00:00This is Philippine Gold Club.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:17Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:21Walang bitawan ang saray natin pagbabantay sa Bagyong Paulo at sa epekto ng Lindol sa Cebu,
00:28gayon din sa iba pang malalaking balita.
00:31Malalakas na ulan at hampas ng hangin ang dala ng Bagyong Paulo sa malaking bahagi ng Luzon,
00:37kabilang sa Aurora at Isabela.
00:42At buong pwersa pa rin ang GMA Integrated News dito sa Cebu,
00:47kung saan marami pang kailangang tulungan kasunod ng magnitude 6.9 na Lindol.
00:58Unahin na natin ang epekto ng Bagyong Paulo na humagupit sa Aurora mula kaninang umaga.
01:13Umabot pa sa Signal No. 4, ang pinakamataas na babala roon,
01:18kaya libo-libo ang pinalikas.
01:21Nakatutog doon live si Sandra Aguinaldo.
01:24Mal, simula nga alas 12 ay unti-unti nang humupa ang ulan at hangin na dala ng Bagyong Paulo.
01:35Pero alam mo, Mal, umabot kami hanggang Signal No. 4 kanina
01:38dahil nga po sa matinding ulan at hangin na dala ng bagyo.
01:48Madilim pa nang magparamdam ang Bagyong Paulo kaninang umaga.
01:51Pagliwanag, mas tumambad ang babala ng parating na bagyo.
02:00Signal No. 3 kanina sa Hilagang Aurora, kabilang ang bayan ng kasiguran at dilasag.
02:07Ramdam yan sa lakas ng mga alon at hangin.
02:10Bawal pumalaot dahil mapanganib ang dagat.
02:13Kaya mapalad pang nakabalik ang bangkang ito sa pangpang.
02:19Pero ang barkong ito na nagkobli malapit sa pantalan,
02:23hindi nakaligtas sa tila galit na ulan at hangin.
02:27Ilang kable ng kuryente rin ang lumaylay o naputol.
02:31Umapaw naman ang ilog na ito sa barangay Minanga.
02:35Sa barangay Dibakong, na nasa tabing dagat,
02:37pinakiusapan ang mga nakatirang residente sa baybayin na lumikas na.
02:44Pagsapit ng alas 10 ng umaga,
02:47itinaas ang signal No. 4 sa Hilagang Aurora.
02:51Doon naramdaman ang pinatindi pang hagupit ng bagyo.
02:57Signal No. 4 na po dito sa kasiguran Aurora.
03:01At ito pong makikita nyo sa aking likuran,
03:04yung dagat po, parang namumute dahil tumaas na yung alon.
03:09Kanina po, yung nakikita nyo ay mas malaki pa yung portion ng buhangin na makikita.
03:15Pero ngayon po ay natakpa na nga po ng dagat.
03:19Yung patak po ng ulan, patagilin.
03:21At pag tumama po sa mukha ninyo ay medyo masakit.
03:24Parang tumutusok siya dahil na rin po sa lakas ng hangin na dala ng bagyong paulo.
03:32Pero may mga kababayan pa rin tayong mas piniling manatili sa tirahan malapit sa dagat.
03:38Si Aling Emily, naghanda na raw ng pagkain ng pamilya,
03:42pero nakahanda rin ang gamit sa paglikas.
03:45Ano naman po pa si araw siya.
03:48Maliban kung halimbawa gabi, lilipat talaga kami.
03:51At saka yung tubig naman sa amin ay kumbaga ngayon, hindi siya malalim.
04:00Sa barangay hall ng dibakong, lumikas ang ilang residente habang ang iba nakituloy muna sa mga kamag-anak.
04:08Ngayon po, mas maganda na lang din po na maging handa sa lahat ng oras.
04:13Kung may time pa mag-evacuate, mag-evacuate tayo.
04:16Melsa ngayon ay wala pa rin kuryente dito sa bayan ng kasiguran.
04:26Ang evacuaries naman po dito ay halos dalawang libo.
04:29At meron din pong dalawang libo na evacuaries naman sa katabing bayan ng Dilasag.
04:35Sa kabuan po ay nasa walong libo yung evacuaries ng probinsya ng Aurora.
04:40Magkasama na po dyan yung mga nasa evacuation center at mga nakituloy sa kanilang mga kaanak.
04:46Yan muna po ang pinakahuling ulat mula dito sa Aurora.
04:50Mel?
04:50Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
04:53Nawala naman ng kuryente sa ilang bayan sa Isabela kung saan nag-landfall kanina ang bagyo.
05:00At mula sa Echagia, Isabela, nakatutok live si Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Rinal TV.
05:06Jasmine!
05:10Vicky, aabot na sa halos 2,700 na pamilya ang nasa mga evacuation center sa iba't ibang bayan dito sa probinsya ng Isabela.
05:18Pero ayon sa PDRRMO, posibleng tataas pa yung bilang, especially dahil sa ngayon nga ay tuloy-tuloy pa rin yung paglilika sa mga residenteng nakatira sa mga low-lying barangay.
05:37Sabay sa malakas na buhos ng ulan, ang hanging tila nagpasayaw sa mga puno sa dinapigay, Isabela.
05:44Alas 9 ng umaga na mag-landfall dito ang Bagyong Paulo.
05:49Halos wala rin santuhin ang kambal na lakas ng ulan at hangin sa Divilacan, Isabela.
05:54Pati sa Echagia, Isabela.
05:57Kung saan halos mahulog ang signage ng isang electric cooperative dahil sa hangin.
06:02Nabuwal din ang isang punong kahoy.
06:04Sunod-sunod ay nilikas ang mga taga-barangay Kabugaw.
06:07Meron pa po tayong mga residente doon sa mababang lugar.
06:12At kung tumaas po yung tubig, ma'am, pwede po namin silang pilitin at dadalhin dito.
06:17Kabilang sa mga nasa evacuation center, si Mayra.
06:21Kasama niyang lumikas ang dalawang taong gulang na anak dahil sa pangambang mabagsakan ng mga punong kahoy ang kanilang bahay.
06:27Malakas po yung hangin ka ninyo.
06:28Kaya tayo pinigiligas na para?
06:32Para mas safe po.
06:33Baka madagalan po kami ng puno.
06:35Isa ang ilog na ito sa binabantayan ng lokal na pamahalaan dito sa bayan ng Echagia.
06:40Mabilis kasi yung pagtaas ng antas ng tubig sa ilog.
06:43At kapag umapaw na yung tubig dito mismo sa tulaya, ay babahain na ang ilan sa mga barangaya dito sa bayan.
06:51Bumuti man ng panahon, bandang hapon ay tuloy ang banta ng pagbaha.
06:54Kaya tuloy ang paglilikas.
06:56Patuloy pa rin namin minomonitor yung aming mga major bridges at saka yung mga major roads.
07:02Para maabisuhan din namin yung mga kabarangaya, if possible pa.
07:07Mahigit limanda ang pangilya na ang nilikas sa buong probinsya.
07:10Karamihan ay mula sa mga baybayin ng Divilakan, Makunacon at Echage.
07:15Nawala ng supply ng kuryenteng ilang bayan sa Isabela.
07:18Vicky, as of 6pm ay wala pa rin supply ng kuryente sa ilang barangay sa labing pitong lugar dito sa probinsya ng Isabela.
07:30Samantala, as of 5pm naman ay 6 nanagates ng magatdam ang nakabukas at nagpapakawala ng tubig.
07:37Sa ngayon, tuloy-tuloy ang sinasagawang clearing operation ng otoridad sa iba't ibang bayan dito sa probinsya ng Isabela.
07:43Vicky, maraming salamat at ingat, Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
07:49Ramdam din ang hagupit ng bagyong paulo hanggang sa katimugang bahagi ng Luzon.
07:55Sa lakas ng ulan, binahana ang ilang kalsada at bahay, may binabantayan din ilog na pinangangambahang umapaw.
08:04Mula sa Batangas po, nakatutok live si Mark Salazar.
08:08Mark?
08:09Mel, ginising ang umaga ng Batangas ng pagbaha na dulot ng thunderstorm muna sa una pero itinuloy ng epekto ng bagyong paulo.
08:22Wala rito storm warning signal pero hindi naman hangin ang naging kalaban dito, kundi tubig.
08:28Gumising ang mga taga-barangay Santa Ana sa Kalatagan, Batangas, sa ulang nagdulot ng halos zero visibility dahil sa lakas.
08:40Alas 5 na madaling araw pa lang ay may yellow rainfall warning sa buong Batangas dahil sa thunderstorm.
08:47Tuloy-tuloy na ang ulan dahil sa epekto ng bagyong paulo, kaya kinan sila ang klase sa ilang lugar.
08:52Bago mag-alas 8 na umaga, hindi na madaanan ng anumang klase ng sasakyan ang Lemery-Taal Bypass Road dahil sa bahang umabot na sa tuhod.
09:05Gutter deep naman sa Palanas Road sa Lemery kaya tumukod ang traffic kahit maaga pa lang.
09:10Sa Lian, Batangas naman, binabantaya ng munisipyo ang Bagbag River at Palico River.
09:16Paunti na lang ay aapaw na ang tubig sa Bagbag Bridge, kaya nakaantabay ng lumika sa mga residente.
09:23Saglit ding na-isolate ang ilang barangay gaya ng Kapito na nagpatupad ng rerouting sa ilang kalsada ng Lian.
09:31Parang ilog naman ang ragasan ng tubig sa mga kalsada ng barangay Bilibinwang.
09:36Mag-hapon ang clearing operation ng mga tauhan ng munisipyo sa tulong ng Philippine Coast Guard at DPWH.
09:44Mag-aalas 4 na ng hapon, bahagyang humupa ang baha sa diversion road ng Lemery kaya nakadaan na ang mga sasakyan.
09:51Kanina pang tila ang ulan dito kaya nakahupa na rin ang maraming baha sa buong probinsya.
10:02Pero nagpapatuloy pa rin at marami-rami pa ang clearing operation na gagawin dahil doon sa mga debris na nagkalat sa mga kalsada, Mel.
10:12Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
10:14Hindi naman napigil ng bagyo ang mga protesta kontra katiwalian ngayong Bernes.
10:26May lumusong pa sa baha at nagparada ng ataol.
10:30Alamin kong bakit sa pagtutok ni Maki Pulido.
10:32Nag-marcha sa kalsadang lubog sa baha ang ilang grupo ng mga kabataan sa Makabebe, Pampanga.
10:42Ipinarada nilang isang ataol na simboloan nila ng kanilang pagkundina sa pangungurakot ng perang para sa mga flood control project.
10:50Isa ang bayan ng Makabebe sa mga laging nakakaranas ng pagbaha kaya lubog ang mga bahay, kasada, pati sementeryo.
10:57Sa Maynila, maulan at makulimlim pero tuloy ang protesta ng ilang grupo laban sa korupsyon.
11:06Nag-walkout sa klase ang ilang mga guro mula sa iba't ibang paaralan sa Metro Manila at nag-marcha patungong Nendjola.
11:13Ngayong Teachers Month, hindi lang dagdag na benepisyo at sweldo ang ipinaglaban ng mga guro.
11:18Kinundin na rin nila ang korupsyon sa gobyerno.
11:20Kaming mga nagtuturo ng magandang asal, kaming nagtuturo ng tama, dapat lang naiturutin namin na mali yung ginagawa ng ating gobyerno.
11:30Kulang na kulang ang pangsweldo sa mga teachers, kulang ang mga classroom, ang mga libro, mga kagamitan.
11:37Samantala, yung pondo ng taong bayan, napupunta sa bulsa ng ilang mga politiko, mga kontraktor.
11:44Sa prusina!
11:46Sa prusina!
11:46Ang ibang grupo naman ng mga kabataan nag-noise barrage sa People Power Monument sa EDSA.
11:53Hindi ang nila dapat tantanan ng pagbabantay, lalo na tang ilan sa mga nag-iimbestiga sa Senado at Kamara, sangkot din umano sa anomalya.
12:01Naniniwala po kami na dapat hindi lang isang beses ang kilos protesta.
12:05Dapat araw-araw itong pinapakita ng mga kabataan.
12:08Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Oras.
12:12Problema rin ang baha at landslide sa ibang probinsya dahil pa rin sa Baguio, sa Marivele, sa Bataan.
12:20Nasa itaas na ng kanika nilang bahay ang ilang residente dahil abot dibdib ng tubig.
12:27Nakatutok si Jonathan Andal.
12:29Halos tangayin ang mga punong yan sa lakas ng hangin sa kasiguran aurora na may kasabay ng malakas na ulan.
12:40Bandang alas 8 ng umaga nang simulang hagupitin ng Bagyong Paulo, ang bayan, kaya nawalan ng kuryente roon.
12:47Halos sanlibo na ang inilikas mula sa dalawampung barangay.
12:51Binahari ng bahagi ng kalsadang ito sa bayan ng Dilasag, kung saan halos apat na raan naman ang inilikas.
12:59Binayo rin ng malakas na hangin at ulan ang dinapigay Isabela.
13:06Habang sa syudad ng ilagan, nagtumbahan ang mga puno at karatula.
13:11Inabot na rin ang baha ang ilang kalsada dahil sa umapaw na Cagayan River.
13:16Hanggang dibdib naman ang kulay putik na baha sa Mariveles, Bataan.
13:22Tuloy-tuloy kasi ang pagulan.
13:23Ayon sa uploader, nasa second floor na ng kanilang mga bahay ang ilang residente.
13:27Habang nakikituloy ang iba pa.
13:32Sa isa pang purok sa bayan, pahirapan na ang pagdaan ng mga motorista dahil sa malakas na agos ng tubig.
13:39Ganyan din sa ilang kalsada sa San Felipe Zambales.
13:42Kahit ang malalaking sasakyan, pahirapan na sa pagbiyahe.
13:44Sa lawag Ilocos Norte, itinali na ng mga mangingisda ang kanilang bangka para hindi tangayin ang malalakas na alon.
13:53Pinaguho naman ang malakas na ulan ang lupa sa bahagi ng Bontoc Mountain Province.
13:59Kaya hindi na madaanan ng mga motorista.
14:01Pinalilikas na rin ang mga naninirahan malapit sa Chico River sakaling umapaw ito.
14:07Nagpabaharin ang malalakas na pagulan sa Tagbilaran City sa Buhol.
14:11Kaya hirap na naman ang ilang motorista.
14:14Stranded naman sa Tabaco Port sa Albay ang mahigit dalawandaang pasaherong patungusan ng Katandwanes.
14:20Bawal muna kasi ang paglalayag dahil sa Bagyong Paulo.
14:23Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
14:29Sinabayan ng high tide ang malakas na ulan kaya bumaha sa bahagi ng Dagupan City, Pangasinan.
14:35Apektado tuloy ang kabuhayan ng ilang residente.
14:38Nakatutok doon live si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
14:43Sandy.
14:47Vicky, kanina lang ay naglabas ng panawagan ang kapitulyo sa mga residente
14:51na huwag munang pumalaot, tumawid o maligo sa mga ilog dahil sa epekto nito nga Bagyong Paulo.
15:02Pasado alas 12 ng tanghali ng maramdaman ang malakas na ulan sa Pangasinan.
15:07Nakataas na noon ang Tropical Wind Signal No. 2 sa hilagang bahagi ng probinsya, kabilang ang Dagupan City.
15:13Pero bago pa yan ay malalim na ang baha sa barangay Pogo Chico kaninang umaga.
15:18Magdamag na kasi ang ulan kagabi na sinabayan ng high tide, kaya pahirapan sa pagtawid sa Zamora State ang mga sasakyan.
15:25Habang ilang residente lumusong na sa baha.
15:27Inaabisuan po namin na sila na lumikas na po.
15:30Lilipat po namin sila sa Astrodome at sa West 1 po.
15:34Binahan na rin ang ilang bahay.
15:36Pag high tide ganito na dyan sir, kaya mahirap araw-araw pa ganito.
15:41Kunting ko lang, malaki na yung baha.
15:43Apektado rin ang hanap buhay ng marami.
15:46Tulad ng 63 anyos na si Tatay Pepito, kargador sa palengke.
15:50Walang hanap buhay ngayon eh.
15:51Hindi ka makapuro, mapuro baha.
15:53Bandang tanghali rin nang magsimula ang pabugsu-bugsung ulan at hangin sa Baguio City.
15:58Nagtuloy-tuloy ito hanggang hapon.
16:00Vicky, narito ako ngayon sa Pogo Chico sa Dagupan City kung saan binabaha pa rin yung ilang kalsada.
16:11Samantala, pinag-iingat at inaabisuhan ang mga residente na lumikas agad kung kinakailangan.
16:18Vicky.
16:19Maraming salamat sa iyo, Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
16:22Excited si Mika Salamanca dahil tila 24-7 na naman silang magkakasama ng mga ex-housemates
16:33not in PBB pero sa lock and taping ng series na Secrets of Hotel 88.
16:38And speaking of ex-housemates, may payo rin iniwan si Mika para sa kaibigang si Shubi Etrata.
16:44Nakatutok si Nelson Canlas.
16:46Good old PBB days are back para kay Celebrity Collab Edition Kapuso Big Winner Mika Salamanca
16:55dahil magkakasama na naman sila ng mga kapwa niya ex-housemates na sina AC Martinez,
17:02Dustin Yu, Josh Ford, Will Ashley, pati na sina Brent Manalo, River Joseph,
17:08Bianca De Vera, Kira Ballinger, Esnir, Cyril Manabat at Ralph DeLeon.
17:15Sa lock-in taping ng collab series ng GMA at ABS-CBN ang The Secrets of Hotel 88.
17:22Namiss nga raw ito ni Mika, lalo't araw-araw silang magkakasama noon sa loob ng bahay ni Kuya.
17:29Naglalakuhan kami na parang, hala magkakasama na naman tayo.
17:31Hindi naman ito iba sa PBB, ganyan-ganyan.
17:34And masaya po ako kasi, at least comfortable na po ako kami sa mga nakakatrabaho po naman.
17:39Naglabas na ng teaser sa follow-up season ng PBB Celebrity Collab Edition.
17:45Bilang isa sa big winners ng unang season, nagbigay ng tip si Mika.
17:50Ang tip ko lang lagi na sinasabi is mabuhay ka sa loob ng bahay ni Kuya.
17:54Mabuhay ka sa loob ng bahay ni Kuya.
17:56Huwag kang, huwag mo iisipin kung ano yung sasabihin sa'yo sa labas ng bahay.
18:00Samantala, hindi nga maitanggi ang closeness ng mga housemates, lalo na ni Mika sa kapwa Sparkle Star at malapit din niyang kaibigan na si Shubi Etrata.
18:10Nagbigay pa si Mika ng advice kay Shubi, lalo't batig niya raw ang pinagdadaanan nito ngayon.
18:16Pinaka manasabi ko lang kay Shubi siguro is, kung may piliin mo yung mga papakinggan mo, tsaka tatanggapin mo yung sarili mo.
18:28Kung meron kang mistake, own it.
18:30Say your sorries.
18:33Change.
18:35Own it.
18:35Parang if constructive criticism take it, pero kung pure hate lang, let it go.
18:41Slow down.
18:41Nelson Canlas updated sa Shubi's Happenings.
Comments