Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bumagsak daw ang proficiency ng Filipino learners batay sa pag-aaral ng 2nd Congressional Commission in Education o EDCOM-2.
00:09At kabilang po sa mga dahilan niyan, ang kakulangan ng masilid at libro.
00:13Nakatutok si Rafi Tima.
00:18Patuloy na dumarami ang nagtatapos ng high school sa bansa at tumutungtong sa kolehyo na walang sapat na kaalaman para sa kanilang edad.
00:25Ito ang masaklat na risulta ng pag-aaral ng 2nd Congressional Commission in Education o EDCOM-2 sa datos mula 2023 hanggang 2025.
00:34Paliit ng paliit ang proficient o nakakamit sa kanilang dapat matutunan sa kada grade level.
00:39Sa grade 3 po, 31% lang. Pagdating sa grade 6, nasa 20% tayo. Pagdating sa grade 10, 1.4%.
00:48Pagdating sa grade 12, 0.47 lang ang proficient ng mga batang Pilipino. 0.47% sa milyong-milyong naka-enroll sa grade 12.
00:58Nagkapatong-patong na raw ang dahilan ng pagbagsak ng proficiency ng Filipino learners sa pagdaan ng mga taon.
01:04Mula sa kakulangan ng classroom, kaya siksika ng klase, kakulangan ng textbooks, at kakulangan ng oras sa pagtuturo ng mga guru
01:11dahil sa ramin ng kanilang ginagawang administrative work. May mga ginawa naman dawak ba ang Department of Education o DepEd,
01:18kabilang ang Transmutation of Grade, kung saan niraround-off pataas ang grade ng isang learner.
01:23Ibig sabihin, kahit yung mga dating itinuturing na bagsak, ipinapasa.
01:27Pero ginawa raw ito noon sa pag-asang ang mga ipinasang estudyante, tututukan pagdating nila sa susunod na grado, bagay na hindi nasunod.
01:35Kung siksika ng mga estudyante sa isang klase ng guru, napakarami din ibang trabaho pa,
01:40paano niya gagawin yun talaga ng mahusay?
01:43So talagang siguro yung inasahan natin sa sistema, hindi ako mas sa realidad na hinaharap ng mga paaralan natin.
01:50Kaya medyo nagkaroon tayo ng problema.
01:52Sang-ayo ng dalawang grade 12 students na aking nakausap sa resulta ng pag-aaral.
01:56Nagpalala pa raw sa problema ang nangyaring pandemia.
01:59Simula nung pandemic din po talaga, yung iba talaga bumagsak yung interes sa pag-aaral kasi naka-online lang po nila.
02:09Lalo na po sa comprehension, sa pakikinig, sa mga ganun po.
02:13Sumula noon, medyo hindi ang hirap na makabawi.
02:15Opo, nahihirapan na po kami.
02:17Ang DepEd inihahanda pa lang daw ang kanilang pahiyag tungkol sa pag-aaral.
02:21Ayon sa EDCOM 2, aabuti ng sampung taon para mabawi ang mga pagkukulong na ito kung matutugunan ang mga kasalukuyang problema.
02:28Pero may pag-aasa pa rin naman daw.
02:30Yung DepEd nag-launch ng Summer Literacy Remediation Program.
02:34Ang tinutukan nila is grades 1 to 3.
02:36Sa tutok na ginawa ng DepEd, 96% ng lahat ng batang hirap makapagbasa nakaangat ng isang antas ng literacy.
02:44Yung mga bata sa Zamboanga, in fact, 20 days lang,
02:48ang natutunan nila katumbas ng 1.3 years ng pag-aaral.
02:53So, kaya nating humabol.
02:54Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended