasaka ang mabibigyan nito.
03:01Para sa GMA Integrated News,
03:03Mackie Pulido na Katuto, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended