00:00Magandang hapon po sa ating lahat. Ito na po ang ating latest weather update ngayong araw.
00:05Simulan po muna natin sa update ukol dito sa Bagyong Paolo,
00:09na ngayon ay nasa labas na nga po ng ating Philippine Area of Responsibility
00:13at tinatawag na natin siya sa international name na MATMO.
00:17Ngayon ay severe tropical storm category pa rin po ito habang binabaybay ang South China Sea.
00:23Meron pa rin po itong taglay na hangin na abot sa 110 km per hour
00:28at pagbugso na abot sa 135 km per hour.
00:33Continue po ito, kumikilos pa rin pa west-north westward sa bilis na 25 km per hour
00:38at sa ating nga pong pagtaya ay pupunta na din po sa may South China Area.
00:43Before maglandfall, posible pa rin po itong mag-intensify bilang isang typhoon category.
00:49At kanina nga pong alas 11 ng umaga ay wala na nga po tayong wind signal na nakataas sa anumang bahagi ng ating bansa
00:56dahil malayo na nga po itong si Bagyong Paolo sa ating mga kalupaan.
01:02At yun na lang pong posibleng mga epekto, yung mga pagbugso-bugso mga hangin
01:07dito po sa may northern Luzon area dahil po dito sa Bagyong Paolo.
01:12Pero mainly, southwest munso na po ang nakaka-apekto sa ating bansa.
01:18Specifically po, yung cloudy skies po tayo doon sa may Palawan, Occidental Mindoro, pati na rin po sa may Zambales
01:26at Bataan, kaya posible po yung mga pagulan at yung makulimlim na panahon na sinamahan din po ng mga pagkulog at pagkidlat.
01:35Kahit mag-ingat yung ating mga kababayan dyan dahil posible po yung mga localized floodings.
01:41Pero sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman po ng ating bansa, asahan naman po yung generally fair weather conditions.
01:48So maaliwalas po tayo sa umaga, ngunit pagdating ng hapon at gabi ay magkakaroon po tayo ng mga thunderstorm activities.
01:57Next naman po natin, ito naman pong tropical depression na nasa labas pa ng ating Philippine Area of Responsibility.
02:03Ito nga po ay low pressure area pa kaninang umaga, ngunit ngayon po ay nag-develop pa ito further at naging bagyo.
02:11Meron po itong dalawang posibleng senaryo, posible po ay hindi po ito pumasok ng PAR
02:17kung mag-i-interact po ito doon sa stationary front na nasa may Japan area at magre-recurve na lang po o dederecho papunta sa may Japan.
02:27Pangalawang senaryo naman po ay mag-i-interact ito sa may high pressure area naman po dito at hihilahin po nito pababa yung track ng itong bagyo
02:38at posibleng pumasok nga ng ating Philippine Area of Responsibility by Monday or Tuesday.
02:44Ngunit inaasahan naman po natin na kahit pumasok po ito ng PAR, ay hindi natin ito nakikitaan ng direktang epekto sa anumang bahagi ng ating bansa.
02:55Posibleng nga po dito lamang po siya sa may northern boundary ng PAR at mag-i-exit din naman po na hindi po nagbibigay ng direktang epekto sa anumang bahagi ng ating bansa.
03:08At ngayon nga po ay minomonitor pa rin po natin ito sa posibleng development at paggalaw po nitong ating bagong bagyo.
03:18Kaya't mag-antabay lamang po tayo sa updates galing dito sa pag-asa.
03:22Ito naman po ang ating aasahan ng mga panahon bukas.
03:26So dito po sa Luzon, aasahan po natin habang papaliyo nga po si Paulo, ay hihilahin din po niya ang habagat papaliyo sa atin.
03:34At magkakaroon po tayo ng maaliwalas na panahon.
03:38So mainit sa umaga, maalinsangan din po, ngunit sa pagdating naman po ng hapon, posible yung mga bigla ang pag-ulan dahil po sa thunderstorms.
03:48Ito po yung mga agwat ng temperatura natin, posibleng pumalo hanggang 32 degrees Celsius dito po sa Metro Manila at dito rin po sa May Tuguegeraw.
03:57At 31 degrees Celsius naman po ang inaasahan natin dito sa lawag, pati na rin po sa Miley Gatsby City.
04:05Tumako naman po tayo sa Palawan, Visayas at Mindanao.
04:09Habang papaliyo nga itong ating bagyong Paulo, ay mainit na din po dito sa Palawan, Visayas at sa Mindanao.
04:17So, liban na lamang po sa mga tsyansa ng mga thunderstorms sa hapon, ay wala po masyado tayo mga pag-ulan.
04:24Ito po yung ating mga agwat ng temperatura dahil mainit, posibleng pumalo.
04:29Sa 32 degrees Celsius yung ating temperatura dito sa Puerto Princesa, sa Zamboanga, pati na rin po sa May Tacloban,
04:37Cagayan de Oro at sa May Davao.
04:3931 degrees Celsius naman po sa May Iloilo at Cebu at 30 naman po dito sa May Kalayaan Islands.
04:46Sa ating sea conditions, wala na din po tayo nakataas na Gale Warning sa anumang baybaying dagat ng ating bansa.
04:53Ngunit po ay mag-ingat lamang po yung ating mga kababayan dito sa May Northern at sa Western sections ng Northern Luzon
05:00dahil posible pa rin po yung mga katamtaman hanggang sa maalo na karagatan dahil pa rin kay Bagyong Paulo.
05:07Pero inaasahan natin na habang papalayo ito, ay magiging banayad na lamang hanggang katamtaman ang kanilang mga sea conditions.
05:16Ito naman po ang ating inaasahan sa Lunes hanggang sa Mierkoles.
05:21At yun nga po, wala naman po tayong nakikita na sama ng panahon na posible nga po magdala ng mga malawakang pag-ulan dito po sa Luzon area.
05:31Sa halip po yung Southwest Monsoon ay maaaring maka-apekto naman po sa may Palawan, Visayas at sa Mindanao.
05:39Kaya't asahan po natin sa Palawan, magkakaroon po tayo ng cloudy conditions pagsapit naman po ng Martes hanggang sa Mierkoles.
05:47Pero other than that po, generally fair weather conditions tayo, liban na lamang sa mga thunderstorm activities sa afternoon to evenings.
05:54Sa Visayas naman po, ganun din yung ating aasahan.
05:58Sa buong Lunes hanggang sa Mierkoles ay meron po tayong mainit at malinsangang umaga, may chance lamang na mga pag-ulan sa hapon.
06:08Dito naman sa Mindanao ay sila po yung makakaranas ng mga epekto naman na cloudy skies with scattered rains and thunderstorms
06:15nitong ating habag at pagsapit ng Martes hanggang sa Mierkoles.
06:20Sa Lunes ay magkakaranas po tayo ng mainit at malinsangang panahon na may chance po ng mga thunderstorm activities.
06:28Pero magkakaroon nga po tayo ng mga pag-ulan na posible nga po moderate to heavy rains dahil po sa habag at
06:35kaya't mag-ingat yung ating mga kababayan sa posibilidad ng localized floodings.
06:41Para po sa Kalakhang, Maynila, ang araw po ay lulubog mamayang 5.43pm at bukas naman po ay sisikat ng 5.46am.
06:50Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang mga social media pages ng ating DOST Pag-asa sa ex-Facebook at sa YouTube
06:59at para sa mas detalyadong impormasyon, bisitahin ang ating website sa pag-asa.dosc.gov.ph
07:06at para sa mga thunderstorm activities, heavy rainfall warnings at rainfall advisories, bisitahin lamang din po ang ating panahon.gov.ph website.
07:16Muli ito po si Lian Loreto. Mag-ingat po tayong lahat.
Be the first to comment